CHAPTER 40 - Nani wo su beki ka?

Start from the beginning
                                    

“Hey, Yujia, Shin, what’s happening here?” tanong ko sa kanila ng makalapit ako.

“Haay nako Kiyo, hayaan mo na yang dalawang yan. Pumunta ka na ngayon sa dojo nandoon si Kuya kanina ka pa hinihintay.” Nagulat naman ako dahil biglang sumulpot si Kuya Kisune mula sa likod ko kasama si ate Raphie.

“Hi baby Kiyo. Kanina ka pa?” bati naman sa akin ni ate Raphie.

“Kararating ko lang ate.” Sagot ko kay Ate Raphie.

“Kuya, bakit daw ako pinapatawag ni kuya Kyohei?” tanong ko kay kuya Kisune na ngayon ay pumapagitna na kila Yujia at Shin. Ano ba talaga problema nong dalawang yun?

“Ewan ko. Puntahan mo nalang.” Sagot sa akin ni Kuya Kisune. Sinimangutan ko lang sya at lumakad na papunta sa dojo. Alang kwentang kausap eh.

Pagpasok ko sa dojo agad na sumalubong sa akin ang lumilipad na katana. What the? Agad akong umilag pero nadaplisan pa rin ako sa pisngi. Nang tignan ko ang pinagmulan ng katanang iyon, nakita ko si kuya Kyohei na nakangisi. Nilapitan ko sya.

“What’s with the long face baby?” malambing pang tanong nya sa akin.

“Bakit mo ko binato ng katana mo?” tanong ko sa kanya. Imbis na sumagot agad nyang hinawakan ang kamay ko at pinilipit iyon.

“Ano bang ginagawa mo kuya?” tanong ko sa kanya habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak nya.

“Masyado ka nang nagiging kampante Kiyo. Nakalimutan mo na lahat ng mga natutunan mo.” Sabi nya sa akin sabay tulak palayo.

“Anong ibig mong sabihin kuya?” Tanong ko sa kanya.

“Set aside your emotion Kiyo and finish your mission. Three more days Kiyo. ” Makahulugang sabi sa akin ni kuya tapos umalis na sya sa dojo. Ako naiwang nakatayo.  

Nang makaalis na ako sa bahay nila ay dumiretso  muna ako sa park malapit sa campus. Kailangan kong mag isip. Three days. How can I possibly kill her? Well, yeah, I definitely want to kill her for sure but the thing is, Ryuu loves her. If I kill her, Ryuu will sure be mad at me. He will surely never forgive me if I kill her. But she is a target. Rina is my target and as an assassin I should kill her. I need to or my clan will definitely despise me. Nani wo su beki ka? (what to do?)

“Lalim ng iniisip ah?” nagulat ako ng may biglang tumabi sa akin. Ano pa nga bang bago? Lagi nalang syang sumusulpot kung saan saan.

WMAMTG (Unedited)Where stories live. Discover now