Chapter 40

59.9K 1.1K 51
                                    

Joax Taeyang's POV

Nandito na kami sa napag-usapang meeting place namin.

Naiinis ako!

Sabi na nga ba eh, Jiyong is up to something.

Una palang may naamoy na ako diyan kay Jiyong.

Flashback

Nandito ako sa kitchen area kasama si Kenneth at si Jiyong ay nakahiga sa couch.

"Pre, kailan ka ba aamin?" tanong niya.

"Ewan ko. Siguro mamaya?" medyo natatawa ako sa thought na aamin ako. Haha!

"Ano? Sinong aamin?" sabat ni Jiyong at lumapit sa amin.

"Si Taeyang kasi oh! Nato-torpe! Hahaha!" pang-aalaska sakin ni Kenneth.

"Pare, wala sa barkada natin ang torpe! Sunggaban mo agad!" natatawang sabi ni Jiyong.

"Kaya nga! Para ka namang ewan eh!" reklamo ni Kenneth.

"Eh nakakahiya!" sambit ko.

"Pfft! Pucha, pare! Hahaha! May hiya ka pala?"

"Kenneth, gusto mong umabot sa finals?" banta ko sa kanya.

"Eto na nga, magseseryoso na." saad niya.

"Pare, sino ba yan?" tanong ni Jiyong.

"Si Faith, pare." nakita ko ang pag-iiba ng itsura niya.

Kanina lang ay nakangiti siya pero nakasimangot na siya ngayon.

"May gusto din ba siya sayo?" tanong niya.

"Hindi ko alam. Pero magtatapat na ako." confident kong sabi.

"Hinay lang, pre. Mukhang walang balak na mag-syota 'yon." seryoso niyang sabi at lumabas na.

"Anong problema ni Jiyong?" tanong ni Kenneth.

"Ewan ko."

Kanina sabi niya, sunggaban daw agad pero nung nalaman niya kung sino, sabi niya hinay lang.

Ang gulo niya.

End of Flashback

Diyan na nagsimula ang paghihinala ko kay Jiyong pero hindi ko pinahahalata.

Mas lalong nag-init ang ulo ko nung naalala ko na sabay sila sa pagpunta sa Palawan.

Nakakainis talaga. Tangina!

"Pare, ayos ka lang?" tanong sakin ni Tristan.

"Oo pare." sagot ko.

"Tara na, guys!" aya ni Kenneth.

"Guys, wait lang. Si Dara pa." sabi ni Bommie.

Nakalimutan kong sabihin na nandito din pala siya.

"BOMMIE!!!"

Aray! Sakit naman sa tenga!

Nilingon namin yung tumawag kay Bommie.

Si Dara. -___-

Ang ingay talaga nung babae na 'yon. Parang lumamon ng megaphone sa ingay eh.

"Hey, hinaan mo naman boses mo." utos ko nung makalapit siya sa amin.

"Eh ano namang pake mo?!" pasigaw niyang sabi.

Napatakip ng tenga yung isa kong kamay sa sinabi niyang 'yon.

Ms. Innocent Meets Mr. F*cker [R16] #Wattys2017Where stories live. Discover now