Chapter 1

3.7K 95 17
                                    

"I swear, ang hot talaga ng lalakeng iyon. Napakamacho niya at may six pack abs pa siya. Kaya after kaming magmeet at mahalatang gusto namin ang isa't-isa, agad kaming humantong sa kama." Panay na kwento ni Mary Rose habang sila ay naglalakad pababa.

"Eew! Tumigil ka na nga diyan sa kakwekwento mo" sita ni Sarah sabay iling. "Lagi ka na lang nakikipagsex sa mga lalakeng first time mong nakakameet. Hindi ka ba natatakot na baka mapahamak ka? Papaano kung may mangyaring masama sa iyo?" Napabuntong-hininga ito. "Laganap na ang masasamang tao ngayon. Do you remember what happened to Chelsea? Namatay siya dahil sa pakikipagmeet sa isa sa mga textmates niya na isa palang serial killer at drug addict."

"Kasi naman napaka-hot nila" naglip-bite pa ito at tipong kinikilig. "Isa pa ay talagang napakagwapo nila. Di ko sila maresist." Gigil na gigil ito. Sa sobrang gigil ay pinalo pa niya si Sarah sa may braso na agad naman niyang sinapo. "Tiyaka sis pwedeng maging bitter pero wag mo namang gawing hobby. Magkakawrinkles ka lang."

Sumimangot ito. Simula kasi ng maghiwalay sila ni Christopher ay naging isa na itong ampalaya queen. Labis siyang nasaktan noon. Ang akala ng barkada ay naka-move on na siya pero hindi. It's a first love and first love never dies, right? Pero kahit na ganoon ay naging magkaibigan pa rin sila dahil ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila. She really treasures friendship. "Whatever!" Sabi na lamang niya.

"Nasaan na ba sila?" Tipong naiinip na ito. Iginala na lamang ni Mary Rose ang tingin sa paligid para hanapin ang iba pa niyang mga kaibigan.

Naupo sila sa isang bench malapit sa may library. Unang araw ng pasukan nila bilang 4th year student ng Paoay Lake University. Nagkalat na sa paligid ang napakadaming estudyante but hell! Where are the others?

Kinuha ni Mary Rose ang kanyang phone pagkatapos ay nagselfie-selfie. Nag-update sa facebook at instagram ng status. Napatigil lang siya ng biglang magsiumpokan ang mga babae at baklang estudyante malapit sa may gate. Agad silang nakarinig ng nakaririnding tili.

"Here they are" wika ni Sarah sabay tingin sa may gate.

Pumasok sa Unibersidad ang dalawang lalakeng nakasakay sa kulay itim na motorsiklo. Which is a new model. Bumaba sila at nagtanggal ng helmet. Si Nico at Christopher iyon.

Pagkatapos nilang magpark at kumaway sa mga malalanding babae at bakla ay lumapit sila kina Mary Rose at Sarah. Kahit malayo na sila sa grupo ng mga fangirls na nagsiumpokan kanina ay naririnig pa rin nila ang bulong-bulongan ng mga ito. Di na sila nagtaka lalo na at silang dalawa ang pinaka-hot at pinakapoging estudyante ng Unibersidad. Halos lahat ng babae sa school nila ay nagkakandarapa sa kanila. Iyong iba ay gusto pa yatang maanakan.

"Kumusta?" Ngiting-ngiting tanong ni Christopher sabay suklay ng kanyang kamay sa buhok niyang bahagya pang basa.

"Heto, maganda pa rin" she flip her long black hair. "Tara na nga! Antagal-tagal niyo. Kanina pa kaya kami naghihintay sa inyo" tumayo si Mary Rose na sinundan naman ni Sarah.

"Sorry! It's because of Sheena" tukoy niya sa recent girlfriend. "Nakipagtelebabad siya sa telepono kagabi." Sumunod na rin si Christopher.

"Sandali, hindi ba natin hihintayin sa Tricia? Baka magalit na naman iyon. Alam niyo namang natatakot ako sa kanya. Para siyang dragon na nireregla."

"Alam mo Nico lagi namang late ang babaeng iyon" taas kilay na sagot ni Sarah. "Mauna na lang tayo. Kanina pa kami naiinip dito."

Naunang naglakad ang dalawang babae papunta sa second floor ng school kung saan nakalagay ang kanilang silid habang nakasunod ang dalawa.

Panay ang tingin sa kanila ng ibang mga estudyante dahil sila ang pinakasikat na grupo. Pinakapopular dahil silang lahat ay mayayaman at sosyal. Bukod doon ay biniyayaan pa sila ng angking kagandahan at katalinuhan.

