Maya maya pa ay nagsimula na kaming gumawa ng exercises sa Chem.

Ramdam ko ang lalong pagbigat ng ulo ko..

Bawat tanong sa workbook na yun ay nakakapagpabigat pa lalo sa ulo ko!

Sa twing tutungo ako ng todo ay parang tutulo ang sipon ko..

Kapag nasisilaw ako sa liwanag ng kalangitan sa labas ng bintana ay para akong mababahing..

Kapag ganito ang pakiramdam ko.. gusto kong makasama si Deib..

Napabuntong-hininga pa ako sa isiping yun..

Nanlulumo ako..

Hinang hina ako..

Parang gusto kong mahiga na lang at magpahinga..

Bakit ba kasi ang tigas tigas ng ulo ko?? Tss..

"Okay, Class.. 10 minutes left.." sabi pa nung Lec kaya naman nagmadali akong magsagot.

*TIC!*TOC!*TIC!*TOC!*TIC!*TOC!*TIC!*TOC!*

"Finish or not finish, pass your workbooks.." utos pa nung Lec kaya naman kahit hindi ko pa tapos ang huling exercise ay pinasa ko na ang workbook ko.

Maya maya pa..

"Uyy ano?? Kaya mo pa?? Parang malalagutan ka na ng hininga dyan ahh??" nang-aasar munit bakas ang pag-aalalang tanong ni Naih, nilingon ko naman sya at ipinakita ang tunay na nararamdaman ko. "Loko ka kasi e, sabe ng wag ng pumasok---masyado kang pa-bida e noh?? Kapag lumala ka pa, mas lalong mag-aalala si Deib mo.. Alam mo namang OA yun e.."

"Parang ikaw lang.."

"Because we care, ya know?? Hehehe.. Gusto mo bilhan kitang gamot??"

"Hindi na.. Kaiinom ko lang e, every four hours yun di ba??"

"Pucha, e parang kukunin ka ng langit sa sobrang putla mo e! Kanina namumula ka pa---ngayon iba na.."

"Kaya ko pa naman, ilang subjects nalang naman e.."

"Geh magmatigas ka pa.. Isusumbong kita kay Deib.."

Dumating ang sumunod na Lec kaya naman nakinig na lang kami..

English Class..

"Okay class.. Taaadey, we are more on speakeyng, pronunciashen---dicshen!!" maaksyong usal pa ng Lec.

*SPEAKING, PRONUNCIATION, DICTION DAW*

"Class! Repeat after me---Innernet!!!"

"Internet---!!"

"Innnernet!!"

"I-Innernet!"

"Innnernashenal!!" si Lec.

"International----!!!"

"In-ner-na-shenal!! I said---repeat after me!!! Look at my mouth!! Innnernashenal!" sigaw pa ni Lec.

"Innnernashenal!"

"Innnnercoastal!" si Lec.

"Innnnercoastal!!"

Maya maya pa..

"King ina, ang sakit ni Miss sa panga!!!" bulong pa sakin ni Naih at sinulyapan ko lang sya.

"Nakakainis naman si Mommy.. huhu!" si Michiko, bigla syang lumapit samin pagkalabas ni Miss.

"Bakit, teh??" si BJ, naupo sa armrestbng chair ni Naih.

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon