"Thank you sa paghatid." Ngumiti ako saka kinalas ang seatbelts.

Tatangkain ko na sanang hawakan ang car handle nang bigla siyang magsalita.

"Paris..."

Nilingon ko siya agad. Nakahawak siya sa manibela at matamang nakabaling sa akin.

Nagtaas ako ng dalawang kilay nang mapansing medyo may katagalan na siyang tulala.

"Do you..." He bit his lips. "Do you wanna know what I would ask God if I knew he'll answer 'Yes'?"

I swear. The way he moves his lips? God... forgive me.

"What is it then?" Halos mangiti ako.

"I..." Nagpigil siya ng ngiti. "I'll ask Him if He could grant your wish, and let me also meet your parents. At kapag nakabalik sila ng kahit isang araw lang dito..."

Saglit siyang natigilan. Tila may sinuri siya sa mga mata ko. I can't help but stare back. Like he's diving into my soul.

"I'll tell them how beautiful their daughter is. Inside and out." He smiled.

Nagpigil ako ng ngiti. Pero hindi ko kinaya. Nangiti rin ako. Siguro kasi ang sarap sa tenga makarinig ng ganoon? O masarap pakinggan kasi sa kanya nanggaling?

"Bolero..." mahina kong sabi. I heard his light laughs.

"Bolero? Come on... I'll never do that. Not with you."

I just rolled my eyes.

Binuksan ko ang pintuan saka bumaba na roon. Hindi ko yata kakayanin kung makikita ko pa siya. Lalo na kung naririnig ko iyong mga ganoong tawa niya.

"Ingat ka."

Kumaway ako sa kanya. Tumango siya at isang beses din na kumaway.

Kailangan kong tumili. Kailangan na kailangan ko iyon ngayon kaya bibilisan kong umakyat sa kwarto.

Nagmadali akong buksan ang gate pero bago ko iyon nagawa ay bumusina siya. Napabaling ako agad.

Binaba niya ang glass window at bumungad uli sa akin ang mukha niya. I really want to commend God for this beautiful creature.

"Do you want your mustard tomorrow?"

"M-Mustard?" I raised my eyebrows.

Tumango siya. "Hahatid ko sa FG. Hintayin mo ako bukas."

"Pero—"

"Good night, Paris."

Napabuga ako ng hangin. Kokontra pa sana ako sa paghatid niya kung sakali.

Ihahatid na naman niya sa FG? Nagsasayang siya ng gas. Pero kung sabagay... Vince Montemayor; The Filthy Rich Bachelor.

"Alright..."

Tumalikod ako at bumaling uli sa gate. Bumusina uli siya. Nilingon ko siya at kunot-noong napangiti.

"Ano na naman?" Halos matawa ako.

Sweet Lies (Sweet Series Book 2) #Wattys2016Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora