Chapter 6

44 2 0
                                    


Katatapos lang ng P.E. subject namin. Nandito ako sa wash room, yung parang lababo lang na nasa labas. Naghuhugas ako ng kamay dahil nagkaroon kami ng performance kanina na kailangan naming sumalampak sa sahig. Ang dumi nga ng jogging pants ko eh, nakakainis. At ngayon ko lang napansin huh, ako na lang pala mag-isa dito ngayon.



Saktong natapos na ko sa paghuhugas nung bigla na lang may lumapit sa'kin na dalawang lalaki. Hindi pamilyar yung mga mukha nila sa'kin pero sa tingin ko mga freshmen pa lang sila. Hindi naman mukhang nakakatakot yung mga itsura nila. Cute pa nga 'tong isang lalaki dahil may dimple siya. Mukha nga lang mayayabang.


Hindi ko nga lang gets kung anong kailangan nila dahil bigla na lang silang lumapit sa'kin. Parang na-corner tuloy nila ko dito sa lababo. Medyo kinakabahan ako ng konti dahil parang kami na lang tatlo ang nandito.


Shayne: Ugh? May kailangan kayo?!!



Nakakatakot. Sabay pa silang ngumisi.



Guy (1): Pwede ba naming makuha yung number mo?


Guy (2): Oo nga miss. Ang ganda mo kasi eh! Wala ka pa namang boyfriend, di ba? Kukunin lang namin yung number mo!



EH???!!!



Maganda daw ako?!! Hehe. Flattered naman ako do'n!



WAAHH!! Pero hindi ito ang tamang oras para i-appreciate ko yung mga pinagsasasabi nila!!! Alam kong maganda ako pero di ako papabola sa kanila nuh! Atsaka kung maganda ako, bakit di ako mapansin-pansin ng lalaking gusto ko? Pinapaalala lang ng mga kumag na 'to kung ga'no ko kasawi sa pag-ibig.



HAHAHA!! Pag-ibig daw?? Kahit kailan yata hindi ako magkakaroon nun eh.



Guy (1): Sige na miss, number lang naman eh. Textmate lang.



Shayne: Huh? Ah ano kasi..




Ano bang sasabihin ko? Dapat hindi sila ma-offend.



Magsinungaling na lang kaya ako? Oo tama, mas mabuti pa nga para naman di ako mapasama.




Shayne: Sorry. Sira kasi yung cellphone ko eh. Next time na lang siguro..




Akala ko maco-convinced na sila sa pagsisinungaling ko pero mali pala. Mas lalo pa nila kong kinorner dito sa may lababo. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Until Someone knows the Longest GameWhere stories live. Discover now