Chapter III : Sipa

5 0 0
                                    

Ganun pa rin ang itsura nya. Simula nung una ko syang makita. Tumangkad sya ng konti, pero yung itsura nya ganun pa din. Maamong muka, kayumanggi, brown na mata. Hanggang ngayon, naaalala ko parin kung paano kami unang nagkita.

Grade6.Naglalakad ako pabalik ng classroom ko. Diretso lang ang tingin. Iniiwasan ko kasi si Clarence at ang barkada nya. Dahil sa kanya galit na galit sakin si Mama. Ayy nako. Bwisit talaga. Malay ko ba kung san galing yung picture na yun. Eh wala naman akong pinagbibigyan. Ni wala nga akong sariling picture sa wallet. Grabe syaa. Ano nagnakaw sa bahay namin ganun? Iiling iling pa ko sa inis ng biglang..

"ARAAY!" Kunot noong sigaw ko ng biglang may tumamang sipa sa ulo ko. BAKIT NAMAN KAASSII. Natigilan nalang ako ng paglingon ko e kilala ko pala ang naglalaro.
Jill: Ano ba yan Jasper? Dito talaga ? Ayun oh! Dun kayo maglaro, dun ang laruan hindi dito!

Jasper: Jill, kalma. Hindi naman ako ang may gawa eto oh! Etong mokong na to!
Eric: Uy, jasper wag ka ngang ano jan. Ipapahamak mo pa si El e. Sorry Jill palipat na talaga dun. Hindi namin sinasadya.
Lumapit sa kin ang bagong lalaki at inilahad ang kamay.
Emmanuel: Ahh. Ehh. Sorry. Hindi ko talaga sinsadya. Hindi ko naman kasi aalam na.. ano.. ehh..
Jill: Oh (iniabot ang sipa). Kayo ha(sabay turo kina Jasper).
Limuel: Teka, totoo ba to? Hindi ka nagalit kay El?
Jill: Gusto mo?
Limuel: Hindi naman sa ganun. Teka, bago naming classmate yan si El.
Emmanuel: Emmanuel pero El lang tawag nila. You can also call me El. Uhmm. If you want to. I mean.
Jill: yah, i get it. I'm Jill..
Jasper: The Amazona
Jill:(that-dont-start-look) sige. Pasok na ko.

Eric: Classmate namin yun last year. Top student samin sa 2nd class kaya napalipat ng first class. Magaling sya talaga and fast learner.
Limuel: Mabait naman yun si Jill kaso mahirap kalaban.
Eric: Diba galing kang 4th section? Classmate mo si Clarence last year?
El: Sya yung Jill na gf ni Clarence?
Limuel:oh..shhh. Dont!
Jasper: Wag na wag mong sasabihin yan sa harap nya kung ayaw mong mapagtadyak ng walang awa.

Eric: Listen from him. Danas nya. There was never them. Ni hindi pala kilala ni Jill si Clarence not until nakarating sa Mama ni Jill ang balita. Nun nya lang nalaman na may existing bf pala sya na di nya alam. Muntik na syang di pagaralin ng Mama nya dahil dun.
El: Dahil akala may boyfriend?
Limuel: Sakto! Kaya nalate sya ng enroll at napunta sa 2nd class. Mula nun ayan. Talagang barako sya pagdating sa mga lalaki. Hindi talo kumbaga. Pero mabuti syang kaibigan. Madaling lapitan.

Love and other Stuffsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن