CHAPTER 142

2.5M 65.3K 114K
                                    

KIM'S POV

Alam ko pero hindi ko maintindihan kung bakit pumapayag akong magpagamit kay Deib ng ganito..

I'm sure that he's just making her jealous.

Sigurado ako at alam kong ginagamit nya lang ako para ipakita kay Maxpein na okay sya at hindi sya nasasaktan!

"Let's go??" nakangiting tanong pa sakin ni Deib nung sunduin nya pa ako sa mismong Entrance ng Canteen kung saan kitang kita kami ng grupo nila Maxpein..

"Um-order na ako ng foods, hindi ako sigurado kung magugustohan mo pero sana magustohan mo pa rin.." sabi pa ni Deib at saka ako inalalayan paupo.

Hindi naman agad ako nagsalita at hindi ko rin nagawang tignan ang mga pagkain sa harap namin..

Tumingin ako ng deretso sa kanya ng may pagtataka sa mukha..

Kaya naman nung tignan nya ako ay bahagyang nagulat pa sya.

"What's the problem??" inosenteng tanong nya pa at napabuntong-hininga naman ako.

"Why are you doing this?" seryosong tanong ko at nagsalubong na naman ang mga kilay nya kasabay ng buntong-hininga.

"Doing what?" masyadong seryosong tanong nya pa.

"You're using me to make her jealous---why the hell is that?!" pamamrangka ko sa kanya.

"Jealous??" sarkastiko at nakakalokong tanong nya pa! "Hahahahaha.. Where the hell did you get that???" natatawa pa kunwaring tanong nya! "What makes you think that you're someone na makakapagselos sa kanya??" sarkastikong tanong nya at natigilan naman ako. "Stop acting like you know a lot about me Kim.. because you don't.. What you know about me are the things that I want to show you.. I'm not making her jealous.. But I'm doing this for her.."

"W-Why??"

"Just eat your food.." nakangising sagot nya. "And never ask about her again.." seryosong utos nya pa kaya naman nakaramdam ako ng kaba at saka nagsimulang kumain.

I don't understand you, Deib.

Hindi ko talaga kilala ang Deib na nasa harapan ko simula pa kahapon..

Hindi ko sya maintindihan pero nararamdaman ko ang galit nya..

Wala akong alam sa nangyari pero nasisiguro kong merong nangyari..

You're confusing me.

Ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya..

Feeling ko.. ako mismo ay nasasaktan para sa kanya.

"Tomorrow.. is my birthday.." biglang usal nya kaya naman natigilan ako sa pagsubo at saka dahan dahang naingat ko ang paningin ko sa kanya..

Ayun na naman yung blangkong mukha nya..

Nananatili syang nakatingin sa mga food habang nakatingin ako sa kanya..

"I want to hear your final answer.." dagdag nya at saka nya pa lang ako tinignan. Bahagya pa akong napagalaw sa talas ng pagkakatitig nyang yun. "Are you willing to be my girlfriend??"

"D-Deib.."

"Yes.. or no??"

Hindi ako nakasagot!

I'm so confused and I can't think!

Nabibigla ako sa mga sinasabi nya kaya naman hindi ko alam kung saan ako kukuha ng mga isasagot ko sa kanya!

HE'S INTO HER Season 2Where stories live. Discover now