Chapter 1

113 2 0
                                    

Hi.

I'm Allyson Lovrain. 'Aly' is my nickname pala.

Minsan, Kapag tinatanong nila kung ilan ang naging boyfriend ko. Sinasabi Kong wala. Kasi yun ang totoo.

"Anong wala ka dyan?! Wag kame Aly"

"Asa namang wala!"

Natatawa nalang ako. Kasi di naman sila naniniwala. Pero pinapanindigan ko talagang wala pa. Im not sure kung magkakaroon ba or what? Kasi wala namang nagpaparamdam.

Siguro. May magpaparamdam. Pero sabi nga ng ilan. Walang forever. Malay ko kung magtagal kami? Diba? Haha. And I don't have time para sa mga love love chuchu na yan.

I'm not that smart. Pero fast-learner naman ako! Medyo slow nga lang sa mga bagay bagay.Sa magkakaibigan, ako yung sabog, ngingiti ngiti ng parang asong nauulol sa gilid, tatawa magisa na parang baliw at ako yung tanga.

Hindi ako ganon kaganda. HINDI. Nasa gitna lang. Hindi panget. Hindi maganda. Pero tulad ng ilan, nagmamaganda ako.

"DYOSA AKO! WAHAHAHAAH"

"ulol mo, aly!"

Ayos lang naman yun. Kasi nagloloko lang naman ako. Sapat na sakin 'tong muka ko. Wala akong naging boyfriend. Wala pang nagbibigay sakin ng love letters. Wala pang nagbibigay sakin ng effort. Wala pang nagbibigay sakin ng balloons and flowers o kaya chocolate. Ay wait.

MERON!

Yung tinuri Kong best friend na sa kahuli-hulihan ay nagustuhuan  ko. Seatmate ko yun. Hilig ko syang asarin sa mga drawing nya. Magaling  talaga sya magdrawing eh. Kaso, natutuwa lang akong asarin sya kasi naasar naman sya.

"AMPANGET  NG DRAWING OH! AHAHAHAHA. Jonathan, Ano ba yan? Bilog bilog lang naman yan eh!"

"OY! ANG KAPAL MO! Mata kaya yan! Ikaw talaga, aly! Hilig mong manggulo ng araw. Panira! Pweh! Dun ka nga!"

Palaging ganon ang nangyayari. Asaran,Walang pansinan,Away,Bati.Tapos cycle lang. Hanggang sa umamin sya sakin sa labas ng classroom namin..

"Bes! Ayan na si Allyson oh!" Bulong ni Ciara

"Oo. Sige. E-eto na" Jonathan.

Nakatalikod ako habang nakikipagusap Kay Fire. Nagulat nalang ako ng biglang may humawak sa balikat ko at pinaharap sakanya.

"Oy Jonathan!" Ngiting sabi ko "May kelangan ka?"

"Allyson.."

Tulala lang ako.

"GUSTO KITA"

Tumili si ciara na best friend rin nya. Pero wala namang nangyaring awkwardness sa pagitan namin ni Nathan. Wala lang. Balik parin sa dati. Dumating yung araw ng valentine's day.

Nasa tambayan kami. Katabi ko sya. Nasa harap namin si Ciara. Nagulat ako kasi may nasa likod nya. Si Adrien. May dalang malaking teddy bear at isang bouquet ng roses. May dala rin syang paperbag. Kung ano ano pumasok sa isip ko.

'Nako. Kita mo 'tong si Adrien. For sure, kumupit lang yan sa pitaka ng nanay nya. Jusko. May mapambili lang ng maibibigay Kay Ciara eh!'

Pero agad ding nawala yun sa isip ko. Ginawa Kong positive. Inisip ko na kunyare, nagipon sya. Sila kasi ni Ciara.

Nakangiti ako habang pinapanood si Ciara na kinikilig habang akap akap ang malaking teddy bear nya.

Maya maya, nagulat ako kasi may bumulong sakin.

"Inggit ka no?" Si Jonathan.

"Asa! Hindi ah!"

"Sus. Kunyari ka pa! Asa namang Hindi! Halika. Gusto mo ba?" Napakunot noo ako.

Napangisi nalang ako, hinahamon ata ako ng kumag ah?

Pumayag ako syempre. Akala ko kasi nagloloko lang. Nagulat ako ng hatakin nya ako pa punta sa nagtitinda ng mga lobong kulay pink at mga roses.

"Ay iho! Bili ka na dire!" Pagaanyaya ng tinderang may edad na.

"Osige po. Ate, magkano ho 'yang lobo nyo at rosas?"

"Ay yung lobo,Beinte. Tapos yung Rosas naman.  Dahil totoo yan at Hindi plastik lamang. Mga sampung piso nalang para sayo."

"Po? Sampung piso?" Jonathan.

"Oo! Sampung piso isa iho. Gawin mo ng tig tatlo para sa syota mo. Tatlo para i-love-you. Oh diba iha?" Nagulat ako ng tumingin sakin si manang.

Grabii si manang! Nasali pa ko? Galing nga rin nyang mag-sales talk eh.

"Oo na nga po. Eto na ho isang daan. Sainyo na ho yan" Napatingin ako Kay Jonathan.

Hindi kaya.. Sya yung maging unang boyfriend ko?

Sana. Since kakilala ko naman na sya. Nakangiti sila Parehas ni manang. -__-

Si manang nakangiti kasi may pera na sya. Habang si Jonathan naman, kasi may ibibigay sya sakin. Jusko.

"Oh! Eto na!" Nakangiti sya. Napangiti narin ako.

"Seryoso ka?"

"Oo nga! Ang kulet Neto. Oh ayan na ha?"

Ngumiti ako. Oo. Kinikilig ako. Kasi, first time na may magbigay sakin ng balloon and flowers. Take note.. Rosas pa ha!

Napangiti nalang ako.

Matagal ng nangyari lahat ng yun. Kung naging kami? Nope. Maybe because Hindi kami para sa isa't isa haha. Maraming nangyare. At ayoko ng balikan. After that, buhay parin ako. Pero wala ng nagbigay uli sakin ng ganon.

Inuulit ko ha? Kahit letters or chocolates. Wala pang nagbibigay. Hindi naman sa nagdedemmand ako. Pero.. Gusto ko kasing ma-experience. Naiinggit ako sa mga kaklase Kong nabibigyan ng ganon. 16 nako. Pero wala parin akong natatanggap. Iba na ang generation ngayon.

Kahit nga 13 palang may natatanggap na. Panget ba ko? Hindi naman eh. Maayos naman itsura ko. Pero bakit? Bakiit ganon!! Ay Ewan.

So.. Tapos na introduction ko ha? Hahah.

Again.

I'm Allyson Lovrain. Ordinaryong babaeng magkakaroon ng maraming thrill sa buhay.

--
A/N :

Hi readers!  Sana po magustuhan nyo. Please comment 🙏🙏 I really need your comments for some ideas? Haha. And also please vote.  That's all! Continue reading 💕

-Aleesha.

"Stalker" Where stories live. Discover now