28. The Return of Superman

Start from the beginning
                                    


Narinig niya na may tumawag sa kanya. Tumingin siya sa anak na kusang umupo sa kanyang high chair. Napangisi siya at ginulo muna ang buhok nito bago puntahan ang isa niyang anak. 


"Apa! Two robots. Two robots," turo ni Skye sa dalawang camera man na nasa loob ng kwarto.


"Skye, camera yan, hindi robots," sabi niya at hinalikan ang anak sa pisngi bago ito kuhanin at dalhin sa kitchen. "Nagluluto ako ng bacon, di ba gusto mo iyon?"


Pumalakpak si Skye at tumango-tango. Ibinaba na niya ang anak ng makarating sila sa kitchen para makapagluto na siya. Nagluto siya ng fried rice na may egg at hotdogs, tapos nag-fry na rin siya ng bacon para sa mga bata.


Pagkatapos niya magluto, narinig niyang may tumatawag ulit mula sa kwarto niya. Pinuntahan niya ang anak na huling nagising ngayong araw, si Sam. "Hello, Sam...kamusta ang tulog?"


"Robots, Apa, robots!" sigaw nito. Natawa naman siya. Lahat ng anak niya, akala robots ang nasa loob ng kwarto. Dinala rin niya ang anak sa kitchen at ibinaba ito sa high chair. Nakita niya ang dalawa niyang anak na nakaupo na rin sa high chair. Sinerve niya ang breakfast sa tatlo niyang anak. Magana namang kumain ang mga ito, lalo na si Skye. 


"Apa, feed, feeeeeed!!" sigaw naman ni Sab. Hawak nito ang spoon at inaabot ito sa kanya. Ngumisi siya at kinuha ito. 


"Grabe, para kang ang mama mo, gustong bini-baby palagi," pang-aasar niya. Sa loob-loob nagdadasal siyang ma-cut ang scene na iyon at baka ma-outside of the kulambo siya kapag natapos na ang taping nila.


"Say ahhhh," sambit niya. Isinubo naman ni Sab ang pagkain na ibinigay niya at ngumiti sa kanya. Napakagat siya ng labi. "Hala siya oh, dinadaan mo rin ako sa pagpapa-cute hah!" 


***

Daniel: (hawak-hawak ang triplets) Hello. Ito si Skye, siya ang unang lumabas. Ang nasa gitna naman ay si Sab, siya ang pangalawa at ang bunso naman ay si Sam. 

Skye: ...

Sab: (waves) Hello.

Sam: (tumatawa)

Daniel: Okay, mga anak, mag-bow kayo sa kanila, dali.

Skye, Sab, Sam: (gusto ng bumaba)

Daniel: (pinakawalan na sila at tumingin ulit sa camera)

So... who's your wife?

Daniel: (smirks) Kailangan pa bang tanungin iyan? Pangalan pa lang ng mga anak ko, alam na ninyo. (tawa)

***

 PAGKATAPOS kumain at magligpit, pinuntahan ni Daniel ang mga anak niya na nakaupo sa sofa. Lumunok siya at tumayo sa harapan ng mga anak niya.


"Simula ngayong araw, 48 hours tayo na magkakasama na tayong apat lang. Si Mama niyo, may work with Ninang Julia," sabi ni Daniel. Bumuntong-hininga siya at nakiusap sa mga anak. "Please, wag niyong pahirapan si papa. Start pa lang feeling ko pagod na pagod na ako."


Blangko lang tumingin sa kanya ang kanyang triplets. Napakagat ng labi si Daniel. "Sabi ko nga, dapat uminom ako ng isang litro ng energy drink bago ang taping."


Matapos paliguan at bihisan ang mga anak, lumabas sila ng bahay at sinuotan ni Daniel isa-isa ng helmet ang triplets niya. Nakasuot din ng jersey ang kanyang mga anak at lahat sila ay may hawak na bola ng basketball. Pagkatapos ay isinakay niya ito sa mga carts na nakadugtong sa isang bike. "Ready? Pupunta tayo sa court ngayon!" 


