Chapter 5

15 1 1
                                    

Ron's POV

Nagising ako nang pass 10am na. Dahil gabi na kami na kauwi kagabe.

Hindi paren ako makampante dahil sa text na narecieved ko. Hindi ko naman mareplyan kagabe kase wala akong load.... Tama! Wala nga akong load... Kaya magpapaload na ako..
.
.
.
Bago ako pumasok sa school, dumaan muna ako kina Mika.. Dun kase kame magkikita kita nila Mira, Marco at Ate Reyna.

Oo nga pala. Kaya Ate Rey tawag namin kay Reynalyn Pineda kase nanjan lagi siya pag may problema kame at parang matanda kung magbigay ng payo. Matalino pa. Hahah.

So yun. Dederetso na ako...

Nagtext na si Mira.

[Uyy! Bilisan mo naman! Paalis na kame]

Nireplyan ko..

[Eto na malapit na! Naka tricycle na nga ako e.. Bayaran mo to ha! Hahaha]

Nagreply siya..

[G@go ka ba?! Sakay sakay ka dyan tapos wala kang pambayad!]

Nireplyan ko siya ulit...

[Eto binibiro lang naman e. Hindi ka naman ma biro.]

Malapit na ako...

"Sa tabi nalang po... Eto po bayad" sabi ko sa driver.

Bago ako bumaba nakita ko silang lahat na nakatayo.. Kasama nila si... Si...... Si Kris?

Napatulala ako kay Kris. Kase alam ko na pag inalis ko ang tingin ko sa kanya e mawawala nanaman siya.

Nakatitig siya saken ng masama, nasa may likuran siya ni Marco at nakatayo ren. Kitang kita sa katawan niya ang mga pasa at dugo..

Ako lang ba ang nakakakita sa kanya? O baka naman nakikita ren nila siya?

"Hoy ano ba? Naghihintay ka ba ng sukli ha? Sakto lang tong binayad mo toy!" Sigaw ng drive

Agad akong bumaba at humingi ng pasensya sa driver.. Siguro mga 30 seconds ako nakatulala dun.

"Naku pasensya na po.. May iniisip lang po kase ako.. Pasensya na po ulit.. Hindi na--"

Biglang umalis yung tricycle?! Bastusan ba to bro ha? Hindi ako na informed. Haahha
.
.
Ilang sandali lang ay nalingat ako....

"Oo nga pala!" Sabi ko.

"Baket?" Tanong ni Mira.

"Nakita ko si Kris. Sa may likuran niyo nakatayo den. Kaya nga nakatitig ako e.."

"Hala ka! Tatakutin mo nanaman ako ha..." Sabi ni Mira.

"Hay nako Mira! Tirik na tirik ang araw matatakot ka?" Sabi ni Te Reyna ng natatawa ng paunti unti.

"Tara na nga. Kalimutan nalang naten." Sabi ko sa kanila.

Jam's POV

Nasa school na ako.. Naglalakad ako papunta sa C.R ng makita ko si Steven, ang 'crush ng bayan' sa school namen.

"Hi Jam!"

Ha? Tinawag niya ako?

"Bakit po?"

"Diba classmate mo si Alyza?" tanong niya saken.

"Alyza Malicdem?" tanong ko sa kanya kahit si Malicdem lang ang Alyza sa room namen.

"Mmmm oo..." Sabi niya.

"Pwede po bang pakibigay to sa kanya?"

Inabot niya sa aken ang isang paper bag. Nakabalot.

"Ahhh siyempre naman!.. Sige asahan mo."

"Sige salamat..... Ah eto nga pala number ko.... Pakitext naman ako kung ano ang reaksyon niya. Salamat."

"Sige... Ikaw ha nililigawan mo si Alyza no?!" Biro ko sa kanya pero siyempre magdedeny yan.

"Oo e." Sabi niya

Waw. Aminado si totoy ha. Hahaha

"Ah sige sige ako na bahala." Confidence na confidence akong makapagsalita hahahaha.
.
.

Aly's POV

Sakto sa bell ang pagkadating ko sa room kasabay si Jade.

Nung nasa may room na kame at papasok na...

Lumapit si Jam at may inabot na paper bag.

"Bigay daw yan ni Steven. Yung sikat na sikat dito sa school naten. Yung pogi... Nililigawan ka daw niya e. Ayiee." Sinabi niya ng malakas na para bang binobroadcast niya sa buong room.

Nagbulungan ang mga babaita sa gilid. Yung mga jealous jan haha.

"Bakit daw? Andami namang ibang mas maganda jan ha." Sabi ko na halos kinikilig.

Tumingin ako sa paligid at nakita kong nakatitig sina Ron, Elmira at Patrick saken. Si Ron at Elmira naka ngiti. Si Patrick parang may malalim na iniisip habang nakatitig saken.

"Ahhh.. Close ba kayo Jam? Pasabi naman thank you hahaha." Oh my god kinikilig ako. Hihihi.
.
.
.
Steven's POV

Ano kaya reaksyon ni Alyza? Sasagutin niya kaya ako? Nakita niya kaya ang letter ko sa loob ng paper bag? Mmmmm nababagot na ko..

Ow. May nagtext.

Kinuwa ko ang cellphone ko sa bulsa na nag vibrate.

Number lang? Sino kaya to.

[Huy. Steven, Si Jam to. Thank you daw sabe ni Alyza.. Kinilig na kilig kamo siya sayo hihihi.]

Hayys salamat.. Sana naman hindi ako mahirapang pasagutin si Alyza.

Aly's POV

Dumeretso kami sa bahay nila Elmira para sa last practice. Bukas na kase ang play namen.

Sabagay wala naman akong gaanong role..

Leave Me AloneWhere stories live. Discover now