Chapter 4

3.1K 64 0
                                    

Mga twenty minutes later bumababa siya, naka itim siyang shirt tapos naka jeans na dark blue tapos naka converse. Awwgad. Ano bang nagawa kong kabutihan at pinapaexperience niyo sa'kin 'to?

"Are you checking me out?" Tanong niya *smirks* Am I that obvious?

"No *gulp* I'm not interested." Sagot ko sabay tingin sa kinakain ko.

"Okay." Matipid niyang sagot, pagtingin ko sa kanya, nakangiti siya, shit ano bang nakain nito? Hindi kaya namamatanda siya?

Bihirang bihira ko lang kasi siyang makitang ngumiti eh, kapag may bago siyang motor o kaya napagalitan lang ako ng parents ko infront of him. Baka nagda-drugs na siya ngayon, hindi kaya?

"Anong ngini-ngiti ngiti mo dyan." Pagtataray ko. Pa 'no kasi tinalo niya pa si Joker. Parang nang-iinis.

"Waro, mashamabwang ngumete?" Ayan! Nage-alienese nanaman siya. Hindi maturuan nang ''wag magsalita habang may laman ang bibig' walang table manners 'tong lalaking 'to.

"High ka ba?" Hindi ko na mapigilang hindi tanungin. Halos mabilaukan naman siya. Hmm. Guilty?

"Hoy hindi ah. Ikaw talaga misis." Sagot niya, nanlaki 'yung mga mata namin pero agad siyang nakabawi tapos ngumiti ng malapad.

"Oh bakit parang nakakita ka ng multo? Si misis talaga, oh 'wag kang mamula. Masanay ka na dapat kashe magiging ashawa naman na kisha eh, je ba?" Sabi niya sabay subo nung huling bite nang pancake niya.

Okay ang awkward.

Tango nalang ang naging sagot ko kasi ewan, kinikilig din ako eh. Matapos ang ilang segundong katahimikan.

"Ikaw na magligpit ha? Susunduin ko yung mga classmates ko eh. Gagawa kami ng report dito. Bye misis." Sabi niya, sabay lean niya sa'kin at halik sa pisngi ko, PAKBET! Totoo ba 'to? Bakit ba siya nagkakaganyan? Bakit ba siya nagpapakilig?

Bakit sa tuwing tinatawag niya 'kong 'misis' nangangamatis 'yung mukha ko? Okay na sana lahat eh. Naalala ko lang ako pala 'yung pinahuhugas niya ng plato. Nako, qno pa bang ine-expect ko? Saksakan kaya ng tamad yung lalaking 'yun.

Dahil masyado pang maaga para gumala kasama nila Allison nanood muna ako ng T.V. hanggang sa nagising ako dahil sa ingay ng motor ni Felix. Andito na siya kaagad? Namiss niya siguro 'ko.

Masyado na talaga kong assumera ngayon, pasensya na. Tapos biglang may kotseng bumusina, baka mga classmates niya na 'yon?

Ayos, tambay mode nanaman ako sa kwarto neto. Maya maya pumasok si Felix ng bahay, he was wearing his bestest smile, baka sabog na talaga, di kaya?

"Hi misis." Bati niya, nagsquat pa siya sa harap ko, nakaupo pa rin kasi ako sa sofa.

"Hi mister." Sakayan ko lang, kawawa naman eh. Namula kaagad ang mukha niya, ang cute! Hindi ko tuloy napigilan, nakurot ko yung pisngi niya.

"No need, aakyat na din ako, at promise hindi po ako gagawa ng ingay." Sabi ko, sabay tayo. He suddenly grabbed my waist.

"Hey, wala naman akong sinabi misis ah. Actually, gusto ko dito ka lang. Pero okay lang? Paluto ng mamemeryenda? Pito lang naman kami eh. Bale eight kasama ka." Sabi niya habang nag pa-puppy eyes.

I was stunned na ganon 'yung sinabi niya kasi kadalasan pag may group project sila na gagawin, bawal na bawal akong lumabas ng kwarto.

"Ahm, okay." Sagot ko, sabay takbo sa kusina. Nakakakilig naman si mister. Then I heard someone knocking I didn't bother to check, andun naman kasi si Felix.

Marrying a Jerk [PUBLISHED UNDER HINOVEL]Where stories live. Discover now