Chapter 3

13.5K 603 85
                                    

CHAPTER 3

Zyra.

"Okay guys, mag-ready na tayo. Tayo na iyong pangalawa sa magpe-perform." Narinig kong sabi ni Jenessy.

Kinakabahan na naman ako. Lagi na lang sa tuwing magpe-perform kami. Hindi ako mapakali dahil paano kung pumalpak yung performance namin? Lalo na at hindi naman kami nag-practice. Oo, hindi na kami naka-practice dahil natambakan kami ng activities at assignment since may nalalapit na namang program sa school.

"Zyra, bibigyan ka raw ni Allen ng flower sa performance nila! Iyong surprise pala nila ay iyong bibigyan ng flower iyong natitipuhan nilang babae rito sa loob ng klasrum." Biglang sabi ng kaklase kong si Princess. Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Kanina habang nag-aayos iyong mga boys ay napansin ko nga na may hawak na bulaklak ang ilan sa kanila. Unang tingin pa lang ay alam kong kasama na iyon sa props para sa performance nila.

"Talaga?!" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Feeling ko ang gaan-gaan ng paligid ko ngayon. Kung totoo iyon, may pag-asa na ba ako? Kung sa akin ibibigay ni Allen iyon, edi gusto niya rin ako?

"Oo." nakangiting paninigurado na sabi sa akin ni Princess. Isa rin sa mga tinuturing kong kaibigan ko sa room maliban sa tatlo na lagi kong kasama kahit saan ako magpunta.

"'Pag 'yan ah, hindi natuloy!" Nagbabanta kong sabi na may halong pagdududa. Bumuntong-hininga ako. Aasa na naman ako eh.

Kaya ko 'to. Gagalingan ko rin sa performance namin para hindi kami mapahiya sa boys.

"Good morning, this is the performance of group one. Buko is the title of the song that we will sing." 

Sabi ko na nga ba eh. Si Allen ang magsasalita para sa introduction ng group nila. Huminga ako nang malalim at tumitig sa kaniya kahit hindi ko alam kung nakikita niya ako dahil nasa bandang likuran lang ako. 

Nagsimula na silang kumanta.

♪Naalala ko pa
Nung nililigawan pa lamang kita
Dadalaw tuwing gabi
Masilayan lamang ang yong mga ngiti

At ika'y sasabihan
Bukas ng alas siyete sa dating tagpuan
Buo ang araw ko
Marinig ko lamang ang mga himig mo

Ang ganda ng boses nila nagble-blend. Hindi ko maiwasan na kabahan para sa performance namin sana maitawid man lang namin iyong amin kahit na wala kaming taga-gitara at taga-beat box ng matino.

Araw-araw kitang liligawan
Haharanahin ka lagi

Nagsisimula na silang magbigay ng Flowers nagsimula kay Vince. Napakagat ako ng labi ko dahil mukhang tama iyong sinabi ni Princess!

Hanggang si Allen na. Ang bilis ng tibok ng puso ko at pilit ko itong pinapakalma.

Ayokong tumingin dahil nahihiya akong malaman niya na nag-aassume ako na sa akin niya ibibigay 'yung flower na iyon. Tumingin na lamang ako sa baba. Suddenly the floor looks interesting.

Huwag kang titingin Zyra para kahit sa iba niya ibigay iyong flower, hindi gaanong masakit.

"Uy, Zyra!" Sabay-sabay na tawag sa akin ng mga kaklase ko. Mas lalo pa akong kinabahan at unti-unti ko ng inangat ang ulo nang makita ko ang pamilyar na pares ng sapatos sa harapan ko.

Nakita ko ang seryoso ngunit nahihiyang mukha niya. Nagulat ako nang sa akin talaga ibinibigay ni Allen iyong bulaklak. Eh? Totoo nga?

Kinuha ko 'to. Sobrang lamig ng kamay ko dahil ramdam ko rin sa gilid ng paningin ko ang nanunuksong tingin ng mga kaklase namin sa amin. Gusto ko ng lumubog sa kahihiyan dahil batid kong nag-iinit ang pisngi ko ngayon sa kilig. Pilit kong pinipigilan iyong ngiti na gustong kumawala sa labi ko dahil sa kilig na nararamdaman ko.

Pero nasira iyon nang pabirong sinabunutan ako ng bruha na nasa tabi ko, si Alyssa.

"Kinilig ka naman bruha?" pang-aasar niya sa akin.

Lumapit naman ako sa kaniya at bumulong. Ayokong malaman ng ibang kaklase namin na sobrang affected talaga ako sa mga nangyayari at pakiramdam ko ay lumulutang ako sa saya ngayon.

"Hindi naman masiyado." Sagot ko pero deep inside nagwawala na iyong puso ko. Achuchu.

Natapos na kaming lahat na magperform. Naging maayos naman lahat, chos. Kahit nagkatotoo nga ang nasa isip ko kanina na papalpak kami. Biruin mong ang galing-galing palang mag-beat box ni Ivy. Insert the sarcasm. Sobrang fail talaga at halos lumubog na kami sa kahihiyan.

Habang nagbibihis kami ay narinig ko ang usapan ng ibang grupo ng mga babae.

"Tsk. Paasa ang mga boys. Pinag-usapan lang din naman nila kung sino ang bibigyan nila ng bulaklak and take note, hindi galing sa puso nila iyon." Sabi ni Kriscell isa rin siya sa binigyan ng flower. Bahagya akong nalungkot sa nalaman ko. So ginawa lang ni Allen iyon para sa grades niya? Ang galing! Napaniwala naman ako. Ginawa niya iyon na hindi man lang naiisip na baka kakitaan ko siya na may motibo rin siya sa akin. Malungkot akong napangiti.

Siya kaya ang top 1 namin dito sa room. Malamang na magaling gumawa ng plano iyon upang pagandahin ang performance nila at ma-impress pa lalo ang teacher namin sa kaniya.

"Nalungkot ka naman." Pagpansin sa akin ni Maureen at marahan akong siniko.

"Siyempre oo, nag-assume ako eh." Totoong sagot ko sa kaniya.

"Parehas naman tayo eh, akala ko binigay talaga sa akin ni JP 'to. Hindi naman pala." Napailing na lang ako.

"Okay lang naman sa akin kaya lang sana 'wag siyang paasa, 'wag siyang magbigay ng motibo dahil walang umaasa kung walang paasa. Tama?" Sabi ko at tumango naman siya bilang pagsang-ayon.

"Tama."

Crush Kita! [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon