46 Wala kang puso! Wala kang awa! Isa kang demonyo

ابدأ من البداية
                                    

Hinawakan sa kamay ni tito Brancy si Rae. "Don't worry, as soon as this matter is over magba-bonding tayo. Aalis tayo. Pupunta tayo sa ibang bansa. This is all for you Rae." Hinalikan nya sa noo si Rae. "But for now, I need to go. Okay? Nandyan naman si Kael."

"Ako na po ang bahala dito kay Rae." Inakbayan ko si Rae, assuring tito na ako ang bahala.

"Sige na nga, ingat na lang." Ngumiti si Rae habang pinagmamasdan si tito palabas. "Bakit kaya nagaalisan ang mga tao no?"

"I don't know." Buntong hininga kong sagot.

Matapos naming kumain ay inihatid ko na sa kwarto si Rae at inihiga na sya. "Please don't leave." Sabi nya sa'kin.

Tumango ako at umupo sa couch sa tapat ng bed nya.

Hindi pa man kami nakakatagal sa kwarto ay biglang pumasok sa kwarto si Donya Frieda.

"Grandma, you're here." Mabilis tumayo si Rae at yumakap sa lola nya na tila ay walang ganang makita sya. "Grandma, what's wrong? Aren't you happy to see me?"

"Ric is missing." Sabi ni Donya Frieda with a blank look.

"So?" Nakakunot na sabi ni Rae. "I don't care where the hell she is." Hinawakan ng matanda sa braso si Rae. "Grandma, let go of me. Nasasaktan ako." Mahina nitong sabi.

"Aren't you gonna tell me where is Ric?" tanong ni Donya Frieda at napatayo ako sa pinagkakaupuan ko.

"What? Ano namang alam ko kung nasaan si Ric?" Inalis ni Rae ang pagkakahawak ng lola nito. "Bakit ba sa'kin mo sya hinahanap? Bakit kung makapagsalita ka parang napakahalaga nya sa'yo? Ako ang apo mo grandma, bakit ka ganyan?" Naiiyak na tanong ni Rae kaya naman nilapitan ko sya para icomfort ko sya.

"Alam mo bang galing sa blood center ang dugong isinalin sa'yo?" Tumitig ang matanda sa apo.

"What do you want grandma? Bakit mo 'to sinasabi sa'kin?!!" Naramdaman kong nagagalit na si Rae. Umupo sya sa kama at parang bata na may tantrums.

"Wala kina Forsh o Madsen ang kadugo mo. Alam mo ba ang ibig sabihin nun?" Napatigil si Rae at tumingin sa lola nya. "Right, tulad ng mga nasa telenovela. Wala kang kadugo sa kanilang dalawa – dahil hindi ka nila anak."

Gulat na gulat ang itsura ni Rae at biglang bagsak ng mga luha nya habang walang lumalabas na salita sa bibig nya. Hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman na napanganga na lang sya na parang may gustong sabihin pero hindi nya masabi.

"Kung saang lupalop ka man nanggaling katulad ka rin ng magulang mo. Kaya uulitin ko ang tanong." Hinawakan nya ulit ng mahigpit sa braso si Rae, "nasaan si Ric?!!"

"Donya Frieda, nasasaktan po si Rae." Pag-awat ko sa kanya.

"Pabayaan mo sya Kael. Ito yung gusto nya, ang saktan ako dahil lang sa walang kwentang babaeng yun!" Sinubukan nyang alisin ang braso sa pagkakahawak ng matanda pero hindi nya ito nakuha. "Bakit nyo ba sa'kin hinahanap si Ric, grandma? Ano bang mapapala ko kung ipapakidnap ko sya!!!"

"Marami!!!" Itinulak nya sa kama ang apo. "Una palang kulong kulo na ang dugo mo sa kanya. Kung meron mang magpapadukot sa kanya, ikaw lang ang naiisip ko!!"

"Pero bakit mo sya kinakampihan grandma? Ako ang apo mo! Hindi ko yun magagawa!" at tuluyan na sya ulit umiyak.

"Dahil si Ric ang tunay na MacLaren at hindi ikaw!!" Gulat na gulat kaming dalawa ni Rae sa sinabi ng matanda. "Sya ang totoo kong apo."

"Ano? Totoo ba 'tong narinig namin?" napatingin kami sa pintuan at nakatayo doon ang parents ni Rae.

"Ma, anong sinasabi mo?" tanong ni tito Forsh.

tRICky Destinyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن