CHAPTER I

38 5 2
                                    


CHAPTER I

"ANONG binabasa mo Maine?" Nagulat ako ng bigla kong marinig ang matinis na boses ng kaibigan kong si Leah. Inangat ko ang ulo ko mula sa binabasa kong libro at mag-kasalubong ang kilay na tiningnan siya.

"Ah ito ba, nakita ko lang ito sa lumang book shelves sa atic namin, sabi ni Daddy lolo pa daw ng lolo niya ang may ari nito." Ini-angat ko ang libro para makita niya ang cover.

"Tale of the Guardian Angel?" Tumango-tango si Leah matapos mabasa ang title, nanatili pa rin ang dalaga na nakatayo sa harapan ko. "Mukang maganda ah, pahiram ako 'pag tapos kana."

"Sure." Isinara ko ang hawak na libro at tinitigan ang cover. Kahit kupas na ay nakikita ko pa rin maigi ang cover kung saan may isang lalaking anghel at babaeng mortal na tao ang nag-uusap. Nakadungaw ang babae sa may bintana habang ang anghel naman ay nakalutang sa ere gamit ang kanyang puting pakpak. Sa likod ng dalawa ay ang malaki at maliwanag na sinag ng buwan.

"Oo nga pala, kanina ka paba dito sa library? Kung saan-saan ka kasi namin hinahanap nila Jigs at Cardo, hindi mo naman sinabi na nandito ka lang pala." Naka-ngusong talak ng kaibigan ko.

"Nawala sa isip kong mag-sabi, medyo excited lang kasi akong basahin itong libro ng lolo ng lolo ng Daddy ko."

"Lolo ni ano?" Napakamot si Leah sa batok.

"Lolo ng lolo ng Daddy ko," ulit ko.

"Tigilan mo nga ako sa kaka-lolo mo, matutuyuan ako ng utak sa'yo, eh. Halika na nga." Bigla niya akong hinatak palayo, dali-dali kong hinablot ang bag ko sa may upuan bago nagpahatak sa kanya palabas. Napabuntong hininga nalang ako habang sumusunod sa kanya. Mahilig talagang manghatak 'tong babaeng 'to.

Pagdating namin sa may school garden 'di kalayuan sa canteen ay nakita namin kaagad ang mga iba naming kaibigan na naka-upo sa ilalim ng punong mangga.

"Meng, 'san ka galing?" tanong kaagad ni Cardo pag-lapit palang namin sa kanila. "Hinahanap ka kasi ni Prof kanina may itatanong yata sa'yo?"

"Nagbabasa lang ako sa may library, sige pupuntahan ko na siya." Bago pa ako maka-alis ay napigilan na niya kaagad ako. "Hindi naman yata importante kaya bukas mo nalang kausapin." Nakangiting sabi niya kaya lumabas tuloy ang dimple niya sa may kaliwang pisngi.

"Oo nga pala Maine, sasama ka ba sa party ni Shaileene mamaya?" tanong ni Leah na umupo sa tabi ni Jigs.

"Ayan ka nanaman sa party mo, bakit hindi ka nalang mag-aral ng mabuti?" Nakahalukipkip na tanong ni Jigs kay Leah na ex-girlfriend nito. Napangiti ako habang naka-tingin sa kanila. Nagsisimula nanaman kasi silang mag-sagutan at nakaka-aliw sila panuorin.

"Wala naman masama mag-party huh, at isa pa hindi ko naman pinapabayaan ang pag-aaral ko huh?" Umiling-iling lang si Jigs kaya mas lalong napa-simangot si Leah. "O sige hindi ako pupunta."

Tumaas ang kilay ni Jigs, alam niyang may kundisyon ang dalaga. "Anong kondisyon?"

"Hindi na ako magpaparty kahit kailan at magpapaka-nerd na ako kagaya ng gusto mo, susuportahan na rin kita kung gusto mo mag-sundalo basta...makipag-balikan kana sa akin." Nakangising sabi ni Leah. Nakangisi lang siya at mukang nagbibiro pero killala ko siya at alam kong seryoso siya sa mga sinabi niya.

Bumuntong hininga si Jigs. "Leah.."

"So I'm not gonna stop partying end of conversation." Leah smirk as if she just win an argument when we both know she just lose. "So Leah?" binalingan niya ulit ako.

"I can't," napakagat ako sa ibabang labi.

"What? Why?"

"We have mid term on Monday, have you forgot?"

Through Her EyesOnde as histórias ganham vida. Descobre agora