Chapter 1

5.5K 95 0
                                    

Bianca's POV

Nagsimula ang lahat sa isang katuwaan, spin the bottle. Napilitan akong yakapin si Felix, sino si Felix? Siya 'yung lalaking mangitian mo lang humanda kang kuyugin ng mga fans niya, 'yung literal na playboy at literal na bad boy na nababasa niyo sa wattpad?

Aaminin ko, bata pa lang kami gusto ko na siya, sino ba namang hindi? With his classic good looks, na mala Edward Cullen ang datingan.

Pero isa sa mga hindi magandang qualities niya ay 'yung masyado siyang mapanakit, well not physically but emotionally.

Mahal ko siya, mahal na mahal kasi bata palang kami alam kong fiancée ko na siya, ang cliché ba? Pero it's the reality.

Gusto kong sabihin 'yung tunay kong nararamdaman pero natatakot ako kasi 'yung mga babaeng nagco-confess sa kanya, halos mamatay sa kahihiyan 'pag ipinapahiya niya na, pa'no pa kaya ako?

Nasa front seat ako sa lahat ng kaganapang 'yon, wala akong magawa kaya hanggang nood na lang habang ginagawa niya lahat ng 'yon.

Sa totoo lang, gusto kong baguhin 'yon sa kanya. Parang trip ko kasi yung idea na magiging good boy si bad boy dahil sa isang babae.

Pero ewan, napakaimposible kasi non sa kaso namin ni Felix, ni tignan nga eh, hindi ko siya pwedeng tignan, sa bahay naman hindi siya pwedeng hawakan o kausapin if it's not a life and death situation.

Ang saya di ba? Malapit na kaming ikasal, 3 months nalang pero wala pang matinong pag-uusap ang nangyayari, ano nang mangyayari sa'min neto?

"Hoy! Bianca gising! Sabi namin yakapin mo si Felix." Sabi ni Chandria, friend ko siya, isa sa mga kalaro ko ng spin the bottle.

"Ah..eh..pwede bang iba na lang?" Suggestion ko.

"Hindi pwede, 'wag mong sabihing natatakot ka." Singit ni Allison. Obviously. Pa'no kung ipapatay ako niyan?

"Hindi ah. Ako matatakot kay Felix?! No way." Sabi ko. Shemay ayoko pa talagang mamatay marami pa 'kong mga pangarap!

Anyway, 'wag kayong maguluhan hindi kasi nila alam na may fiancée ako.

"May kausap siya eh." Pagdadahilan ko. Nandito kami sa may labas ng room nila Felix section 13 kasi siya habang section 3 ako.

"Ayos nga 'yon eh para 'di ka niya mapansin." Nakangising sabi ni Allison. Habang pilit akong itinutulak para pumasok.

"Wag kang mag alala Bianca. Andito naman kami eh, kami sasalag 'pag sasapakin ka na niya." Natatawang sabi ni Jay.

"Ayos." Sarkastiko kong komento. 'Yung kausap ni Felix ngayon na babae parang nagco-confess ata? Tama 'to para nasa kanya lahat ng atensyon.

Maya-maya nilapitan ko na siya. "Sa tingin mo ha? Magugustuhan kita?! Tignan mo yang buhok mo gulo gulo, kung makapag lipstick ka ang kapal kapal! Ayoko sa'yo layuan mo ko!" Sigaw niya dun sa babae, nakakaawa siya pero, ewan ko ba may nakaramdam ako ng tuwa. Ang sama ko. Hay~

Paglingon ko kila Allison, sinesenyasan nila 'kong lumapit pa. Mabilis ko siyang niyakap, nakita kong nanlaki yung mata niya bago ako nanakbo papalayo.

"Umaygad! Ang galing Bianca, I can't believe you would do that?! Because of some dare i-ririsk mo yung life mo? Haha. Ang epic. Wait ka lang jan mamaya darating na 'yon with some back-ups para bugbugin ka." But to our surprise walang dumating. Yari ako sa bahay. As in yari talaga.

Marrying a Jerk [PUBLISHED UNDER HINOVEL]Where stories live. Discover now