Chapter 1

186 5 4
                                    

Until Someone knows the Longest Game

AUTHOR'S NOTE:

Hello! Thank you sa pag-add nyo ng story ko sa library nyo!! This story is inspired sa isang Japanese romance movie na napanood ko na may title na 'Kanojo to no Tadashii Asobikata' na may English title na 'The Right way of Playing with a Girl'. Try this story. Promise iba 'to sa nababasa nyo. Mabilis lang ang takbo ng istorya na 'to kaya sana magustuhan nyo...







Shayne's POV

Hingal na hingal akong bumaba dito sa bike. Kadarating ko lang sa park na sinasabi sa'kin ni Grae (Grey) dahil dito daw sila magde-date nung Bianca na may gusto sa kanya sa kabilang section. Hindi ko nga akalain na papayag siyang makipag-date do'n eh pero pumayag pa rin siya. Nakakapagtaka talaga.

Narinig kong nagri-ring na naman 'tong cellphone ko kaya sinagot ko kaagad. Alam ko naman kung sino 'tong tumatawag na 'to dahil siya lang naman ang kaisa-isang tumatawag sa'kin mula pa kaninang umaga dahil kinukulit niya kong sundaw ko daw sila habang nagde-date sila ni Bianca. Sa totoo lang, kahit naman ayaw kong pumunta dito dahil alam kong magmumukha lang akong tanga sa pagsunud-sunod sa kanila kahit saan sila magpunta, wala naman akong magagawa dahil katulad nga ng paulit-ulit niyang sinasabi sa'kin.... alalay niya lang daw ako kaya kailangan kong sumunod sa kanya dahil siya daw ang prinsipe!!!

Oo alam kong parang napaka-cliche na ng ganitong istorya na yung tipong ginagawang slave nung lalaki yung babae dahil sa isang kondisyon o kaya naman vice versa lang.. pero di katulad ng iniisip nyo iba 'tong sitwasyon naming dalawa.

Shayne: Oh?

Grae: Asan ka na? Bakit hindi kita makita huh?!



Nilayo ko ng konti 'tong cellphone ko dahil sa totoo lang nakakabingi talaga 'tong boses ng lalaking 'to pag siya yung kausap ko. Lagi na lang pasigaw yung boses niya pagdating sa'kin. Siya na nga 'tong nag-uutos siya pa 'tong may ganang magalit.

Shayne: Alangan namang magpakita pa ko sa'yo? Baka mamaya makahalata pa 'yang si Bianca na sinusundan ko kayo nuh! Huwag po kayong mag-alala mahal na prinsipe, nandito na ko sa park.

Grae: Nasan ka ba kasi? Baka mamaya niloloko mo lang ako!!



Sumilip ako dito sa pinagtataguan ko dahil medyo malapit lang sila sa'kin. Dito lang kasi ako nagtatago kay manong na nagtitinda ng mga lobo tapos nando'n lang silang dalawa sa may bench na hindi naman kalayuan. Nag-aalala ako, baka mamaya makita pa ko ng ka-date niya.

Shayne: Nandito ako.. dito lang sa may mga nagtitinda.. dito sa may lobo.

Medyo malayo siya kay Bianca dahil nga tinatawagan niya ko. Nakatayo siya habang pasimple niya kong tinatanaw dito sa puwesto ni manong na nagtitinda ng mga lobo. Kinakaway-kaway ko yung isa kong kamay para malaman niyang nandito nga ako. Effective naman dahil nakita kong ngumisi si loko.



Shayne: Oh ano naniniwala ka na?

Grae: Dyan ka lang, huwag kang aalis. Tatawagan ule kita.



Magsasalita pa lang sana ulet ako kaso binabaan na niya ko ng cellphone. Hay. Kahit kailan talaga..



Bakit ganon? Hindi naman ako yung ka-date niya pero bakit kailangang nakasunod pa rin ako sa kanya? Buti na lang pala kahit papano may dala akong pera dito sa wallet ko dahil nung sinundan ko sila sa mall inutusan rin ako ng loko na pumasok din daw ako sa sinehan. Kinailangan ko pa tuloy gastusin yung naipon kong pera nung isang linggo. May choice ba naman ako? Eh di syempre wala!!! Alalay lang naman niya ko eh! Utusan.



Until Someone knows the Longest GameWhere stories live. Discover now