Chapter 2

20.7K 376 2
                                    

"Anong meron ate at napauwi ka? May pasok ka pa bukas hindi ba?" tanong ni Hannah nang makita ako sa bahay.

"Parang ayaw mo na nandito ako sa bahay?" taas kilay kong tanong saka uminom sa aking black coffee.

"Of course not ate!" napatingin siya sa iniinom kong kape. "Black coffee? Depressed ka?"

"Where's Brix?" hindi ko siya sinagot. Napatingin ako sa aking relo, malapit ng mag-alas otso. "At ikaw, bakit kadarating mo lang?"

"Ate naman, isang taon lang ang tanda mo sakin. Ikaw nga nakabukod na ng bahay!? Tapos ako sa na-late lang ng uwi, kung makapagtanong ka parang inumaga na ako sa labas?!" nakanguso niyang sagot.

"Hey Hannah, hindi ako nakabukod. Marami kami sa bahay, it's like I live in a dorm something like that."

"Kahit na ate! Duh!" ingos niya sabay ikot ng mga mata. "Malapit ka nang magkaroon ng sarili mong condo!"

Silang dalawa kasi ni Brix dito lang rin sa Antipolo nag-aaral ng college. Ako lang talaga ang nag-aral sa Manila.

"Hannah! Ano na naman yan? Minsan na nga lang umuwi dito ang ate mo ganyan ka pa. At ang condo na iyon ay graduation gift ng tita Claire mo." ani mom. Narinig na naman niya siguro ang walang kamatayang hinaing ni Hannah.

"Hannah, graduation gift sakin yon ni tita Claire. Kapag graduating kana rin, pwede ka namang humingi non sa kanila ni mom." paliwanag ko rin.

"I know, I know! E, next year pa ako gagraduate!" she pouted.

Napailing nalang ako sa sagot ni Hannah. Pwede naman siyang humingi kina mom ng condo na gusto niya, once na makagraduate na siya. Iyon kasi ang rules nila mom at tita, like sa cars.. brand new cars ang gift nila sa aming magkakapatid noong mag eighteenth na kaming tatlo. At isang condo unit naman, once na makatapos na kami ng college.

"Hello there sisters!" bati ni Brix pagkakita sa amin. "Mom, nalate ako sa pag-uwi may project pa kasi kaming tinapos." humalik siya kay mom.

"It's okay. Kumain kana Brix, tapos na kaming kumain, nauna na kami ng mga ate mo." ani mom at bumaling sa akin. "Dito kaba matutulog?"

"Yes mom! Bukas po ako ng umaga aalis." tumayo na ako sa couch at nagpaalam sa kanilang tatlo.

Dala ko pa rin ang tasa ng aking black coffee. Kapag stressed kasi ako ay ito ang madalas kong inumin, black coffee without sugar or cream.. ayoko ng iba pang kape.

Habang nakahiga, naisip ko si Aldrich. Halos three years ko na rin siyang hinahabol habol pero hindi niya talaga ako binibigyang pansin. Noong second year palang kami ay nasubukan ko na siyang padalhan ng mga love letters, kahit hindi na uso ang snail mail. I even confessed my feelings for him through that letters, pero deadma lang siya. Noong third year naman kami, nagkaroon siya ng girlfriend na talagang ipinagluksa ko at ng aking mga kaibigan. Then I planned to destroy his relationship with that girl, and boom! Nasira ko nga. I threatened the girl na paaalisin ko siya dito sa school, I even bullied the poor girl.

Ang masama lang, nalaman iyon ni Aldrich, nagsumbong ang mga kaibigan ng babaeng iyon sa kanya. Kaya for the first of my life.. he talked to me, pinansin niya ako. Pero para lang pala sabihin sa akin, na wala akong maaasahan sa kanya. I cried a lot that day, pakiramdam ko para niya akong pisikal na sinaktan. Parang dinurog niya ang puso ko noong mga panahon na iyon.

But everything changed this year, nagbago ang lahat nang minsan niya akong ipinagtanggol sa grupo ng mga babaeng nagtangkang gumanti sakin. After that incident, palagi na niya akong kinakamusta. Kaya naman nagkaroon na ako ng pagkakataon na mapalapit sa kanya, my hopes up! Pero agad rin iyong bumagsak nang ayain ko siya sa ball at tanggihan niya ako. Narinig ko pa sa mga kaibigan niya at mga taong malapit sa kanya, na ayaw daw ni Aldrich sa mga babaeng spoiled brat, maarte, nakikipag away at higit sa lahat.. nambubully.

Hot Stuff  (Completed)Where stories live. Discover now