"That's okay, Lance. Makakahanap ka rin nang mas deserving sa pagmamahal mo. Date other girls! Gwapo ka naman at hindi malabong maraming magkagusto sa'yo." Binigyan niya naman ako ng pekeng ngiti.

"Sana nga ganun lang kadaling mag-move on sa kaniya, Zy." Sabi niya.

"Tama na nga iyan. Nalulungkot na ako lalo eh. 'Di mo pa ako binibigyan ng Tip paano mag-confess!" Pag-iiba ko ng topic at sabay kaming tumawa.

ALLEN.

"Bro, ikaw muna ang mag-bantay kay Sam. Uwi muna ako para kumuha ng gamit."

Tango na lang ang isinagot ko sa kaniya.

"Allen, saan pumunta si JP?" Gising na pala siya.

"Uuwi muna daw siya." Sagot ko.

"Thank you pala sa pag-aalaga mo sa akin. Ganito na lang sana tayo lagi. Iyong nandiyan ka lang sa tabi ko sapat na." Napa-iwas na lamang ako ng tingin. Ito ang pinaka-ayaw ko. Ang umasa si Sam.

"Sam, please 'wag mong bigyan ng meaning 'tong ginagawa ko sa iyo. I'm just doing this because you're my friend." Paliwanag ko at ito na naman ang papaiyak niyang mukha.

"Ganun na ba ako kahirap gustuhin, Allen?" Nagtatampong sabi niya sa akin.

"Sam, hindi ganon ang ibig kong sabihin."

"Parang ganun na rin 'yon, Allen." Sabi niya kasabay ng pagtulo ng luha sa pisngi niya.

Agad naman akong lumapit sa kaniya at yinakap sya.

"Hush, don't cry. Hindi maganda sa katawan mo 'yang pag-iyak. Don't worry andito pa rin naman ako. So please, just calm down." Sabay abot ko sa kaniya ng tubig na may sleeping pills.

"Thanks." Sabi nya at lumipas lang ang ilang minuto unti-unting nagsara ang kaniyang mga mata.

Binantayan ko na lamang siya at hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.

Zyra.

I'm here at the park. 15 minutes na akong nandito sa park. Nag-text na rin ako sa kaniya pero hanggang ngayon wala pa rin siyang reply.

Lumipas na ang kalahating oras at wala paring Allen ang nag-paparamdam. Gumagabi na rin.

Siguro traffic lang. Konting hintay pa, Zyra. Tiwala lang dadating rin siya.

Isang oras na ang nakalipas at nilalamig na rin ako pero nanatili akong nakaupo sa pwesto ko sa Park. Tinext ko si Allen na pink ang suot kong damit para hindi siya mahirapan na hanapin ako.

Naglaro na lamang ako ng Pou sa cellphone ko para pangtanggal lang ng bored.

Napabuntong-hininga ako ng dalawang oras na pero wala pa rin siya. Darating pa ba si Allen? Isang oras pa Zy. Tiningnan ko ang wrist watch ko.

9:31pm

Gabi na rin pala. Buti na lang nag-paalam ako kay mama na may kikitain ako ngayon for sure mag-aalala iyon kung late na talaga akong umuwi tapos walang paalam.

Tatlong oras na. Wala pa rin si Allen. Walang Allen na dumating. Walang Allen na nakipagkita sa akin. Feeling ko lahat ng effort ko biglang nasayang. Nanlulumo akong tumayo. Siguro hindi pa ito ang right time pero isa lang ang natutunan ko ngayong gabi.

Wala akong aasahan kay Allen. He's an assh*le. I hate him for that! Masiyado siyang paasa.

Inis kong pinahid ang mga luha na kumawala sa mga mata ko.

Bakit ko ba iniiyakan ang walang kwentang lalaking tulad niya?! Dumbass! I hate him! Paasa siya! At ako naman itong umasa.

Naiinis ako! Sinipa ko ang batong maliit na nakaharang sa daanan ko.

Inis kong nilapag ang cake na dinala ko sa table dito sa Park. Mas maganda na rin siguro 'toh kaysa itapon ko pa.

Naalala ko tuloy yung sabi sa akin ni Lance kanina.

"Magbigay ka ng cake. 'Di ba alam mo naman iyong favorite flavor niya? Chocolate right? Iyon ang ibigay mo. Kasi kaming mga boys mahilig rin naman kaming mag-appreciate sa mga bagay na binibigay sa amin. Lalo na kung paborito namin iyon!"

Sayang 'tong cake. Depende may mga batang palaboy naman dito sa park. Sila na lang ang kakain nito. Kasabay ng paglakad ko paalis ay ang unti-unti rin na pagbagsak ng balikat ko dahil umasa na naman ako sa wala.

Allen.

Nagising ako sa pag-ring ng cellphone ko. Sh*t! Si Zy!

Tiningnan ko ang orasan.

10:38 p.m

F*ck! Late na ako.

Nakita ko naman na si JP na nanonood.

"JP, alis muna ako." Hindi na ako nag-abala pang tingnan ang reaksyon nito. Dali-Dali kong pinara ang taxi na nakita ko sa labas.

Lakad takbo ang ginawa ko nang makarating ako sa Parl. Wala na siya. Wala na ring tao dito dahil gabi na.

Hindi ko siya naabutan. Wala ng Zyra.

Inis kong sinipa ang bato sa harapan ko. Isa lang ang nakaagaw ng pansin, iyong box sa ibabaw ng isang table sa park.

Agad ko itong nilapitan.

At doon ko nakita na para sa akin pala 'to dahil may kasama rin itong letter.

Dear Allen,

This is my gift for you. Pasensiya na kung cake lang ang kaya kong ibigay sayo. Ang mahalaga masaya naman ako dahil finally pumayag ka rin na makipag-kita sa akin. Ang saya sa feeling. Kinakabahan talaga ako noong niyaya kita na makipagkita sa akin dito. By the way, Crush kita! Seryoso ako. Tandaan mo 'yan! Goodnight!

-Zy

I smiled bitterly and taste the chocolate cake with my finger. It's delicious. Sad to say, I can't say that anymore to Zyra. She probably hate me now for not showing up.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 20, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crush Kita! [✔]Where stories live. Discover now