Humagikgik ako at napailing. Tumikhim si Conrad kaya napatingin ako sa kanya.

"Ikaw, Elaine? Meron ka bang panonoorin?" tanong niya. "Or... you'll be there for the game?" tanong niya.

Naitikom ko ang aking bibig. I could feel my face flushing because of his question. Pinandilatan niya ako ng mga mata. For God's sake, Celine's watching us! Baka kung anong isipin niya sa amin.

"I'll support my best friend," halos manginig ang aking boses. Iniwas ko ang mga mata kay Conrad at kay Celine tumitig.

She beamed at me. "Thank you, El!" aniya.

Narinig ko ang buntong hininga ni Conrad. He sound frustrated. Bahala siya! Maaaring iniisip niya na naroon ako para sa kanya. He's not stupid! I am sure that he already has a hint about my feelings for him.

Hinayaan ko si Conrad isipin ang gusto niya. I stayed quiet the whole time. Kahit na napapansin kong madalas ang pagsulyap niya sa akin. Ayokong mag-isip ng masama si Celine. She might not be judgemental but she's very observant. Ang nakakatakot pa ay nananahimik siya kapag may napapansin siya.

"Dito tayo," ani Celine nang makarating kami sa gym.

Nasa ibabang bleachers kami, sa likod ng mga players. Minsan ay hindi ko siya maintindihan. Sometimes she's avoiding too much attention from the two boys. Pero ngayon ay lantaran ang kanyang paglapit sa mga ito. Siguro dahil aakalain ng mga ito na narito siya para sa kambal.

"Okay lang ba dito?" tanong ko. Hinanap ng mga mata ko si Conrad. Wala pa siya. Nasa locker room pa siguro.

"Oo naman. Kunyari nandito tayo para kay Conrad," sambit niyang tuwang tuwa habang hinahanap na rin ang mga crush niya.

Nagkukunyari? For me, I don't think so. I am really here for Conrad. Umamin na nga ako, 'di ba? Kahit sa sarili ko man lang ay maging honest ako.

"Ayan na," bulong ni Celine na akala mo ay may makakarinig sa amin kung normal siyang magsasalita.

I turned to where she was looking. There I saw the three guys coming out from the locker room. Si Vans, Lorenzo at Conrad ay naglalakad patungo sa aming direksyon. Kinagat ko ang aking labi at medyo humigpit ang kapit sa aking inuupuan.

"Medyo nakakahiya lang kasi tayong dalawa lang ang babae dito," ani Celine na humagikgik pa.

Nakitawa rin ako. I just stopped laughing when Conrad walked his way to us. Si Celine ay naging abala na rin sa sariling tinititigan.

Sa harap namin ay ipinatong niya ang sports bag. Yumuko siya at inayos ang kanyang sintas. I can't help but notice his every move. Lahat ng anggulo ay pansing pansin ko. Even the small drop of sweat running on his temple.

Alam ko kung kailan ako iiwas ng tingin. Nang gumalaw siya upang makatayo ng tuwid ay ngumuso ako at ibinaling sa iba ang mga mata. Saka ko lamang uli siya tiningnan matapos ng ilang segundo.

"This won't take long. Practice game lang naman," ani Conrad sa amin.

Ako lang ang tumango dahil abala si Celine sa panonood sa kanyang mga hinahangaan na nasa gitna na at nagwa-warm up. I guess this is how it works. Mawawalan ka ng pakealam sa iyong paligid kapag nandyan ang center of attention mo. Parang ako... Although medyo nasa tamang pag-iisip pa rin naman ako.

"Alright. Galingan niyo," usal ko.

"Hindi naman ako kasali. Pero roon kami sa tabi ni coach dahil tuturuan niya kami ng mga tamang moves galing sa higher levels," sambit niyang tinuturo ang coach na nasa kabilang side ng court.

I nodded my head again. "Sige. Dito lang naman kami."

Tumango siya. Ilang segundo siyang tumayo roon habang nakatitig sa akin. I just stared at him too. Tinagilid ko ang aking ulo. Tinagilid niya rin ang kanya. Umiling siya pagkatapos at tumaas ang gilid ng labi. Tumaas din ang gilid ng labi ko pero matapos niyon ay umirap ako.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now