EXTRA CHAPTER : Meeting The Crew

13 2 0
                                    

EXTRA CHAPTER : Meeting The Crew


DO YOU KNOW what's worst than breaking up with the person you care the most? Is that when you lose them but they're still part of your life. Do you get it? Okay let me explain.

Jigs and I are actually best buddy before we decided that we want more...which turns out to be a bad idea anyway. We belong in the same circle of friends so that kinds of make it hard for me to avoid him, plus we agreed that we will still be friends...which is a dumb move for me. Who wants to be friends with their ex? Not me. But we were morethan that, matagal na kaming magkaibigan, nasa grade school palang kami ay tropa na kami kaya alam kong hindi ko siya basta maidi-dispatsa sa buhay ko.

The worst part is...I kind of...still like him. Oo na. I'm such an idiot. Maganda lang ako pero hindi ako ganoon katalino.

Nakatitig lang ako sa sarili kong repleksiyon sa salamin, nakikipagmatigasan kung sino ang unang mag-iiwas ng tingin. Ano kaya ang gagawin ko kapag biglang nag-iwas ng tingin ang repleksiyon ko? Baka atakihin ako sa puso kahit wala akong sakit.

I glance at my phone. Mag-aala-seiz na, ang tagal naman dumating ng sundo ko. As if reading my mind, the door in my room suddenly burst open. Iniluwa ang mukha ng ate ko na kakaiba ang tingin sa akin. "Leah,"

Tumayo ako dahil alam kong dumating na ang sundo ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Bakit manang?"

"Sino 'yong hottie na naghahantay sa'yo sa labas?" Nakasandal si ate sa may gilid ng pinto habang nakatingin sa akin ng masama. "Saan mo napulot 'yon?"

"Hottie?" Mas tumaas ang kilay ko. Hind ko pa kasi nakikita ang pinsan ni Jigs dahil noong isang buwan lang umuwi galing sa states. Hindi ko alam kung bakit dito naisipan ipag-patuloy ang pag-aaral sa Pilipinas.

"Yes!" she exclaim.

Nagkibit balikat lang ako. "Pinsan 'yon ni Jigs," balewalang sagot ko at sa itsura palang ni manang alam kong hindi na kaagad siya sang-ayon sa sinabi ko. "I'm not hooking up with him. He's basically my chaperone because Jigs don't want me to go to that party alone."

"Nililinaw ko lang naman dahil ex mo pa rin si Jigs at mag-pinsan sila," seryosong sabi ni manang.

"I don't need your lecture manang," I rolled my eyes. "I have to go. Are you sure na ayaw mong sumama?"

"Hindi ako mahilig sa mga ganyang party, mas gugustuhin ko pang mag-basa nalang dito sa bahay."

"Urgh, parehong-pareho kayo ni Maine," I groaned. Nagpa-alam din ako kay Daddy na busy sa panonood, bago lumabas ng bahay. Tumaas nanaman ang kilay ko nang sa halip na sasakyan ay isang motorsiklo ang tumambad sa akin paglabas ko ng bahay.

"Hi, you must be Leah," bati sa akin ng isang lalaki na naka-sandal sa motorsiklo, may hawak itong helmet. Nakangiting lumapit siya sa akin at iniabot ang kamay. "I'm Clark."

"Hi, I'm Leah." Tiningnan ko ang motorsiklo sa tabi niya. Mukang nabasa niya ang iniisip ko dahil bahagya pa siyang tumawa.

"Don't worry it's safe, papatayin ako ni Jigs kapag may nangyaring masama sa'yo," natatawang sabi nito sa baluktot na tagalog. Wow, must be a rich kid. Well, ano pa nga bang aasahan ko, sa states nga pala lumaki itong pinsan ni Jigs. Inabot niya sa akin ang isa pang helmet, kulay pink iyon.

"Uhm..." Alam ni Jigs na takot akong sumakay sa motorsiklo kaya naiinis ako dahil parang sinasadya niya iyon, ayaw niya yata talaga akong papuntahin sa party na iyon.

"Huwag ka nang maarte," basta nalang isinuot ni Clarkson ang helmet sa akin kaya naman bahagyang nagulo ang buhok ko.

"A-Ano ba!" Tinabig ko ang kamay niya. "Hindi ko pa nga sinasabing sasakay ako diyan, eh."

Through Her EyesWhere stories live. Discover now