EPISODE 1 : Mr. Top A+ (Day3: part1)

120 0 0
                                    

<start of day3>

Nagising ako gawa ng tunog ng Cp ko, tiningnan ko yung Oras,, abay, madaling araw na pala,, .. tiningnan ko at may 38 message ako sa cellphone.. binuksan ko at puro si Peter ang nagtext, di ko nga pala napalinawagan ng ayos si Peter,, masyado ako nadala sa inis at pagkabadtrip ko.. iniwan ko nalang si peter doon na nagtataka,,at bothered kaya ngayon eh text siya ng text,, haaay... kaya din ba bothered din ako ngayon?

Dahil nauuhaw ako,, tumayo ako at bumaba ako sa kusina para uminom ng tubig,, sinundan ako ni Cookies ngunit nilock ko yung pintuan,, baka makatakbo to ang manggambala pa ng iba pang natutulog dito sa bahay..

DI ko na binuksan yung ilaw kasi saulo ko naman yung bahay ko kahit madilim,, bahay ko kaya to.. malamang alam ko ang pasikot sikot dito indi naman ako isang akyat bahay gang,, tsaka bat ko naman aakyatan bhay ang sarili kong bahay, 

bababa na sana ako ng may  narinig ako kumalampag sa may kusina, nako,, baka may akyat bahay na nga sa bahay namin,, ano gagawin ko,,, lahat kame dito sa bahay eh babae,, si Cookies naman eh isang maltese na puppy ano naman magagawa niya sa magnanakaw? baka nga si Cookies pa yung kunin,, kinuha ko yung walis tambo sa tabi at naglakas loob na bumaba sa baba, dahan dahan na pumunta sa kusina,,,

Nagpatuloy sa pagkalapag yng nasa kusina,, Ayan na,, ano naman gagawin ko pag nakita ko yung magnanakaw,, ano magagwa ng walis tambong hawak ko pag snugod na ako nung magnanakaw,,, sa madaling salita anong magagawa ng isang tulad ko... bahala na... nakarating na ako sa kusina at hinawakan ko ng mabuti yung pamalong hawak ko at binuksan ko yung ilaw.. at pasugod kong hahatawin sana yung tao sa kusina

"MAGNANAKA--?" sigaw ko.

"Teka,, teka.. Anya,, ano ba?" sabi ni mama

SI mama lang pala yun,, muntik ko na siya mapalo, dyusko aatakihin ako sa puso nito,, Syempre naman kame lang ang nagdito sa bahay,,, mga babae pa kame,, syempre nakakatakot diba,,, ano naman ba ginagawa ni mama sa ganitong oras ng gabe,,

"Ma naman ano naman ba ginagawa mo sa ganitong Oras?.."

"Ha? ako.di ako makatulog eh... kaya kakainin muna sana ako ng icecream,,," sagot ni mama sakin habang nagbubuklat ng cabinet para sa kutsara

"Eh bat naman di ka nagbubukas ng ilaw..."

"Eh aksaya sa kuryente,, tsaka,,, alam ko naman yung daan sa dilim.."

Haaay.. si Mama talaga... parehong pareho talaga kame,,, haaay.. gabing gabi magiicecream mga trip nitong nanay ko.. tsk tsk

"Eh kaw ANya,, bat gising ka pa?"

"Nagising ako eh tska.. iinom lang ako ng tubig.."

Kumuha ako ng Baso at binuksan ko yung ref at sinalin ko yung tubig at umupo sa may upuan,,

"O siya gusto mong Icecream?" yaya sakin ni Mama

"Haays... gabing gabi eh,,"

"Ayaw mo? bahala ka."

"hmmm.. Teka teka,, sige na nga penge na nga,,, titikim ako.."

kumuha ako ng kutsara at tumabi kay mama para makakain na din ng ice cream..

Nagbugtong hininga ako.. still naiisip ko padin ang ginawa ko kay Peter,, nagpadala ako sa inis ko, kaya nagwalk out ako.. di ko man lang napalinawagan si Peter,, ni di ko nga naisip yung ginawa ko.. tama lang ba ginawa ko.. haaay.. ano kaya nararamdaman ni Peter ngayon...

"Anya baket may problema?"

"ahh.. wala ma..." sabe ko sabay ngiti

"nakow,, bata ka,,, alam na alam ko kung may problema ka, nung nagkaroon ka,, di mo sinabi sakin.. pero nahalata ko sa muka mo yun,,,"

My 3 Days Boyfriends (M3DB) -SERIESWhere stories live. Discover now