SCENE 1
PLAZA
naglalakad ang magkaibigang Jen, Trish, at Jeraldine. Sina Jen at Trish ay naguusap habang si Jeraldine ay hawak-hawak ang kanyang cellphone. Ang lalaki naman ay nagmamadali hawak-hawak ang kanyang cellphone nang nabangga niya si Jeraldine dahilan para mahulog ang cellphone pareho, dahilan para matigil sila sa paglalakad
Jeraldine: ANO BA?!
Pinulot naman ng lalaki ang cellphone at agad binigay kay Jeraldine.
Clark: sorry miss
Paumanhin nito at umalis na.
Jeraldine: kainis, hindi kasi tumitingin sa dinaraanan
Jen: bakit siya lang ba? Ikaw din kaya
Jeraldine: at sa kanya pa kayo lumaban
Trish: magbabangayan na naman kayo, umuwi na nga tayo.
Umalis na sila.
SCENE 2
BAHAY NI JERALDINE
kakapasok lang ni Jeraldine habang nakatingin sa cellphone na nagtataka.
Jeraldine: anong nangyari? Bat nag iba ang wallpaper, sino ito?
Habang kinilikot niya ang cellphone biglang may tumawag
Jeraldine: hello?
Leah: SINO TO??!! BAT HAWAK MO CELLPHONE NG BOYFRIEND KO? SINO KANG MALANDI KA?
Jeraldine: boyfriend?-
Leah: sino ka ba ha?!
Jeraldine: sorry baka wrong number po kayo
Leah: wrong number? Kabisado ko ang number ng boyfriend ko!!
Jeraldine: sorry po ha di ko alam kung sinong boyfriend pinagsasabi mo at hindi ako malan
Leah: in denial kapang malandi ka!
Dahil sa inis binabaan niya na ito
Jeraldine: kainis, sabihan pa akong malandi,
Tinignan niya ang gallery
Jeraldine: teka lang hindi sa kin tong mga pictures na to...sino ba ang mga ito?
Habang tumitingin siya sa gallery ay nagulat siya sa nakita kaya agad niyang binitawan.
Kakapasok naman ng nakakabatang kapatid
Julia: ate, nandito ka na pala
Lumapit kay Jeraldine, nakita niya ang cellphone agad niya itong kinuha
Julia: ate pahiram
Nagulat naman si Julia sa nakita, agad kinuha ni Jeraldine ang cellphone
Julia: ano yun ate? Katakot naman ang mukha nun
Jeraldine: Julia lumabas ka na
Julia: ate, dito muna ako,
Jeraldine: sabing lumabas na eh
Lumabas na si Julia, napabuntong hininga naman si Jeraldine
Jeraldine: anong gagawin ko?
Napakamot siya sa ulo.
SCENE 3
BAHAY NI CLARK
nakaupo si Clark nang biglang pumasok si Leah na galit na galit.
Clark: oh, Leah,(tumayo)
Leah: (sinampal si Clark) nagulat ka ng dumating ako kasi nakikipaglandian ka pa sa babae mo? Nasan siya ha? Hoy babae kung nasan ka man lumabas ka na, di ako natatakot sayo
