Chapter 2

62 1 1
                                    

Allyson's POV

"ALLYSON! ANONG ORAS NA AT NAKAHILATA KA PARIN DYAN!??!"

Napabangon ako sa sigaw ng mudra ko.

"MA! Anong oras na?!!"

"Aba't! Kumilos ka na! Buhusan kita ng tubig dyan eh! Dalian mo na! Ma-sususpended ka na naman sa pagiging late mo eh!"

Ako namang si tanga. Dalidaling pumasok sa CR at naligo. Ayoko ng masuspended. Huhuhu. Hirap hirap eh!

"MAAAAA!"

"Ano?!"

"Yung necktie ko! Nawawalaaa!"

Pagdadabog ko. Bastos ko no? Alam ng maraming natutulog, ang ingay ingay ko.  Pero ano naman? Pake nila?!

"Nako. Allyson! Nasa ulo mo lang!"

Ay tanga. Umagang umaga eh! Sinuot ko na yung necktie ko. Tapos dumiretso na at kinuha yung bag at baunan ko.

"bye ma!" Sabay kiss sa pisngi.

Sumakay na ko sa service Kong tricycle. Araw araw. Ganito ang Simula ng araw ko. Walang pinagbago.

Pagkababa ko ng tricycle. Nilagay ko na yung baunan ko sa lagayan ng mga baunan tapos dumiretso na SA classroom.

Buti nalang di pako late. Nang malapit na ko sa hagdan, may sumigaw ng pangalan ko.

"ALLYYYYYY!" Napatingin ako.

Isang bruhang babaeng dyosa ang tumawag sakin. Ngingiti ngiti pa ang loka!

Busangot yung muka ko ng pagdating nya.

"Hiii alyyy!"

"Ayusin mo nga buhok mo! Boset ka!" Sumimangot lang sya.

"Teka lang. Samahan moko SA CR ha??" Tumango lang ako.

Dumiretso na kami sa classroom. Sakto wala pa yung teacher namin don. Ang unang subject kasi namin, Filipino. Medyo boring -___-

-Lunch-

"Kainis talaga yung mga lalaking bigay ng bigay ng letters sakin. Tinatapon ko na nga lang eh!" Kwento ni Xandra

Isa pa 'tong bruhang 'to eh. Hilig magtapon ng mga letters na binibigay ng mga nagkakagusto sakanya. Minsan inggit ako. Kasi may mga nagbibigay sakanya but it doesn't matter naman. Tsaka Hindi ko naman kelangan ng letters. Bakit? Nakakakain ba yon?!

"Sus. Bat kasi tinatapon mo?"

"Eh ayoko nga! Kakabwisit. Puro breezy Eww. Kadiri sila. Mga monggi naman! Akala mo kung sinong gwapo" Natawa nalang ako.

"Ano ulam mo? Penge ha?" Kinunutan ko sya ng noo habang sya baka hawak sa tinidor nya kagat kagat yung malaking parte ng ham ko.

"HOOOY! AKIN YAAAN!"

Tumawa naman sya ng parang baliw

"Guilty ako! HAHAHA" 

Sya pala si Alexandra Iris. Boyish. Pero Hindi ganon ka boyish. Hindi lang sya marunong magayos ng buhok nya at kung ano pang kaartehan tulad ng isang babae. Hindi nga sya maarte eh. Pero maganda. -__- Malay ko dyan. Sabog din yang isang yan eh .

"Ay alyy!"

"Oh?"

Tumingin sya sakin ng diretso.

"Ang creepy nung guy nag hi at nagpakilala sakin, binigay nya nga rin Facebook name nya eh"

"Saan sya nag pakilala?"

"Sa text." Napakunot noo ako.

"Ha?" Napairap sya sa kawalan.

"Eto oh" pinakita nya yung lalaking nag Hi.

"Oh? Gwapo naman ah!"

"GAGA! Hindi yun! Ang creepy nya. Ewan ko kung bakit"

"Gwapo gwapo na nga, creepy creepy ka pang nalalaman dyan??" Inirapan nya ulit ako pero this time. May kasama ng batok with matching mura mura pa.

"ULOL!! Basta! Di mo gets! Yung aura nya kasi ang creepy!" Inirapan ko nga

Daming alam Neto. Anong aura? Unleashed Aura genen be? Jeske pe.

...

Nang maguwian na. Umangkas ako sa motor nya. Wala lang. Hilig naming magstroll eh. Syempre, dakilang epal lang ako. Ako lang yung nasa likod palagi, yung tumatalon talon sa likod habang dumadaan kami sa humps. Yung Sabit lang.

Habang si Xandra naman. Dakilang kaskasera. Josko! Halos mamatay-matay nako sa takot at kaba. Takot, kasi baka malaglag ako. Wala na na namang sasalo. Sahig na naman. Kaba, kasi Malay ko ba kung may galit sakin si Xandra? Patayin pa ata ako Neto eh!

So ayun. Habang nagsstroll kami. Nagkwekwento sya habang nagdradrive.Kung may license sya? Wala. Hahahah. Takas lang nya.

"Alam mo? Ang creepy nya talaga. Kasi alam nya yung itsura ko! Diba may Laban kami? Alam nya na nagtali ako ng buhok!! Ang creeeepy!"

"GAGA! Stalker mo yon!" Eng eng din to minsan eh.

"Haba ng hair kooo!" Sabay galaw ng buhok nya. -__-

"TANGINA MO! Nakakain ko! Pwe! Lasang adobo. Yak!"

"ULOL MO! PAKYUUU!"

**

Hanggang sa palagi nya ng kinukwento si Mr. Stalker nya. Ay may pangalan pala yun! Si Joshuel. Napaghahalataan ko na nga 'tong gagang babaeng ito. Josko!

"Ikaw ah! Baka may gusto ka na kay joshuel nyan!" Pangaasar ko

"HOY! Grabi sya oh! Hindi kaya! Boy bestfriend ko lang yun!"

"asa!"

"Ano baaa?! Boybest ko nga lang yun! Ang kulit. Bat kasi pinipilit mo pa?!"

Inirapan pako ng bruha. Aba!

"Sige. Pero kapag nalaman kong kayo na. Nako xandra" pananakot ko dito. Ayaw pa kasing umamin! Jusko!

"Sige ba! Asa ka namang maging kami. Kapag kaibigan lang... Kaibigan lang"

"Edi shing. Dami mong alam. Mahuhulog ka rin xandra" ngumisi ako sakanya pagkatapos kong sabihin yun. Inirapan lang ako.

Totoo naman kasi! Kahit na sabihin mong magulo kang tao. Pero kung sweet naman sayo yung kaibigan mong lalaki na iba naman ang tingin sayo, mafafall at mafafall ka rin! Tch.

••••°••••

A/N

This story is only a short story. It only contains 10-15 chapters. Thanks for reading this chapter, Hugs and Kisses! :*

"Stalker" Where stories live. Discover now