Prologue

46 8 2
                                    

Napadilat ako mula sa pagkakaiglip. Napakadilim, nakatali ang kamay ko sa likod ng upuan, wala akong naririnig na kahit na anong inggay. Nakakabingi ang katahimikan... Nakatakip rin ang bibig ko ng panyo. Nararamdaman ko ang hapdi ng mga sugat sa buo kong katawan.. Ano ba talaga nangyare sa akin? Bakit ako nandito? Wala akong maalala...

Hanggang dumating ang tatlong tao, hindi ko alam kung babae ba o lalake ang mga iyon. Nakatakip ang mga mukha nila at madilim pa... Para silang may hawak na baseball bat at bakal.

Narinig kong nagsalita ang isa sa kanila.

"Ano nang gagawin natin dito? Tapusin na ba natin?"

Tinanggal ng isa sa kanila ang panyo na nakatali sa bibig ko at pagtapos nun ay pinagpapapalo nila ako ng bat at hawak nilang bakal....

"Ayoko na! Tama na! Parang awa niyo naman! Tulong!!"......

Hanggang sa....

Leave Me AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon