Being with Andy

8.9K 222 4
                                    

Russell's POV

Magkatabi kami ni Andy sa kama at pinaunan nya ako sa braso nya, 11pm na pero di parin ako  

dinadalaw ng antok kahit sya. Nakaunan ako sa kanang braso nya at yung isang braso nya ay nasa isang  

side nya at pareho kaming nakatingin sa may kisame.

"Andy...bakit ang tahimik mo? May problema ka ba?"  

nag aalalang tanong ko sa kanya at tumagilid ako  

ng higa para makaharap ako sa kanya.

"wala....."  

sabi nya at tumagilid na rin sya paharap sa akin kung kaya magkapantay na yung mga mukha  

namin, at yung kaliwang braso nya dinantay nya sa bewang ko. Napakapit ako sa laylayan ng damit nya  

sa pagitan namin.

"pwede ba akong humingi ng isang pabor sayo?"  

sabi nya na nakatitig sa mga mata ko.

"a-ano yun?"  

yannong ko

Ipinikit nya yung mga mata nya at pinagdikit nya yung mga noo namin,habang tumatama yung maiinit at  

mabangong hininga nya sa mukha ko ay parang kung anong maliliit na boltahe yung gumagapang sa  

sistema ko. At parang hinahalukay yung sikmura ko basta ang hirap ipaliwanag yung feelings pero  

parang sasabog sa excitement at saya yung puso ko sa ganitong posisyon namin ni Andy.

"na habang andito tayo.......pwede bang.......akin ka lang..."  

sabi nya. Natulala ako sa sinabi nya at yung  

kabog ng dindib ko sobrang lakas,lalo na nung hinigpitan nya yung pagkakayakap nya sa akin. At yung  

sinabi nya paulit ulit sa isip ko

Natawa sya ng mahina, "kahit tumanggi ka ipipilit ko parin eh! Wala kang choice kung ayaw mong  

maglakad pabalik ng Maynila...don't  

worry wala kang pagsisisihan....gusto ko lang maranasan yung  

maging akin ka kahit ilang araw lang...."  

sabi nya. Hindi ako makapagsalita imbis ay yinakap ko sya ng  

mahigpit pabalik. Andy sana maramdaman mo...bakit sa pagkakataong pang ito ako natameme? Sobra  

akong na overwhelm sa mga sinabi nya....pinapangako ko na hindi matatapos ang bakasyong ito,  

aaminin ko kay Andy na mahal ko sya.

"Let's  

sleep.....goodnight roommate..."  

bulong nya sabay kiss sa noo ko

"goodnight My Andeng...."  

Sabi ko sabay siksik ng mukha ko sa leeg nya..uhmmm...bango

Narinig ko yung mahinang pagtawa nya at inayos nya muna yung pagkakakumot namin at saka nya mui  

akong yinakap.

Kinabukasn

Nagising ako sa flash ng camera....pagtingin ko sa katabi ko

"smile! Good morning ..."  

sabi nya sabay click sa camera.

Falling Inlove With My Roommate Book1 CompleteWhere stories live. Discover now