Kung pwede nga lang hindi na siya magising eh.

Sasabihin sana iyon ni Nathan pero nanahimik na lang siya.

“Ikaw lang yung ayaw maniwala.” he said coldly. The sting of being degraded as a ‘friend’ still hurts him.

“Sana gumising na siya bukas, o kaya mamaya.”

“Kung gan’on, eh di magdasal ka.” he answered sarcastically.

“Tutulungan mo naman ako, ‘di ba?”

She tried her best para mapagaan ang atmosphere sa pagitan nilang dalawa. Pero para kay Nathan, mabigat pa rin ang pakiramdam niya.

“Labas na ko diyan.”

Lujille frowned a bit. “Nathan naman.”

“Like I said, labas na ko diyan. Gulo niyo iyang mag-asawa. Ayusin niyo.”

She sighed, at kahit ayaw niyang itanong, kailangan niya pa ring sabihin.

“Galit ka pa rin ba sa akin?”

Ayaw na sanang sagutin ni Nathan ang tanong na iyon. Kung pwede nga lang siyang mag-walk out, gagawin niya talaga. But she needs an answer.

“Paano kung sabihin kong oo?”

Napatigil si Lujille. It was unexpected.

“Nathan…”

Parang biglang natauhan si Nathan at napaurong siya ng konti. Napakalambot niya kapag si Lujille na ang nagmamakaawa.

“Tumigil ka.” sabi ni Nathan at tumalikod sa kanya.

“So galit ka nga? Ano ba’ng dahilan ha?”

Hinarap ni Nathan si Lujille. Nagtitimpi na siya. Malapit na siyang sumabog.

“Alam mo na kung bakit. Dahil kaibigan mo lang ako at asawa mo siya.”

Kahit na hindi siya sumigaw, ramdam ni Lujille ang sakit at impact ng mga salita niya. Soon tears began welling up her eyes. She shouldn’t have said that. Hindi nalimutan ni Nathan ang epekto ng mga salitang iyon.

“Kailangan ko nang umalis. Wala na akong gagawin pa dito.”

Tinungo ni Nathan ang pinto at binuksan ito. Laking gulat niya dahil may mga pulis na nakatayo sa harapan niya. Tatlo o apat sa kanila. Hindi maganda ang mga titig na ipunupukol nito sa kanya.

“Ikaw ba si Nathan Buenaventura?” tanong ng isang pulis sa kanya.

“Opo.” Tumango si Nathan. Kinakabahan na siya sa maaaring mangyari.

May ipinakita ang pulis sa kanya.

“May warrant of arrest ka. Sumama ka sa amin sa presinto.”

“Po? Bakit po? Ano po ba’ng-“

Hindi pa man siya tapos magsalita ay pinosasan na siya ng dalawa pang kasama nito.

“Sa presinto ka na magpaliwanag.”

“Sir, bitiwan niyo po ang kaibigan ko. Wala po siyang kasalanan!” sabat ni Lujille habang tumatakbo palapit sa mga pulis. Walang magawa si Nathan kahit hinihila na siya ng mga pulis.

“Kung gusto mong sumama sa amin, sumama ka.” sabi ng pulis kay Lujille.

She looked at Arleigh one last time at sumama sa kanila.

“Sir, hindi ko po alam kung paano po napunta ang brake at ang tseke sa kotse ko. I wasn’t there nung binugbog ang kaibigan ko.” paliwanag ni Nathan sa mga pulis. Nagmamarka na ang posas sa mga braso niya. Gusto na iyang makaalis ng presinto ngayon.

“Lahat po ng ebidensya ay nagtuturo na kayo ang salarin sa pagka-comatose ni Mr. Llamanzares.”

“Pero sir!” protesta ni Nathan.

“Sir, kilala ko po ang best friend ko. Hindi siya gagawa ng ganong bagay sa asawa ko.” sabat ni Lujille.

“Ma’am, hindi po ba kayo nakakarinig? Tinuturo na siya ng mga ebidensya.” sabi ng pulis.

“That’s absurd! You don’t have enough evidence!” sigaw niya dito.

“Ma’am, wala na po tayong magagawa.” sabi ng pulis. Tuluyan ng ipinasok si Nathan sa presinto habang nagpupumiglas ito. Walang magawa si Lujille kundi ang kaawaan ito.

Kinausap niya si Nathan nang wala na ang mga pulis.

“Nathan, ilalabas kita dito. Alam ko naming wala kang kasalanan eh. Sigurado akong ginigipit ka lang ni Leslie.”

Matalas ang mga tingin ni Nathan kay Lujille.

“Umalis ka nga dito! Alam kong ginigipit ako ng walanghiyang iyon. At hindi ko kailangan ng tulong mo. Mas gugustuhin ko pang mabulok dito kesa tumanggap ng tulong mula sa iyo.”

Napaurong ng konti si Lujille. Ramdam na niyang itinakwil na talaga siya ni Nathan.

“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, pero ilalabas kita dito. Pangako iyam.”

“Get out.”

“Nathan maniwala ka sa ‘kin.”

His voice became cold ang stern. Mahigpit siyang kumapit sa mga rehas.

“Kapag hindi ka umalis, ipapakulong kita sa kabilang selda.” banta niya.

Napatingin lang si Lujille sa kanya, calculating his every move.

“I said get out!”

Umalis na lang siya pero sa loob-loob niya, gagawin niya ang lahat para makabawi sa taong pinagkakautangan niya sa halos lahat ng bagay.

Shotgun WeddingWhere stories live. Discover now