Chapter 15

60.5K 1.1K 34
                                    

Catherine Faith's POV

Nandito ako sa bahay kasama ang pinaka-*cough*-mamahal kong kapatid. Wala siyang pasok ngayon kasi may faculty meeting daw.

Kakatapos ko lang mag-practice ng gagawin ko sa talent portion bukas. Kakatapos ko lang din mag-practice sa pagrampa---- kung paanong lakad ang gagawin ko at naisukat ko na rin yung simpleng dress na isusuot ko bukas. At naisukat ko na rin pala yung.. err... swimwear.

Nakwento sakin ni Harin na pinanggigilan daw siya ni Dara kahapon habang nanonood kami ni Bommie ng movie.

Kung ako rin naman si Dara, panggigigilan ko rin 'to si Harin. Palagi kasi siyang nakangiti at naka-eye smile.

At oo nga pala, malapit na rin mag-end ang month. Grabe! Ang bilis ng panahon.

Nabalik ako sa wisyo nung tawagin ako ni Harin.

"Ate!!"

"Ayy! Ano ba yun?" nabigla kong tanong sa kanya.

"Ate pwede ba akong manood sayo bukas?" kanina pa yan tanong ng tanong kung pwede ba siya sumama.

"Kung kasama mo si Tita Annabeth, pwede. Pero nasa trabaho si Tita Annabeth bukas eh."

"Ate naman eh! Gusto kong manood!" pagpupumilit niya.

"Bawal, Harin. Paano kung may mangyaring masama sayo?"

"Wala yan! Ate, sige na please!" pilit niya.

"Bawal, Harin. Alam mo kapag sinabi kong hindi, hindi."

"Ate naman eh!"

"Pumunta ka bukas sa bahay nila Tita Annabeth, atleast doon kasama mo mga pinsan mo."

"Okay...." malungkot niyang sagot at naglakad palayo.

Hindi naman nagtatagal ang galit namin ni Harin sa isa't-isa. Maya-maya lang ay magpapansinan na kami niyan na parang walang nangyari.

Binuksan ko yung computer at nag-log in sa facebook.

Nakita ko yung status ni Kenneth.

Kenneth Lee
Uyy! Hahaha may crush siya witwiw. Lande puta. - with Joax Taeyang Mendez.

Like Comment Share

Nilike ko yung status niya at binasa yung mga comments.

Alexander Kang: Ayieee binata na si Taeyang!!

Alison Valencia: Ay! Sino yung girl?!

Janine Abello: Oh my god! Nawawalan na ako ng pag-asa!!!

Kate Buenavista: Who's that lucky girl?

Joax Taeyang Mendez: Fuck you, Kenneth! Kailangan pa ba talagang ipost?!

Yun lang ang binasa kong comments kasi masyadong madami ang nag-comment baka abutin ako ng bukas sa pagbabasa nun.

Nagulat ako nung biglang mag-chat si Taeyang.

Joax Taeyang: Hi Faith!

Me: Hello! Bakit ka naka-online? Wala bang pasok lahat ng estudyante?

Joax Taeyang: Ay merong pasok. Naka-online ako kasi lumabas lang saglit yung instructor ko.

Me: Ah sigesige.

Joax Taeyang: Nakapag-practice ka na ba?

Me: Oo naman. Ako pa ba? Hahaha

Joax Taeyang: Naks haha. Im looking forward to your performance.

Ms. Innocent Meets Mr. F*cker [R16] #Wattys2017Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα