Chapter II : First Day, First Year. First Friends?

14 0 0
                                    

Goodmorning Philippines and Goodmorning World! Eto na ang unang araw na pinakahihintay ko. Nakakaexcite kasi para akong balik sa grade 1. Wala akong kilala panigurado dahil wala naman akong kasamang kaibigan nung nagenroll. Siguro duon sila sa private school. Pero kebs lang. Laban lang ng laban! 😂😂

Naglalakad ako papasok ng gate ng school. Sabi daw, ang room ng 1A ang pinaka unang room pagpasok mo. So lakad. Lakad. Nagulat ako ng biglang..

"Jeaaaan!!!" Oo, napasigaw ako ng makita ko ang kaibigan kong si Jean. Grade 3 palang magkaklase na kami. Hindi ko alam kung bakit hindi namin napag usapan kung saan maghihighschool. Kaya nagulat nalang ako na nadito sya.

Jean: Ohmygee Jill! Dito ka din? Classmate pa din tayo?
Jill: Obviously, mukang oo! Akala ko wala akong kakilala. Nakakatuwa naman.
Jean: Mas matutuwa ka kasi nadito din si..
Rose: Uy Jill!
Jill: Rose! Dito ka din. Akalain mo yun magkikita kita pala ulit tayo dito. Bakit ba tayo nagiyakan nung graduation. Haha

Si Rose classmate ko naman sya nung Grade 6. Madalas kaming magkatabi nun sa klase o kaya magkasunod sa flag ceremony. Meaning pareho kaming minion. Actually pati din si Jean. Pero si Jean ang pinakamataas samin at ako ang pinakamaliit. Lamang lang sila ng mga 2 cms.

Rose: Nakita ko din dito si Tine at Mary. Kaso biglang nawala. Mamboboys daw ata. Yun at nauna na sa may stage! 😂😂😂
Jean: Alam mo naman yung dalwang yun. Eh nakita ko nga din si Hillary e. Mukang mga bookworms padin kasama nya dun pero di ko kilala e.
Jill: Lumipat lang tayo ng school pero halos pare pareho pa din ang mga mukha sa paligid e no? Kewwwl. 😂😂😂

Teacher Sheree: Oh 1A pila na sa may flagpole bago pa magalit si Sir Vic! Gooooo!

Jean: Look who's coming!
Rose: Jill, bilis lingon!
Paglingon ko. Talaga ba? Bakit? Dito din sya? Pero. Teka. Kalma Jill. Kalma lang. Inhale. Exhale.

Jill: Ahhh. ehh. Girls. Tara na. Bilis baka mag ring na ang bell. Pero hindi parin talaga ko mapakali.

KRIIIIIIIIIIING.

Love and other StuffsWhere stories live. Discover now