Teaser

212K 3.6K 88
                                    

Note : This is my first story kaya asahan ang mga errors, way ng pagsusulat at wrong grammars. I'm currently revising and editing this story at baka nga ay palitan ko pa ang title. Pero hindi pa naman sigurado.

Hindi ako propesyonal na manunulat kaya wag umasa sa perpektong daloy ng storya o perpektong mga karakter.

Uunahan ko na din kayo.  Kung ayaw n'yo ng bobong bidang babae,  hindi ito para sa inyo.

Sa mga mambabasa na mahilig mag-mura (o mag-salita ng nakakabastos) sa comment section, go ahead po. I won't mute you. Hindi ang akda o mismong nag-sulat ang apektado. Dahil sariling image mo lang po ang sinisira mo. Kahit hindi ka kakilala ng mga taong makakabasa ng kinomento mo, sa sarili mo pa lang, alam mo na po kung anong klase kang tao. Imbis na murahin po ang karakter o mismong kwento, sulat ka na lang po ng iyo. :))

***

TEMPTATION SERIES #1

My Possessive Professor

Written by: @Binibining_E

My Possessive Professor

TEASER

DALI-DALI ako sa pagbaba ng sasakyan mula sa parking lot at tumatakbong nagtungo sa elevator para mahabol ko ang oras. Late na kasi ako sa unang klase ko. Nakakatakot pa naman daw ang professor namin sa algebra subject. Naku siguro palibhasa matanda na, puro kulubot ang mukha at malaki ang tiyan. Kaya siguro masungit.

Nang marating ko ang 6th floor ay tumakbo ulit ako dahil limang minuto na lang ay male-late na talaga ako.

Malapit na sana ako sa room na pupuntahan ko ay siya naman pagtunog ng phone ko.

"Hello," sagot ko sa kabilang linya.

"Belle where are you? You only have 2 minutes left bago malate."

I rolled my eyes. Hindi naman makikita ng bestfriend ko eh.

"Yeah, yeah. Ito na nga nagmamadali na ako kaso tumawag ka kaya napahinto ako at sinagot ang tawag mo."

"Ops! I'm sorry, Belle, concern lang ako sayo."

Tinawanan pa ako

"Ok, I'll hung up na. Malapit na din ako." indi ko na hinitay pang sumagot si Serene dahil talagang malelate na ako.

Paliko na sana ako, when I bumped to someone. Panandaliang hindi ako nakaimik dahil natulala ako ngayon sa lalaking nasa harap ko, napaawang pa ang bibig ko.

"Im sorry Miss, here's your books."

Sa sobrang pagkamangha ko sa kanya ay hindi ko namalayan na maging ang mga librong hawak ko ay nabitawan ko na.

"T-Thank you," nauutal na sabi ko sa kanya.

Ngumiti ang lalaki sa kin. Sino ba ang lalaking to at parang ngayon ko lang nakita? Ang gwapo. Singkit na mata, matangos na ilong tapos yung lips hmm yummy—I mean ang pula pula. Parang tinalo pa ang lips ko sa pagkared.

"You're welcome miss."

Di ko alam kung ako lang ba o pareho kaming nakadama ng kuryente nang hindi sinasadyang mahawakan niya ang kamay ko.

"See you around." And with that, iniwan niya akong tulalang nakatitig sa kanya.

Bumalik lang ako sa sarili ng tumunog ulit ang phone ko. Si Serene nagtext. Natampal ko ang sariling noo nang mabasa ang mga text niya. Patay! Nandoon na daw ang prof. namin at nagsisimula ng magcheck ng attendance.

Napahinga ako ng malalim ng makadating ako sa tapat ng pintuan ng math room. Dahil soundproof ang bawat silid dito ay hindi mo maririnig ang nangyayari sa loob kaya kinakabahan talaga ako ng sobra. Ok this is it. Kaya mo yan Belle, isang matandang masungit na professor lang naman ang kakaharapin mo ngayon araw.

Kinakabahang napahawak ako sa knob ng pintuan at dahan dahang pinihit ito. Nang tuluyang mabuksan ay palihim akong pumasok ng room para lang maabutan ko ang buong klase na walang imik at nakatingin sakin.

Ok, what the hell is happening here? Napalingon ako sa unahan nang wala naman akong makitang lalaking mataba na kulubot ang mukha at malaki ang tyan, instead ang lalaking nakatayo ngayon sa may bandang whiteboard at may hawak na pen habang sinusulat ang pangalan niya ay ang lalaking nakabunggo ko kanina.

Carter Sebastian Park, pala ang pangalan niya. Pero bakit anong ginagawa niya dyan sa unahan? Hindi ba siya natatakot at baka mapagalitan siya nung professor namin?

At nasaan nga ang professor namin? Niloloko lang ba ako ni Serene na nandito na yung professor para lang magmadali ako? Kainis tong si Serene ah.

Luminga ako sa buong klase para hanapin siya. Di naman ako nahirapan hanapin siya dahil nakita ko sa may banda siyang gitna nakaupo at kumakaway nga sakin.

Papunta na sana ako sa kanya nang siya namang pagharap nung lalaki sa buong klase at nalipat ang paningin sa gawi ko.

Napatingin muna siya sa wrist watch niya bago ako tiningnan ng mataman. "You're 3 minutes late Miss and because of that, see me at my office after class."

Wait, what? Anong pinagsasabi niya?

Magsasalita na sana ako para tanungin siya sa mga kalokohang pinagsasabi niya nang naramdaman kong may humila sa kamay ko para mapalingon ako dito.

"Serene what is he talking about?" nagtatakang tanong ko habang nakaturo ang kamay doon sa lalaki.

May mga narinig naman akong nag sipagsinghapan dahil sa sinabi ko. Wala naman mali sa sinabi ko ah. May mga bulung bulungan pang nagsasabi na bakit hindi ko daw alam.

Alin ba ang hindi ko alam?

Napatingin ako ulit doon sa lalaki sa unahan na may ngiting sinusupil sa kanyang labi. Nakita ko pa siyang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Weird.

"I'm sorry sir for what she'd said. She just didn't know," hinging paumanhin ni Serene doon sa lalaki, at hinila na ako para maupo.

"It's okay Miss.Hyun," saad naman ng lalaki sa baritonong boses.

God! So manly!

Binaling niya ang paningin sakin at muling nagsalita, "Let me introduce myself for those who didn't know me yet and for those who are late." Tumikhim siya.

Pinaparinggan ba ako ng isang to? Eh ako lang naman ang late ah.

"The name is Carter Sebastian Park, Your Algebra Professor for the whole semester"

What?!

To be continued...

DS:031016

My Possessive Professor (TS1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon