Chapter 4

58 1 0
                                    



Sa wakas, natapos rin ako sa paghuhukay. Akalain nyo yun, akala ko bukas pa ko matatapos eh. Yung isa kasi dito, hindi man lang ako tinulungan!! Ang dumi na tuloy ng damit ko. Pa'no pa ko nito pag umuwi ako sa bahay? Siguradong magtataka yun sina mama at papa kung saang lupalop ako nagsusuot.



Hawak ko na 'tong box na pinaglagyan namin ng mga gamit noon. Sa totoo lang, muntik ko ng makalimutan yung tungkol dito. Binaon namin 'to ni Grae dahil isa 'to sa mga napagkasunduan naming gawin noon para katumbas ng isang taong makakaalam sa sikreto namin ay kapalit ng isa sa mga gamit namin na pwede naming makuha dito sa box. Katulad na lang ngayon, may isa ng nakakaalam sa sikreto namin kaya kapalit nito yung isa sa mga gamit ko. Ang kaso nga lang itong si Grae, isa lang ang binaon niyang gamit noon dahil ang natatandaan ko ayaw niya pang pumayag noon na magbaon kami ng mga gamit sa lupa. Wala siyang masyadong dalang gamit noon kaya yung relo niyang suot yung binaon niya. Ang arte pa nga niya noon eh. Ang sabi niya okey lang naman daw kahit isa lang ang ibaon niya, mahal naman daw yung relo niya kaya parang tatlong bagay na rin ang katumbas nun. Di katulad ko na tatlong gamit talaga yung binaon ko, yung keychain na binigay sa'kin ng pinsan ko, yung favorite kong pencil case na ginagamit ko noon at ang pinaka-importante na siguro ay yung binaon kong susi ng diary ko.


Shayne: Ito na lang muna ang kukunin ko, itong susi..


Grae: Para saan ba 'yang susi na 'yan?



Ayoko namang sabihin sa kanya na susi 'to ng diary ko. Mahirap na, baka pagtawanan pa niya ko.


Shayne: Wala, susi lang ng aparador 'to. Hehehe. Ikaw, kukunin mo na ba 'tong relo mo?


Grae: Hindi na muna, saka na kapag may tatlo ng nakaalam sa sikreto natin. Wala na rin namang silbi yan dahil hindi na gumagana.


Shayne: Ugh okey, ikaw ang bahala!


Grae: Sige na, ibaon mo na ulet yung box. Gusto ko ng umuwi eh.



--

Pabalik na ko sa room ngayon dahil inutusan lang ako nung teacher namin na ipasa yung mga form niya sa prinicipal's office. Nadaanan ko yung ibang mga fourth year na naglalaro ng volleyball dito sa court. Naengganyo akong manood saglit dahil wala pa naman masyadong ginagawa sa room.


Habang nanonood ako, napalakas yung tira nung isang player. Aware na ko na papunta malapit sa'kin yung bola. Umiwas na ko kaya lang natamaan pa rin ako ng bola sa balikat. Ang sakit nga eh pero syempre hindi na ko nagpahalata.


Kinuha ko na 'tong bola. Lumapit naman sa'kin yung tumira ng bola. Nakilala ko lang na si Bianca pala 'to dahil hindi ko siya nakilala sa buhok niya kanina. Nakataas kasi. Eh kapag nakikita ko siya, lagi lang siyang nakalugay ang buhok.


Bianca: Sorry ah? Napalakas yung tira. Okey ka lang ba?


Until Someone knows the Longest GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon