CHAPTER 1

23.7K 466 89
                                    

"What happened to you, Kira?" histerikal na tanong ni Zelena. Napairap siya sa ka-oahan na pinapakita nito habang nakapameywang sa kanyang harapan.

"Obvious naman 'di ba? Nagpa-bleach siya," sabat ni Xyrina sa kanyang tabi. Marahan nitong sinuklay ang buhok niya. "New style?"

Kira's eyebrows met halfway as she gazed at her friends. They looked puzzled. Perhaps, it's hard to believe that someone who loves black just changed her natural black hair to an ash blonde. She smirked, flipping her hair from side to side. She imagines her new look and felt like a blessing for them other people's eyes.

"Just wanna have this for a change," simpleng sabi niya at kinindatan si Zelena.

"Himala," maikling komento ni Coleen at tinitigan siya nito. Puno ng kuryosidad ang mata ng kaibigan.

Kira rolled her eyes heavenwards as she sat next to Zelena on the sofa. "Whatever! Walang batas ang nagsasabing bawal ang ginawa ko."

Hindi niya maiwasang mainis sa mga kaibigan. Kung maka-react naman kasi ang mga ito ay parang sobrang laki ng kasalanang nagawa niya.

Nagkibit-balikat lang si Coleen at muli nang bumalik ang tingin sa librong nakabuklat sa lamesa. Napairap ulit siya. Hindi talaga ito matigil sa pagbasa.

"Hoy, Kira! Anong balak mo sa buhay mo?"

Napantig ang kanyang tenga sa tanong ni Xyrina. Speaking of balak... Napasinghap siya nang maalala ang plano niya. Ngayong gabi nga pala ang engagement party ng kanyang ama at ng girlfriend nito. Dali-dali siyang tumayo at marahas na kinuha ang itim na leather jacket sa ibabaw ng TV ni Zelena.

Nang muli siyang humarap sa mga kaibigan ay nakita niya ang pagkalito sa mga mukha nito. Nakakunot ang noo ni Zelena at Coleen. Si Xyrina naman ay nagtaas ng kilay.

"Saan ka pupunta?" masuspetsiyang tanong ni Xyrina.

"Nowhere." Ngumisi siya at isa-isang nilapitan ang tatlo upang makipagbeso-beso. "Just wanna ruin someone's moment."

Without waiting for her friend's comment, she turned her back on them, lifting up one side of her lips, and went out of Zelena's house. Bitbit niya ang jacket hanggang sa makapasok siya sa sariling kotse at hindi na inisip na suotin. She's just too excited to even care about the coldness of the night.
She went straight to her car and drove it fast to her destination.

Nang makarating si Kira sa bahay ng ama sa Linex Village, agad niyang pinarada ang itim niyang Honda Civic sa malawak na garahe ng kanyang ama. Nag-retouch muna siya bago lumabas. Kaunting eyeliner lang naman at itim na matte lipstick. Inayos niya rin ang nagusot na black tube tops at stripped jeans. Pinalitan niya ng ankle boots ang suot na pumps kanina. Satisfaction filled her being as she looked at her face in the rearview mirror. She's a hundred and one percent sure she will have heads turning just to witness her put on a good show. Taas-noo siyang lumabas ng kotse at rumampa na patungo sa hardin na nasa likod ng bahay ng ama. Hindi pa man nakakarating doon ay rinig na niya ang boses ng emcee sa mikropono.

"This night is a memorable moment for Mr. Ellino Fuentes and his beautiful date, Ms. Geena Blancaflor..."

Umasim ang lalamunan ni Kira nang makita kung sino ang nagsasalita sa harapan. As expected of Genevy, magbibida-bidahan na naman ito. Hindi kinikilala kung anong lugar nito, just a stupid daughter of a stupid housemaid. Who happened to be the love interest of his father. The corner of her lips lifted into a bitter smirk when she heard the glee on her voice. Halatang nasisiyahan ito sa kaalamang malapit nang ikasal ang ina nito sa isang mayamang lalaki na may edad na.

Lalong siyang nilukob ng inis nang makita ang malaking ngiti sa labi ng kanyang ama. His face says it all, that he is enjoying. Si Kira lang siguro ang hindi natutuwa sa pangyayaring ito.

Mabigat ang bawat hakbang ni Kira nang maglakad siya palapit sa kanyang Papa Ellino. Wala siyang pakialam sa naririnig na singhap at komento ng ibang tao. Pareho-pareho lang naman ang mga panghuhusga nila. They would either label her as a good-for-nothing daughter of a well-known engineer or a disrespectful black sheep of the family.

"Hi Daddy!" she uttered graciously, pleading for the moon to give her an award for Best In Acting tonight. "You look good in your white suit!"

"Really, K?" Napairap siya nang sumabat si Geena, iyong kasintahan ng kanyang ama. "Ako ang pumili niyan!"

Humarap siya kay Geena na katabi lamang ng kanyang Papa Ellino. Pumeke siya ng ngiti at sinabayan ang kaplastikan nito.

"Oh, Tita!" bulalas niya at umaktong ngayon lang namukhaan ang ginang. "Ikaw pala 'yan? Akala ko katulong namin. My bad!"

Sa lakas nang pagkasabi niya no'n ay napalingon ang mga bisita na nasa kabilang table. Napangisi siya nang masagap ng tenga ang mahinang bulungan ng matatanda. That's right friends, she chuckles in her mind.

"Kira," his father grunted, as if he was warning her not to make a scene.

Hindi siya nagpatinag sa kanyang ama. Sa halip ay sumandal siya paharap kay Geena at bumulong sa tainga nito, "Kahit ano pang suotin mo, kahit ano pang alahas ang kumapit diyan sa katawan mo, hindi magbabago ang tingin ng iba sayo. You're just a gold-digging sycophantic maid."

Lumayo si Kira kay Geena pagkatapos iyong sabihin. She smirked once more when she caught her palms closing into a tight fist, slowly. Halatang nagtitimpi ito ng galit. But she doesn't stop there. It is not enough.

When The Bitch FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon