Chapter 4

41 3 3
                                    

Kinabukasan sa School...

Ron's POV

Nung nasa room na kame para sa next subject namen which is ang adviser namen ang magtuturo...

Dumating ang teacher namen na si Mrs. Mer, english teacher. At... May kasama siya? Sino yun? Di ko makita sa may inuupuan ko.

Lumapit na si Mam sa gitna at...

"Okay class, today you all are going to meet a new classmate.... C'mon c'mon.."

Pinapasok na ni Mam ang lalakeng nasa labas.. Bago nameng classmate huh?

Nagulat kame nang si Patrick Atienza pala.

O-ow.. Patrick Atienza nga pala... Siya pala yung naka M.U ni Kris.

Ang pagkakaalam ko...

Aly's POV

Naku naman... Si Patrick pa!

Baka lalo akong dalawin ni Kris niyan e. Alam niya kase na crush ko ren yan si Patrick...

Pero nagtitiwala ako sa sarili ko na hindi ko aagawan ang bestfriend ko kahit wala na siya..

Mas mahalaga ang pagkakaibigan kaysa sa pakikipaglandian. Hahaha.
.
.
.
"Hi. Mmm. Ako nga pala si Patrick Atienza, 17 years old."

"Okay class, lilipat sa klase naten si Mr. Atienza dahil nagkaroon daw ng miss understanding sa section nila.... I hope na i-wewelcome niyo siya dito ha..."

"Yes Mam." Sagot naming lahat.

"Okay Patrick, dun ka maupo sa tabi ni Ms. Malicdem.."

Ou-ow. Malicdem? Ako yun ha..

Ano ba naman to.. Gustong gusto nila na laging magpaparamdam saken ang di matahimik na kaluluwa ni Kris.

Kelan pa kaya mawawala ang pagpaparamdam ni Kris?

Kapag fourty days?

Kapag nasunod na ang gusto niya?

Kapag nakuwa niya na ang hustisya?

O baka kapag mapatay niya na ang gumawa noon sa kanya?

Palaisipan talaga to si Kris e. Ayaw pang sabihin kung ano ang gusto niya sa twing magpapakita siya para mabibigay ko na agad sa kanya.. Wag niya lang ako tatakutin hahahaha.

Wag na nga. Hahaa joke lang Kris. Baka naman totohanin mo mamayang gabi. Hahaha
.
.
Nung matapos na ang klase sa english, kinausap ako ni Patrick...

"Hi! You're Alyza right?" With smiling face..

Pano niya naman nalaman ang pangalan ko?

"Ummm. Opo, ako nga."

"Hahahaha. Nice to meet you."

"Nice to meet you too."

Wahaha. Ang cute cute niya grabe!

Pero.... Diba? Uhhhh. Crush nga ren pala siya ni Kris.

Napasimangot ako at naging malungkot.

"Why? Anong problema?"

Hala. Nakatingin pa pala siya saken.

"Ahhh wala wala wala.. Okay lang ako, may iniisip lang.."

"Ahh okay."
.
.

Nang matapos na ang klase. Pinagpatuloy namin sa bahay nila Elmira ang props para sa play, sa thursday na kase ang sayaw at tuesday na ngayon.
.
.
Nang papunta na kami kina Elmira, nagtext si Patrick... Ha?! Si Patrick nga! Pano niya naman nakuwa yung number ko? Hahaha.

[Gagawa po ba kayo ng props kina Ms. Fernandez?]

[Umm. Oo e. Gagabihin ata kame maigi.. Bakit mo naman natanong?] reply ko.

[Ahh. Ehh. Wala lang. Akala ko kase kagrupo ko kayo.. Sina Jam pala. Hihihi]

[Ahh sige.]
.
.
.
.

Ron's POV

Nasa bahay na kame nila Elmira.. 7:20pm na in the evening.

Kami kami lang nila Alyza, Jade, Eloisa, Reyna, si Elmira, si Marco at Mika, pati ako.

Wala pa ang mama niya, nasa trabaho pa daw... Papa niya naman nasa kabilang bahay, malapit lang ren doon. Bahay daw yun ng lola niya.

So, kami kami lang ang nanduon.

"Nagugutom na kayo?" Tanong niya.

Kahit nakakahiya nagsalita kami..

"Oo e.." Sabi naming lahat.

"Sige luluto ako... Tapusin niyo na yang props."

"Sige sige." Sabi nila Alyza.

"El, tulungan na kita. Hahaha"

"Sige."

Habang nagluluto kame may masama na akong nararamdaman e.

Nang malapit nang magluto tinignan ko kung ilan kame para makapag prepare na ng pagkain. Binilang ko. 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9.

Okay 9 kami. Inulit ko ulit ang pagbibilang para sure.

Nung nakaprepare na ang pagkain sa mesa ay nagsidatingan na sila sa kusina. Sampu bale anv upuan. Nine kame so isa lang ang mababakante... Pero nung dumating na sila at umupo kung saan nila gusto.

"Ha? Bakit dalawa ang bakante?" Tanong ko na naguguluhan.

"E bakit? Sampu lang tong upuan tapos eight lang tayo. Ano ba. Ten bawasan mo ng eight.. Diba two? Simpleng math lang e. Ibalik kita sa grade 1 niyan e." Patawa ni Jade.

"E kase kanina... Ilang beses ko binilang kung ilan tayo.. 9 ang bilang ko." Explanation ko.

"Baka gusto ren kumain ni KRIS?!" Biglang lumabas sa bibig ni Ate Rey.

"AAAAHHHH!" Nagtakbuhan kame sa sala kung saan kame nagawa ng props at doon nagsusumiksik sa isang gilid.

"Mga baliw to sila! Lahat nalang kinakatakutan." Sabi ni Te Rey ng natawa.

"Hindi magandang biro yun Te Rey." Sabi ni Eloisa na halos tumulo na ang dulo sa kanang mata niya... Baka daw kase umulit ang nangyare sa kanya nung burol ni Kris. Na nakita niya si Kris na dumilat. Nginitian pa siya. Halaaaa.

"Sorry na. Ito naman sila di mabiro" natatawang sabi ni Te Rey.

Palibhasa kase hindi nagpapakita sa kanya si Kris kaya ang lakas ng loob na manakot.

Tekaa..Sino sino lang ba ang nagkaroon na ng karanasan na tulad ng naranasan ko?..

Si Elmira?

Si Alyza?

Si Eloisa?

Kami lang bang apat?

Kase feeling ko nakakaramdam den yan si Te Rey ng kaluluwa ni Kris.
.
.
.
Di kaya totoo ngang nabilang ko si Kris kanina?

Napasama ko ba talaga siya sa bilang?

Hindi ko naman napansin ang mukha niya.. Baka naman haggard lang ako kaya di ko siya nakita.. Baka kase nakita ko lang talaga siya.. Kagrupo ren kase namen siya e...

"Halika na! Punta na tayo sa kusina.. Kain na tayo. Hahahaha" sabi ni Te Rey.

So dumaretso na kame sa kusina at tahimik na kumain.

Pagkatapos na kumain KKH kame dahil sa takot.

Ano nga ba yung KKH? HAHAHA.

Meaning po nun is 'Kanya-kanyang Hugas'
.
.
Tama nga naman at walang lugi haaha. Pagtapos maghugas, tinapos na namin ang props...... At natapos nga namen....

10 pass na. Papasundo na kame sa mga magulang namen. Yung iba naman e kanya kanyang biyahe na.

Hanggang....

May nagtext?

"HA?!" Number ni Kris?

Bakit? Nanay na to ni Kris?

Pagkabukas ko ng inbox.

[Hinding hindi ko kayo papatahimikin.]

Leave Me AloneWhere stories live. Discover now