Tumayo agad ako sa pagkakahawak niya.

"Ah-eh. U-una na ako. S-salamat nalang. Hehe." pagkasabi ko nun ay naglakad na ako palayo.

Grabe yung heartbeat ko kanina dahil sa kaba.

Napakalampa ko. Psh! -___-

Catherine Faith's POV

Fastforward...

"Hindi ka ba nagugutom?" tanong ni Jiyong.

"Hindi." sagot ko.

Nasa kotse na kami. Kaka-helicopter lang namin.

Kanina nalungkot sila Dara sa biglaang pag-alis namin. Kesa naman sa mag-away lang sina Taeyang at Jiyong, pinili ko nalang rin na umuwi na kami ni Jiyong.

Bukas pa ata uuwi sila Taeyang.

Ngayon naman, papunta na kami sa condo.

"Gusto mo bang mamasyal tayo?" tanong niya.

Sasagot na sana ako nang biglang mag-vibrate yung cellphone ko.

Nginitian ko si Jiyong, sign na sasagutin ko muna 'yong tawag.

Tinignan ko 'yong cellphone ko.

Bunso calling....

Si Harin tumatawag? Sinagot ko 'yon.

"Hello? Harin!"

[Ate, kailan ka ba uuwi?]

Nga pala, hindi ko pa nasasabi sa kanya na ngayon na kami uuwi.

"Pauwi na kami ngayon."

[Ate, sunduin niyo ko ngayoooon~]

Napatingin ako kay Jiyong pagkasabi ni Harin nun.

Nagtaka si Jiyong.

"Err. Sige."

Bahala na. Mabait naman si Jiyong at sure ako na papayag yun na sunduin namin si Harin.

[Yeheeeey! Sige ate. Bababa ko na 'to.]

"Sigesige."

Call Ended

Yung wallpaper ko talaga eh. -___-

Konsensya: Kung ayaw mo ng wallpaper mo, edi sana pinalitan mo na diba?

Ugh! Bwiset talaga na konsensya 'to!

Anyways, tumingin ako kay Jiyong at napa-awkward smile sa kanya.

Napatingin siya sakin kahit nagda-drive siya.

"What is it?" medyo masungit niyang tanong.

"Jiyongie, sunduin daw natin si Harin sa bahay nila Tita Annabeth." sabi ko in a pacute way.

Sana pumayag siya hehehe!

"Okay and stop doing that. Tch." sabi niya at umirap sakin.

Nagpatuloy siya sa pagda-drive.

Stop? Ang alin?

"Ano ang ii-stop ko?" nagtataka kong tanong.

"'Yang pagpapacute mo. Mamaya di ako makapag-pigil dito. Tch." masungit niyang sabi.

Sasagot-sagutin ko pa sana siya nang maalala kong may hiningi nga pala akong pabor sa kanya

Tumahimik nalang ako.

Medyo malapit nalang kami kanina sa condo kaya hindi na kami mahihirapan sa pagpunta kela Tita Annabeth.

Gustong gusto ko na talaga umuwi dahil pagod na ako.

Ms. Innocent Meets Mr. F*cker [R16] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon