Chapter 5

11.2K 500 71
                                    

CHAPTER 5

ZYRA.

Umaga na pala. Iminulat ko ang mata ko at inilibot ito sa paligid ko. Agad na kumunot ang noo ko dahil sa hindi pamilyar na itsura ng kuwarto na tinulugan ko.

Asan ako? Hindi ko 'to kwarto ah!

Napatingin ako nang bumukas ang pinto at iniluwa si Alyssa.

"Good morning, Sleeping beauty! Nakatulog ka rito sa bahay ko, best! Bumangon ka na at mala-late na tayo." Napangiti naman ako at bumangon na. Nakatulog ako sa sobrang pagod kagabi? Tatlong movies din ang pinanood namin ni Alyssa bago kami hilain ng antok. Sunod-sunod pa ang meryenda na dinadala ng Yaya niya sa kuwarto para may kainin kami.

"Alyssa, nasabi mo ba kay Mama na nandito ako sa inyo ngayon?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya. Kilala ko pa naman si Mama mabilis mag-alala iyon baka nagpa-report na sa pulis iyon dahil nakalimutan kong magpaalam na matutulog ako sa bahay nila Alyssa! Lagot.

"Oo, kaya huwag kang mag-alala. Sabi nga niya sunduin ka na daw nila kaso nag-alala rin ako kasi gabi na at delikado sa labas kaya sabi ko rito ka na matulog dahil paminsan-minsan lang naman. Pumayag naman siya."

"Oh! Uniform!" Aniya nito sa akin at ibinato ang extrang uniform niya.

"Thank you, Aly!" Sabi ko sa kaniya bago niya ako iniwang mag-isa sa loob ng kuwarto niya.

Tuluyan na akong bumangon at pumasok sa CR ng kuwarto ni Alyssa. Napailing nalang ako nng makita ko ang repleksiyon ng mukha ko sa harap ng salamin nila Alyssa.

Maganda naman ako, ba't ba ayaw mo sa akin Allen ko?

'Huy! Ano bang sinasabi mo? Crush lang Zyra kaya bakit may 'Allen ko' kapa na nalalaman. Tsk.'

Hay! Allen kong sinisinta! este crush lang pala. Hehehe bawal sumobra.

Tsk. Baliw na ako, kinakausap ko na ang sarili ko. Naligo na ako at nakigamit na rin ng shampoo ni Alyssa pero binigyan niya naman ako ng soap mula sa cabinet niya sa loob ng CR. Ginamit ko rin iyong extra niyang disposable toothbrush na nakalaan para sa bisita.

Muli kong sinipat ang sarili ko sa harapan ng salamin bago bumaba ng bahay nila. Dalawang palapag kasi ang bahay nila Alyssa. Sa aming magkakaibigan, si Alyssa iyong masasabi mong mayaman talaga dahil na rin sa uri ng pananamit nito. Si Maureen naman ay mayaman rin pero matipid. Si Carl, sakto lang. Ako naman iyong masasabi kong may pinaka-simpleng buhay dahil hindi kami mayaman at hindi rin kami mahirap. Nakasalubong ko si Avril habang pababa ako ng hagdan. Siya ang kapatid ni Alyssa.

"Hi, Avril!" Bati ko sa kaniya at ngumiti.

"Hi rin ate Zy, kamusta tulog mo?" Balik na bati niya sa akin.

"Okay naman!" Masayang sagot ko sa kaniya.

"Ako hindi!"

"Ha? May sinasabi ka ba, Avril?" Tanong ko sa kaniya.

"Ha? wala po ate ha!" Sabi niya at umiling-iling

"Oh Zy, ready ka na pala. Tara na. Avril akyat! Late ka na naman!" Sabi sa kaniya ni Alyssa at agad naman itong sumunod.

"Masunurin pala ang kapatid mo Aly noh?" Sabi ko sa kaniya. Si Nica kasi hindi kami gaanong magkasundo. Normal sa amin iyong asaran at nakakadiri para sa aming dalawa na magkapatid ang maglambingan.

"Takot na lang niya na maputulan ng allowance." Sabi ni Alyssa bago tumawamdahilan para mapailing naman ako.

Kaya naman pala.

Pagkarating namin sa school ay agad akong sinalubong ni Carl.

"Ay Girl! Naunahan ka na ni Sam! OMG! Nag-confess na siya kay Fafa Allen and guess what?"

Nanlaki ang mata ko sa pambungad niya sa akin.

"What?"

"Wala lang pake si Fafa Allen! Girl may pag-asa ka! Ano kaya kung try mong mag-confess sa kaniya, iyong seryosohang confess para seryosohin ka rin niya tutal kapal rin ng mukha mo eh! Try mo!" Sabi niya sa akin dahilan para tumigil ng panandalian sa pagtibok ang puso ko. Wala siyang pake sa confession ni Sam?

Pero anong sabi ni Carl? Confess?

"Carl, crush lang 'tong nararamdaman ko noh!" Natatawang sabi ko sa kaniya. Totoo naman. Crush lang 'to.

"Sure ka bang crush lang yang feelings mo kay Fafa Allen, mamaya lablablab bababa na pala 'yan!" Pagpipilit niya pa rin pero umiling ako. Ramdam ko ang pamamawis ko dahil sa mga sinasabi niya.

"Bakit may balak ka bang mag-confess?" Tanong sa akin ni Alyssa na nakikinig pala sa usapan namin ni Carl.

Napabuntong-hininga na lamang ako.

"Pag-iisipan ko pa kasi pride at kahihiyan ko ang nakasalalay dito. Sabi kasi ni Mama dapat daw lalaki ang nagco-confess hindi babae kasi pangit daw tingnan kung babae ang mauuna."

"Aysus! Bahala ka nga 2016 na po, Zyra! Hindi na uso ang lalake ang nagco-confess. Karamihan ay girls na ang first move. Gaya na lang ng mga mahaharot na mga babae dito sa G.A. Tiyaka sa Pinas lang ata nagmumukhang desperada ang babae kapag siya ang unang nag-confess." Napatingin naman ako sa kaniya.

Magco-confess na ba ako? Ito na ba iyong right time? Crush lang naman ito pero bakit sa loob-loob ko ay gusto ko rin na malaman ni Allen ang nararamdaman ko? I mean alam na niya na gusto ko siya pero paano kung totoo iyong sinasabi ni Carl na akala lang ni Allen ay hindi ako seryoso?

And there it hits me, this feeling isn't just a simple crush anymore.

Crush Kita! [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon