"Game magsimula na tayo." seryosong sabi ni Allen na parang walang pake sa diskusyunan namin ni Sam kaya lang napansin ko na may mga langgam sa inuupuan niya. Nasa may damuhan kasi kami nagpra-practice.

"Allen, May langgam diyan." saway ko sa kaniya.

"Uy, wag diyan! Ang kulit naman eh!" saway ko pa ulit sa kaniya at tiyaka ko hinila iyong kamay niya. Noong una nagulat pa ako pero napangiti rin ako sa ginawa ko sa huli. Nahawakan ko ang kamay ni crush!

"Mamaya na tayo mag-record, magpipicture muna ako ng mga characters. Pahawak." Napangiti ako dahil doon kaya lang akala ko kamay niya ang inaabot niya, 'yong script pala. Ang assuming ko talaga.

Mabilis naman na umayos ang mga tauhan sa role play upang magpakuha ng litrato at maya-maya lamang ay nag-edit na si Allen ng mga pictures nila. Ang galing. Hindi ako marunong mag-edit pero siya sanay na sanay na.

"Hi, Neil!" Bati ko. Neil is one of the oh-so-called mahilig mang-asar sa akin in our room. Lagi niya akong inaasar at tinutukso kay Allen simula nang malaman nila ni Michaela na may gusto ako kay Allen dahil nakasulat iyong pangalan niya sa likod ng notebook ko.

"Allen, 'di ba crush mo si Zyra?" Biglang sabi nito na nagpagulat sa akin. Totoo ba? OMG, I know right? May HD (hidden desire) sa akin si Allen!

Palihim akong napangiti. Ngunit agad din iyon na napalitan ng ngiwi nang sumagot si Allen.

"Sinungaling ka talaga, Neil." Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko dahil sa sagot niya. Alam ko naman na isa lang kila Sam at Jane ang gusto niya. Sana 'wag na lang niyang ipaglandakan. Siyempre kahit na ba crush ko lang 'yan, umaasa pa rin ako. Kaasar, alam ko namang walang pag-asa pero umaasa pa rin ako.

Feeling ko nawalan na ko ng gana na mag-practice pero pinilit ko pa rin na ngumiti. Ngumiti na parang wala lang sa akin yung sinabi niya kahit sa loob ko para akong nabigo.

"Ah, Allen may practice pa naman tayo bukas 'di ba? Wala na kasi ako sa mood. Saan ko ba ilalagay 'tong script na 'to?" tanong ko sa kaniya.

Inagaw niya sa akin ang script.

"Ako na." sabi niya sa akin at tumalikod upang ayusin ang mga gamit niya.

Unti-unti akong naglakad palayo roon at nang makarating ako sa garden ng G.A, napaupo nalang ako at pilit ngumiti nang mapait.

Why do I always fail to get the attention of my crushes? Hmmmn, napaka-choosy ba talaga ng mga lalake ngayon?

Sabi nila, ayaw daw nila sa akin dahil madaldal ako. Binansagan pa nga akong happy kid dahil lagi akong masaya eh. May mali ba sa pagiging cheerful ko? Hmp. Bakit sa mga wattpad stories na binabasa ko gusto ng mga lalaki 'yong babaeng madaldal? Reality, gusto nila ng mahinhin.

I sighed.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng palda kong uniform at agad kong tinawagan si Alyssa.

(Huy bes? Bakit wala ka sa room?)

"Ano kasi, pwede bang pumunta ka dito sa Garden ng G.A? Wag mong sasabihin kila Mau na nandito ako ah." paalala ko. Iba pa man din si Mau masyadong seryoso.

Alyssa, Maureen and Carl sila 'yong masasabi kong bestfriend ko sa G.A tipong kapag nagkasama kaming tatlo akala mo miss na miss namin ang isa't isa dahil sa kaingayan namin.

(Huh? Bakit naman? Sige na nga.)

Binabaan niya ako ng telepono. Napasimangot na lang ako.

Ayaw talaga ni Alyssa na siya ang unang binababaan ng phone. Akala mo naman kung ikinaganda niya. Haist.

Sumandal ako sa isang puno at nilanghap ang sariwang hangin.

I wonder kung paano kaya kung hindi ko nalaman ang crush at love na yan? 

"Zyra!"

Napangiwi ako nang marnig ko ang tatlong pamilyar na boses.

"Aly! Sinabi ko sayo wag mong isasama ang dalawang 'to eh!" nagmamaktol kong sabi sa kaniya at tinuro si Mau at Carl. Ngumiti na lang siya at nag-peace sign.

"Hehehe, sorna. Iniisip ko lang na unfair naman kung ako lang kaya tinawag ko sila. Bestfriends naman tayo 'di ba?"

Napangiti na rin ako at niyakap ko sila.

"Ew, ayokong niyayakap ako." maarteng sabi ni Mau kaya napahiwalay ako.

"Tsss.. arte."

Umupo kaming apat.

"Oh tungkol na naman ba 'to kay Allen?" tanong agad ni Maureen.

Napanguso ako. Awkward mag-drama sa harap ni Maureen.

"Sinabi ko naman sayo eh, 'wag ng umasa."

"Hayaan niyo na lang ako, crush lang naman eh."

"Hay naku 'teh, kung si Fafa Allen lang din 'wag ka na talagang umasa." Sabat ni Carl.

Bumuntong-hininga na lang ako.

"Nakakaasar naman kayo eh! Dapat sinusuportahan niyo ako dahil mga kaibigan ko kayo." ngumuso pa ako sa kanila.

"Naku Zyra 'di ako madadaan ng nguso mong 'yan! Mukha kang pusit." sabi ni Mau.

"Ayan na naman kayo eh. Lagi niyo na lang akong inaasar."

Inakbayan nila ako.

"Sus, napaka-sensitive mo talaga, Zy." sabi ni Alyssa.

"Haynaku, hindi ko alam kung anong mali sa inyo. Maganda naman kayo pero ayaw talaga ng mga fafa sa inyo. 'Di ata nila bet ang mga fezlak niyo." natawa kami sa sinabi ni Carl.

"Umuwi na tayo." biglang sabi ni Alyssa.

"Bakit naman?" usisa ko.

"Mang-iistalk pa ng Fb 'tong si Mau eh."

Ngumuso siya sa amin.

Buti na lang may mga kaibigan ako na kahit papaano ay napapagaan nila ang loob ko.

This is my second year in high school, para sa akin ibang-iba talaga ang mga karanasan dito. Nakaka-excite, halo-halong emosyon. Kilig pag nakikita ko si Allen at ibang saya naman kapag kasama ko ang mga kaibigan ko.

Crush Kita! [✔]Where stories live. Discover now