Nang nasa pasilyo na sila ay sabay na napatigil sina Sarah at Mary Rose.

Napahawak sila sa isa't-isa ng mapansin nilang may dumaan na isang nakaputing babae sa kanilang harapan. Hindi nila nakilala kung sino iyon dahil natakpan ng mahaba nitong buhok ang kanyang mukha. Isa pa ay masyadong mabilis ang ginawa nitong pagdaan. Kasimbilis ng isang malamig na hangin. Pero isa lang ang sigurado nila. Ang paa ng babaeng dumaan ay nakalutang sa hangin.

"Bakit kayo napatigil?" Si Nico. Napatigil din ito ng mabangga niya ang likuran ni Sarah.

Nagtinginan silang dalawa at walang sumagot. Napahigpit na lamang ang hawak nila sa isa't-isa.

"Namumutla kayo." Si Christopher sabay turo sa mukha ng dalawa. "Parang nakakita kayo ng multo." Biro nito.

"W-wala. Halika na Sarah" hinila niya ito at nagpatiuna sa silid na kanilang patutunguhan. Biglang nadoble ang ginawa nilang paglalakad.

"Weirdos" iiling-iling na bigkas ni Christopher. "Saan ba kayo nagpupunta noong nakaraang bakasyon?"

Nang nasa loob na sila ng kwarto ay binuhay ni Nico ang ilaw at laking gulat niya ng biglang tumalon ang isang itim na pusa sa kanya.

Si Sarah, Mary Rose at Christopher ay napatayo mula sa kinauupoang monoblock at napaatras. Gulat din sa nangyari.

Sa sobrang gulat ni Nico ay naibato niya sa may salamin ang pusa. Nabasag ang salamin at nabahiran iyon ng dugo.

Ang pangil at ang matatalas na kuko ng pusa ay nagsilabasan habang nakatingin sa kanilang apat. Animo'y handa itong sumunggab ano mang oras nitong gustuhin.

"Mamalasin kayo" bigkas ng isa nilang magiging kaklase. "Isang masamang pangitain iyan sabi ng lola ko."

Tumingin silang lahat dito.

Namaywang si Sarah. Kahit na nagulat ito kanina ay umasta pa rin itong matapang at parang walang nangyari. "What are you trying to say? Witchie-witchie ba iyang lola mo?" Biro niya.

Itinuro niya silang apat at inisa-isa. "Ikaw, ikaw, ikaw, at ikaw," huling tinuro niya ay si Mary Rose. "At may isa pa. Kayong lahat. Mamalasin kayo sa susunod na mga araw at hindi niyo iyon matatakasan." Pagkasabi niya sa mga gustong sabihin ay nagpatay sindi ang ilaw dahilan para tayuan sila ng balahibo.

"Baliw!" Bigkas ni Mary Rose. Ibinaba niya ang bag at nilapitan ang itim na pusang nanatili pa ring galit. "Meowsy! Meowsy!" Nakuha niya ito at humarap sa kanila. "See? Nagulat lang... Aray!" Naibato niya rin ang hayop ng bigla siyang kagatin nito sa may kamay. Makikita ang mga butas gawa ng pagkakabaon ng mga ngipin.

Nagsitakbuhan ang tatlo para tignan ang nakagat na kaibigan.

"Ayos ka lang? Bakit mo kasi hinawakan?" Nag-aalalang tanong ni Christopher habang hawak-hawak ang kamay ni Mary Rose.

"Dumudugo. Bwisit!"

"Kailangan natin siyang dalhin sa ospital. Oh my God!" Napatakip ng labi si Sarah.

"Dude, infected ka na ng rabies. Malapit ka ng mabaliw" biro ni Nico kaya agad itong sinamaan ng tingin ni Mary Rose. "Joke lang! Ito naman" bawi na lamang niya.

"Sabi ko na sa inyo hindi ba?" Ngumisi ang kanilang magiging kaklase habang titig na titig sa kanila. "May masamang mangyayari sa inyong lahat. Dapat ay ihanda niyo na ang inyong mga sarili."

Tumalim ang mga mata ni Mary Rose. "Baliw! Lumayas ka na nga dito. Kung ano-anong pinagsasabi mo. Sinisira mo lang ang magandang araw namin."

Tumawa ito habang pinupulot ang itim na pusa. Nang makarga niya ito ay bigla itong umamo at nakatulog bagay na ipinagtaka nilang mga magkakaibigan. Napatingin na lamang sila dito habang papalabas ito ng kwarto.

VOTE AND COMMENT <3

I KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER (COMPLETED)Where stories live. Discover now