CHAPTER 9: AB ISLAND (ARRIVAL)

Start from the beginning
                                    

Hinila ako ni Gray ngunit nakaiwas ako. He kicked fast but I blocked them all using my hands ngunit may mga pagkakataon talaga na natatamaan ako but it's not that painful. I grabbed his right arm and twisted it again, he mumbled a curse then made a move to switch our positions. This time, siya na naman ang nakahawak sa braso ko while I'm groaning in pain. Muli kong sinipa ang tuhod niya but he managed to avoid it.

"No, not this time, masakit 'yun ah!," nakangiting wika nito.

"Really? How about this?," tanong ko at siniko siya sa mukha at nabitawan niya ako. He held his jaw ngunit sinalakay ko siya ng sipa. He blocked all of those but when I used my right leg, dumapo iyon sa mukha niya at dumugo ang gilid ng labi niya.

Pinunasan niya ang gilid ng labi niya. He licked his blood at ngumisi sa akin. "You'll pay for this witch," he said smiling and began kicking me again.Umilag ako at nang pagod na akong umilag, pinatid ko siya since isang paa lang ang nakasuporta sa kanya dahil nga sumisipa siya. Napatid naman siya but he pulled me causing me to fall together with him. Inipit niya ako ng braso siya at narinig na namin ang pito ni Miss Saderna.

"Okay that's enough," wika niya at pinaglayo kami ni Gray. Gray stood up first and he helped me stand up at pinagpag ko naman ang sarili ko.

"Masyado kayong excited na magsimula," natatawang komento ni Miss Saderna. "You're not in the karate training floor at dito talaga sa concrete floor? I bet you'll feel the body pain later. Masakit bumagsak sa sahig." Hindi talaga kami doon sa training floor dahil biglaan naman talaga ito. It's to provoke Gray to fight back. "Amber, Gray, you're both good but you're not listening to me at hindi kayo sumunod sa tamang proseso. It's dangerous to fight on the concrete floor, paano na lang kung nabagok 'yang mga ulo niyo?" Napayuko kaming dalawa ni Gray at humingi ng despensa.

"Don't do it again, okay?"

"Yes Ma'am," magkapanabay naming wika ni Gray.

Nang ibinaling na ni Miss Saderna sa iba ang atensyon ay sabay kaming napatawa ni Gray.

"Hey, that was great. Alam kong pinipigilan mo talaga ang sarili mong kalabanin ako, it was nice though," wika ko kay Gray. Umiinom ito ng tubig at sinaid ang laman niyon.

"But really, I don't want to do it to a girl not unless she's so evil," he said half-jokingly.

"Hey, your lower lip is bleeding," wika ko. Hinawakan niya iyon and he groaned.

"Aww, I told you to pay for this," he said and smirked. Natawa lang ako at tumayo.

"I'll be right back, just wait here," tumayo na ako at pumunta ng CR ng gym kung nasaan ang first aid kit. Nakaupo pa rin siya Gray doon nang bumalik ako. Inilapag ko ang dala-dala sa upuan at sinimulang lagyan ng alcohol ang bulak. I saw his face became pale. Wait, takot siya sa alcohol?

Nang ididiin ko na sana sa mukha niya ang bulak ay napaatras siya. "Oh no, not alcohol please," he said. Confirmed!

Nakakatawa lang isipin. He's acting cool and strong ngunit tumitiklop din pala sa alcohol. "It's to disinfect your wound, duh," idiniin ko na ng tuluyan iyon sa gilid ng labi niya and I saw him winced in pain.

"Aray!" Napalakas yata ang boses nito kung kaya't napalingon sa amin ang mga kaklase namin. Nilingon naman ni Gray ang paligid nang mapansin niya na naging uneasy ako dahil sa mga nakatingin. "Hey, what are you all looking at? Gusto niyo bang magkaganito rin?" he asked our classmates na nakatingin sa amin at tinuro ang sugat. Nagkunwari ang lahat na walang narinig at ibinaling ang tingin sa iba.

"Aray, ano ba! Dahan-dahan kasi. I don't deserve this. How dare you ruin my handsome face!" wika nito and he pouted upon pointing his face.natawa lang ako sa sinabi nito at pinagpatuloy ang ginagawa. Natapos ang PE namin at kahit pagod, we had so much fun. We really enjoyed this day as we showcase our skills.

DETECTIVE FILES. File 1 (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now