Sumakay siya sa bike at pinatakbo iyon, kasabay ng pagtakbo ng bike ay ang pag-andar din ng carts kung saan nakaupo ang triplets. Habang naglalakad, madaming bumabati kay Daniel pati sa kanyang mga anak hanggang sa makarating sila sa court. May mga lumalapit sa kanya at nagpapapicture. Pagkatapos ay ibinaba na niya ang mga triplets at inakay papunta sa basketball court. 


Pumunta siya sa gitna tapos ay kinuha niya ang isang bola ng triplets at ini-shoot iyon sa ring. Pumasok ito at ngumiti sa kanyang mga anak. "Kita niyo iyon, ganyan ang ituturo ko sa inyo."


Pinapunta niya ang mga anak sa gitna ng court at sinabing, "Sige nga, shoot din kayo..." 


Pumunta siya sa tapat ng mga ito at sabay-sabay ang mga ito na nag-"shoot". At dahil mahina pa ang triplets, imbes na sa ring mapunta ang mga bola ay tumama ang mga ito kay Daniel.


"Ay pu---!" hinawakan agad ni Daniel ang kanyang bibig. "Okay, may mga batang nanunuod at baka hindi na ako pauwiin ni misis sa bahay kapag napanuod niya ito."


Narinig ni Daniel ang tawanan ng mga staffs sa gilid. Ngumuso siya. "Wag niyo akong pagtawanan. Under na kung under."


Nilapitan niya ang triplets niya at binuhat si Skye tapos iniangat niya ito hanggang sa maging kapantay na ito ng ring. "Shoot, Skye, shoot."


Inilagay ni Skye ang bola sa ring. Tumalon-talon si Daniel kasama ang anak at hinalikan ito, "Ang galing-galing naman! Mana sa papa nila. Matutuwa si Mama dahil sharp shooter ka rin tulad ni papa."


Ginawa niya rin ang mga iyon kina Sab at Sam hanggang sa mapagod siya. "T-Time o-out muna," hinihingal niyang sabi sa triplets.


"Apa, carry! carry!" sigaw ni Sam.


Bumuntong-hininga si Daniel at binuhat si Sam. Maya-maya lumapit rin ang dalawa sa kanya at nagpabuhat. Napakamot siya sa ulo at bumaba para buhatin ang tatlo sa kanyang mga bisig. "Ang bigat niyo! Mas mabigat kayo sa mama niyo! Ano bang kinakain niyo?" 


Pagkatapos magkulitan ng mag-ama ay umupo sila sa isang bench. Narinig ni Daniel ang ringtone ng kanyang telepono. Napangiti siya ng makita na ang asawa ang tumatawag. Sinagot niya ito at nag-baby talk. "Bally, ang hirap naman alagaan ng triplets!!!" 


***

Nahirapan ba ang asawa mo nung nabuntis siya?

Daniel: (tumango) Siyempre naman. Triplets ang anak namin, di ba? Sinong hindi mahihirapan? Grabe, araw-araw na lang umiiyak siya sa akin. Na kesho, ang bigat-bigat daw ng dinadala niya, hindi na siya makalakad ng maayos. Pero malakas si Kathryn, malakas si bal, kinaya niya ang lahat para mailabas ang mga anak namin at dahil doon proud ako, proud ako na siya ang ina ng mga anak ko at proud ako na ako ang asawa niya. (ngumisi) Alam naman ng lahat kung gaano ko siya kamahal at nung ilabas niya ang mga anak ko, mas lalo ko siyang minahal. Nung nakita ko siyang nahirapan at nung nakita ko yung mga anak ko, sabi ko sa sarili ko, gagawin ko ang lahat ma-protektahan ko lang sila. Kathryn is the best mother and the only woman for me. 

Real & Reel (KathNiel One-Shots)Where stories live. Discover now