I'm officially calling all the saints right now. Please lang po, pabilisin niyo na ang oras.

Naglakad na kami palabas ng outlet na iyon at hindi na ako mapakali sa sobrang bagal ng oras.

Aalma na sana ako nang tumigil at pumasok siya sa Blue Magic. Kung saan makikita mo ang iba't ibang stuffed toys.

Akala ko ba last stop na iyong kid's apparel? Wala na akong nagawa, sinundan ko na lang siya.

Naagaw agad ng mga fluffy at cute na teddy bears ang atensyon ko. Gustong-gusto ko na sila noon pa.

Sa bungad pa lang ng kwarto naming dalawa ni Vidette, you'll immediately conclude that we're into teddy bears and the like.

Hinanap ng mga mata ko si Vince. He's on the dolphin's corner.

Nagkibit ako ng balikat at dumiretso sa section ng mga stuffed toy.

Inangat ko ang isa sa mga iyon. Napangiti ako. Ganito ang isa sa mga nasa kwarto namin.

I was bedazzled on how the kid inside me suddenly wanted to buy all these. I'm 21, pero napapangiti pa rin ako sa ganito.

Namangha ako sa isang kulay baby blue na teddy bear. Inabot ko iyon kahit medyo nasa mataas na parte siya ng section.

I struggled reaching it. Halos ma-disarrange ang suot kong sheer blouse. Nang sa wakas ay maabot ko iyon...

"Cute naman niyan."

Halos mapatalon ako sa gulat nang sumulpot siya bigla sa likuran ko. I held my chest.

"God you scared me..." utas ko habang hawak ko pa rin ang dibdib ko.

Malalim akong suminghap at bumuga ng hangin.

"Sorry." Halos matawa siya.

Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit bumilis na naman ang kabog sa loob. He's damn near me.

Halos sumubsob ako sa dibdib niya nang nilingon ko siya kanina, kaya inilihis ko na lang ang katawan ko.

"I already chose one for Chi." Pinakita niya sa akin ang isang stuffed dolphin. "Do you... like that?"

Itinuro niya ang teddy bear na unconsciouly, mahigpit kong hinahawakan.

"A-Ah? Ito?" Inangat ko iyon. "H-Hindi ah." Umiling ako. "Tiningnan ko lang baka magustuhan din ni Chichi." I lied.

Okay that's lame. That is so lame, Julia Parisha.

Baka kasi sabihin niya, ang tanda ko na pero gusto ko pa rin sa mga laruan. Ugh!

Ibinaba ko iyon sa built-in cabinet ng mga teddy bears.

Iniwanan ko siyang nakatayo roon. Hindi ko na tiningnan kung anong reaksyon niya.

"Nakakahiya ka talaga!" bulong na saway ko sa sarili ko.

Halos mapapikit ako sa mga pinag-gagawa ko. Why can't I get my acts together? Like seriously Paris?

Sweet Lies (Sweet Series Book 2) #Wattys2016Where stories live. Discover now