Chapter 1- Meet the Boss

5K 77 1
                                    

"Engr. Harris, please help me here." Hindi na magkanda-ugaga lahat ng maintenance personnel ng Harris Energy Ltd. lalo na si Rhias dahil sa biglang pina-rush na project ng Acting President ng nasabing kumpanya. Siya pa naman ang namumuno sa pagsasaayos ng bagong makina na galing pang Japan.

"Engr. Cruz, may problema po."

Natigil na lamang siya sa pagkukutingting ng  isang second hand na handgear. "Anong problema?" napatingin sya sa nagsalita, ang kanyang assistant ay hindi na mapakali. Ano bang nangyayari?

"Kasi po... hanggang ngayon po wala pa dito yung bagong machine." nanginginig na sambit ni Engr. Morales.

Biglang nagblangko ang paningin niya."WHAT? Pagmamadaliin nila tayo matapos ang punyetang project na yan tapos yung machine wala pa? Anong gusto nilang mangyari? Matigil ang supply?" Alam niyang sasabog na siya sa galit anytime. Natahimik lahat ng kasama niya sa kadahilanang naramdaman ng mga ito ang masamang aura niya na bago lang sa kanila. Sa tatlong taong pagta-tabaho sa kumpanyang ito, ngayon lang nila nakita si Rhias na magalit ng dahil sa kapalpakan. As far as they know, palabiro ito at masayahin, pero seryoso pagdating sa trabaho. Pero nunca pa nila narinig itong sumigaw dahil sa trabaho.

Napayuko na lang si Engr. Morales, maging ang iba pang katrabaho niya.

"The nerves with them!" tuluyan na siyang nainis dahil wala man lang siyang mahitang sagot sa kanyang mga kasamahan. Kaya bago pa man niyang maisipang may masigawan pa lalo ay lumabas na lamang siya. Ngunit bago umalis ng tuluyan, nilingon niya ang kanyang mga kasamahan sa trabaho. "Continue what I'm repairing a while ago Engr. Castro, pupuntahan ko lang yung magaling niyong boss."

Marumi man ay dali-dali siyang pumunta ng Admin Building. Lahat ng mga empleyado na nadadaanan niya ay papapatingin sa kanya, kaya lalo siyang nainis. "What are you looking at?!" huminto muna siya at humarap sa mga nakatingin sa kanya. Mga junior engineers ng kumpanya ang kanyang nabugaran. "Daydreaming while in the middle of your fvcking work? Habang kaming mga superiors niyo hirap na hirap?" Napa-cross arms na lang siya sabay taas ng kilay.

"No, Madame, it's just that..."

"Go back to your work! Ang magaling niyong boss ay pinagmamadali tayo." sabay lakad papuntang Heas's Office.

Nasa 10th floor ang opisina ng kanyang boss. Siya, kasama ang iba pa niyang alipores ay nagpunta sa Garage tatlong araw na ang nakakalipas kung nasaan matatagpuan ang mga makina na gagamitin nila dahil na rin sa utos ng Acting boss. Sino ba yung lintik na yun? Makapag utos dinaig pa ang CEO ng kumpanya! Papatayin ko siya! Wala pa kaming kain at sapat na tulog para lang doon tapos... argh! Sa isip-isip niya habang umaandar na pataas ang elevator. Pagpasok sa elevator ay hindi na niya napansin ang kanyang kasabay. Bwisit na buhay 'to!

"A penny for your thoughts huh!" ani isang tinig. Hindi niya pinansin kung sino mang Poncio Pilato ang nagsalita. Baka kasi kausap pala nito ang sarili mapahiya lamang siya. Pero pamilyar sa kanya ang boses nito. A husky yet manly voice. Pssh Rhias galit ka lang, kung sinu-sino na pinupuri mo. Saway niya sa sarili.

Napa-cross arm na naman sya. Mannerism na niya yun, lalo na kapag nag-iisip siya. Sabay kakagat siya sa labi nya animo'y nang-aakit daw siya, which is not true. At ang huli, mapapakunot ang noo sabay magsasalubong ang mga kilay nya. Holy Crap!

"Oh sht!" usal ulit ng lalaking kasabay nya sa elevator.

Naiinis sya kapag may naririnig siyang nagmumura, lalo na't dalawa lang silang nakakarinig. Paano ba naman kasi parang siya ang minumura nito.

My Boss is My Ex-Fiancé (Pocketbook Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon