Nagpipigil ng ngiti ang pogi. “Matagal na kong tinamaan.” Hinampas ni Crey ang tubig kay Edward at nagmistulang water fight ang eksena.

Crey:

Inhale.

Exhale.

Sobrang sarap ng hangin dito. Parang paraiso pa ang ganda. Syempre ako ang Diyosa!

“Lukring!”

Ay Lukring! Paglingon ko ay… Haaay… Sino pa nga ba? Shit. Ang-gwapo niya lalo na pag bagong gising.

“Oh?”

“Kanina ka pa namin hinahanap. Ang-aga mo magising ah.” Tumabi siya sakin sa kinauupuan kong nakakalat na putol na sanga ng puno. Tumingala ako, andaming buko.

“Gusto mo ng buko?” tanong ng makulit kong katabi. Iniiwasan kong tumingin sa kanya dahil nakakapanghina. Parang hinihigop yung energy ko ng intense niyang titig. Naramdaman kong tumayo siya at naglakad palayo. Nag-stretching sa harap ng puno ng buko bago inakyat ito.

“Hoy Edwardo!”

“Teka lang,” sigaw niya. Mukha namang sanay na siya sa pag-akyat.

Shit, ang-gwapo ng likod niya. Shit, ang-swerte ng puno. Shit, puro ako shit!

Bakit ba kasi may ganitong klaseng nilalang na nabubuhay? Gwapo, mayaman, mabait, masayahin. Lalaki kaya talaga siya? Huwag naman sana siya ng bading. Pero paano kung hindi niya ako…

“Uy!”

“Ay!” Nasa harap ko na pala siya. “Ambilis mo naman.” Inabot niya sa akin ang isang buko tapos umupo sa tabi ko. Binuksan niya ang mga buko namin gamit ang itak na hindi ko alam kung saan galing.

“Tinuruan kami ni Daddy umakyat ng puno ng buko.” Sabay kaming uminom ng buko. This is life! Sana ganito na lang kasaya lagi. “Kumain ka na ba?” tanong niya.

Tumango ako. “Tinapay.”

Tumango din siya. “Nagyayaya si Mommy ulit. May event ulit yung Pastor na kakilala niya.”

“Ay, oo. Niyaya din ako ni Mandy dun.”

“Gusto mong pumunta?”

Bumuntong-hininga ako. “May choice ba ako?”

“Hmm, oo.” Lumingon ako sa kanya na nakatingin din sa akin. “Takas tayo.”

Medyo kinilig ako dun lalo pa’t sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t-isa.

“Paanong takas?”

Tumayo siya at lumingun-lingon. May tinanaw siya sa may tunigan. Lumapit siya sa isang Bangka na nakadaong sa pampang. Lumingon siya at sinenyasan akong lumapit na ginawa ko naman. Sumakay ako sa Bangka habang siya ang nagtulak papuntang dagat bago sumakay din.

“Saan tayo pupunta? Baka lumubog to,” sabi ko pero hindi pa rin nawawala ang ngiti ko. Mukha na akong tanga. Sagwan lang ang gamit namin.

“Edi masaya, parang Titanic.”

Shit! Naimagine ko sina Jack at Rose.

“Anong favorite song mo aside from sa mga nabanggit mo kagabi?” tanong niya nang makalayo na kami sa pampang.

“Ha?” Ano nga ba? “Ewan.” Ang-weird ko. My gosh!

“Maganda yun ah,” sabi niya sabay kumanta ng Ewan by Moonstar88.

“Ah, may kanta palang ganun,” biro ko.

“Saang planeta ka ba galing?” sabi niya nang nakangiti.

“Eh ikaw?”

“Lagi ko kayang pinatutugtog.”

“Ay, alam ko na. Yung Me and You ng Fallout Boys.”

Sumimangot siya na parang nang-aasar. “Mali naman yung title eh pero yun na rin nga yun. Ang-ganda kasi ng music video. Favorite color mo?”

“Light blue. Dati gusto ko rin ng black eh kasi mahilig si D-“

Napahinto ako which is isang malaking improvement.

Nahalata niya yata yung dahilan kung bakit ako napahinto kaya siya na ang nagsalita. “Ako green.”

“Green-minded.”

“Porket green, green-minded na?”

“Porket green-minded bastos agad? Pwedeng nature-loving muna ang meaning?”

“Grabe, pinasa pa sa akin pagiging judgemental mo.”

Natawa ako sa kalokohan namin. Pagtingin ko sa kanya, nakangiti lang siya na parang masaya siyang makitang masaya ako. O baka imagination ko lang din yun.

“I’m happy to see you laugh.”

Yes! Tama ako! Hmm… DK.

“Ako rin,” sabi ko with a smile. Tinanaw ko ang dulo ng dagat kung saan hindi na madedetermine kung alin ang dagat at alin ang sky. Nakakarelax ang kagandahan. “Meron akong bad habit.”

“Obvious naman,” mapang-asar na sagot niya.

Masamang tingin ang sagot ko pero ngumiti lang siya na napaka-cute.

“Bukod sa kabitter-an…”

“Ahh… Go on.”

Iiling-iling na lang ako. “Ewan ah pero nasa sistema ko na kasi siya eversince mainlove ako kay DK.” Tahimik siyang nakinig, walang emosyon ang mukha.”Tuwing nag-iisip ako ng kahit ano, lagging nasisingit yung pangalan niya. Sobrang random.”

Kumunot ang noo nya. “Weird.”

“I know.”

“Weird, nag-iisip ka pala.” Winisikan ko siya ng tubig. “But seriously, mahirap yan. Sobrang powerful pa naman ng habit so kailangan maalis mo na rin yan.”

“Paano?”

“Edi palitan mo yung iniisip ko imbes na pangalan niya.”

Ano kaya? Edward?

“Pangalan ng ibang lalaki?”

“Tingnan mo to, ang-landi talaga.” Winisikan ko ulit siya ng tubig, pero tumawa lang. “Pangalan mo na lang, Lukring.”

“Adik!”

“No, seriously, tigilan mo na ang pag-iisip sa pangalan ni Dioskoro or any other guy for that matter. Ang nangyayari kasi ay umiikot ang mundo mo sa iba which is bad.” 

Nanahimik naman ako. Wala talaga akong palag sa speech ng poging to. Haayyy… D-

No! Stop right there! Don’t even think about it.

“Uy!” nagulat naman ako kay Edward. “Kakasabi ko lang na wag mo na masyado isipin eh.”

“Iba kaya iniisip ko!”

“Ano?”

“Ikaw.” Pareho pa kaming nagulat sa sinabi ko. “I mean, y-yung sinabi mo.”

Tumangu-tango siya tapos may kung anong tinanaw sa likod. Nagkatinginan ulit kami nang humarap siya. Ngumiti siya saglit pero nagseryoso ulit. Parang… parang nagpipigil siyang ngumiti… O imagination ko lang ulit yun.

Alamat ng BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon