Chapter XII : Prom

3 0 0
                                    

Prom night na mamaya kaya wala kaming pasko. Kapag sineswerte nga naman itinapat pa na Valentines Day. Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano ba.

Pagbaba ko sa kainan ay mapabulaklak naman

I'll pick you up later JIYEye bonEL

Agad kong tinawagan si El.

El: Miss mo ko agad?
Jill: Tanggalin mo muna muta mo. Hahaha I just called to say don't pick me up later. Kuya will drive me. Okay? No more buts. See you later.

Hindi ko na inintay pamg makapagsalita sya at ibinaba ko na agad.

By 5pm ay dumating na yung Make up Artist nina Mama para ayusan ako. I'm all prepared by 7:30 pm. May oras pa kami magpicture taking since malapit lang ang Venue.

Mama: Bakit hindi ka pumayag na sunduin ni El?
Jill: I don't need a date. I'll be fine. Siguro pag alanganin natapos ang party magpahatid nalang ako para hindi maabala si Kuya.
Kuya: Hindi mo naman ako naaabala. Ikaw talaga. Just text me whenever. Okay?
Jill: Tara na kuya.
Mama: Enjoy okay? Wag kung kani kanino makipagsayaw.

Eksaktong 8pm ay nasa Venue na ko. Bumaba ako ng kotse at dire diretsong naglakad. Nakita ko si El malapit sa may entrance. Napangiti ako. Ng malapit na ako sa kanya ay nabigla nalang ako ng naunang makalapit sa kanya Hailey. Tumango lang ako sa kanila at dire diretsong pumasok. Narinig ko ang pagtawag ni El pero hindi ko na sya nilingon at agad kong nilapitan ang mga kaibigan ko.

Napansin nila ang nangyari. Pero bago pa sila nakaimik ay umiling lang ako at ngumiti. Naintindihan naman nila na ayoko ng pag-usapan. Hindi naman nagtagal ay pumunta na rin ako saa bandang harapan para kumanta ng National Anthem. Agad rin akong bumalik sa side na nakalaan para sa section namin. Pero sa halip na makihalubilo ako sa marami ay pumwesto ako sa likod para mapag-isa.

Nakita kong nagsasayaw na sina Hayl at El. Nice. First dance nila pareho. Parang may tumusok sa dibdib ko. Tandaan mo Jill. Ikaw ang lumayo. Pinipigilan kong mapaluha man lang ng biglang may umimik sa tabi ko.

Franz: Bakit ka narito?
Hindi ako sumagot.
Franz: Masakit ba?
Jill: Medyo. Hindi ako sanay magheels eh. Si Mama kasi.
Franz: Hahahaha talaga ba Jill?

Nakita kong palinga linga si Echo sa side namin.

Franz: Kanina ka pa nyang hinahanap.
Jill: Halika, sayaw tayo. Bago pa nya ako makita.

Wala ng nagawa si Franz dahil hinila ko na sya sa dance floor na kami.

Franz: Bakit ka ba umiiwas?
Jill: Ayokong maging first dance nya.
Franz: Oh ayaw mong maging first dance sya? Narealize mo ba na ako ang first dance mo?
Jill: Hindi pwedeng daddy ko?
Franz: Lokohin mo sarili mo. Nakatingin satin si El.
Jill: Wag mo syang pansinin.
Franz: Ayan mukang may naisayaw na syang iba. Halika na. Pahinga ka na.

Sa dulo pa rin ako dumiretso. Nagselfie na lang ako. Nang naramdaman kong papalapit na sya ay nagkunwari akong nagtetex.

El: Bakit ka ba nadito?
Jill: Yan na ba ang bagong Kamusta ngayon?
El: Ha?
Jill: Yan din ang unang tanong ni Franz nung nilapitan nya ako.
El: Halika. (inalahad ang kanyang kamay)

Hindi na ako nagpakipot pa. Ito naman talaga ang kanina ko pang iniintay. Titig na titig lang sya sa akin habang isinasayaw ako. Gustong gusto kong maiyak sa saya. Ganito pala ang pakiramdam. Parang sasabog. Habang buhay ng magiging memorable sa akin ang "Sa Kanya" ng MYMP. Gusto ko syang yakapin. Pero nahihiya ako sa pwedeng makakita. Napahawak nalang ako sa dog tag nya.

El: Okay ka lang ba?
Tumango lang ako. At ngumiti.
El: Naninibago ako sayo ang tahimik mo.
Ngumiti lang ako ulit.

Pero nabigla ako ng inaya na nya akong bumalik matapos ang dalawang kanta. Para bang natauhan. Hindi ko na napansin ng makarating ako sa kumpulan. Hindi pa man nya ako nabibitawan ay dumating na si Echo.

Echo: Siguro naman pwede na ako?

Ngumiti lang ako.

Hanggang matapos ang Prom ay hindi na kami nagkausap o nagkasama ulit ni El. Hindi ko na rin sya hinanap. Gusto kong ienjoy ang araw na to.

Nangpasundo na rin ako kay Kuya Nathan. Alam kong gusto nyang magtanong sa akin. Nagkunwari nalang akong tulog.

Love and other StuffsWhere stories live. Discover now