VIII

21.7K 373 10
                                    

CHAPTER VIII: DANGER

XIANDRIA'S

Second day as Hunter's bodyguard. Bored as ever. Kahapon kahit isang beses, hindi niya talaga ako kinausap. Ni hindi man lang ako niyaya kumain ng lunch. Busy ako sa pagbabasa ng magazine nang may babaeng biglang pumasok sa opisina ni Hunter.

"Babe! Pagsabihan mo nga 'tong secretary mo. Hindi ba niya ako kilala?" Tanong nung babaeng poste na bigla na lang pumasok.

"Sorry po Sir. Nagpumilit po siya eh" hinging paumanhin ni Allison. Secretary ni Hunter. Sa lagay para na siyang naiiyak. Nakwento niya sa'kin na ayaw daw sa lahat ni Hunter yung naiistorbo sa trabaho.

"It's okay Allison. Pwede ka nang umalis" sabi niya dito. Tumango naman si Allison at naglakad na palabas.

"Sabi ko naman sa'yo boyfriend ko si Hunter eh!" Maarteng sabi pa ni babaeng poste. Boyfriend naman pala niya si Hunter eh-teka? Boyfriend?!

"Haley, stop that" saway naman ni Hunter dito.

"Why boyfie? Di mo na ba ako love?" Tanong pa nito at umupo sa lap ni Hunter at ikinawit ang braso niya sa leeg nito. Makitod talaga. Naku!

"Haley stop it" Mariing sabi ni Hunter. Ayan tama yan! Maasar ka jan sa Haley-parot na yan.

"Okay chill. Nangangamusta lang naman ako. Sige babe, uuwi na ako. See you when I see you" malanding sabi nito at kuminddat pa kay Hunter.

"Boyfriend naman pala" bulong ko. 

"What did you say Aria?" Naniningkit ang matang sabi niya sa'kin. Inirapan ko na lang siya.  Nakakainis na makitod na babaeng yun. Wag na sana siyang bumalik.

"May meeting ako sa labas mamaya. Come with me" sabi niya sa'kin at lumabas na ng opisina niya. atleast kinausap niya ako kesa sa hindi. Bumalik na lang ako sa pagbabasa ng magazine sa couch ng office niya.

"Hey, hey wake up" sabi ng lalaking tumatapik sa pisngi ko. Nagmulat naman ako ng mata just to see Hunter's face na sobrang lapit sa mukha ko. Tinulak ko naman siya palayo.

"What are you doing?" matalim kong sabi sa kanya dahil hindi ko naramdaman ang presensiya niya at hindi ako nagising sa yabag niya.

"Hey chill. Nakatulog ka kasi. Pupunta na tayo sa ka-meeting ko. Be ready" nagpipigil na tawang sabi niya pa.

Tumayo naman ako at nag ayos ng damit. Sinundan ko na siya palabas ng office niya.

Napansin ko naman ang mga tao na nakatingnin sa'kin. May dumi ba ako sa mukha?

Nakasalubong ko naman si Allison at parang nagulat pa siya nang makita niya ako.

"Uh, Miss Aria okay lang po ba kayo?" Tanong niya sa'kin.

"Oo naman" sagot ko sa kaniya. Ano ba kasing problema?

May kinuha naman siya sa bag niya at itinapat sa mukha ko. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Hinabol ko naman yung tarantadong lalaking yun.

"Hoy! Walanghiya ka talagang lalaki ka!" sigaw ko sa kanya habang hinahabol pa rin siya. Humarap naman siya sa'kin na tumatawa.

"What? Bagay naman sa'yo eh. You should've seen your face. Hahahaha" Tawang tawang sabi niya. Nawala na yung mata niya kakatawa. Natulala naman yung mga empleyado ng building. Nandito kasi kami sa lobby ng building niya. 

"Totoo ba 'tong nakikita ko? Si Sir Hunter tumatawa?" narinig kong bulong ng isang receptionist.

Big deal ba yung pagtawa ni Hunter?

"Bro. Mukhang ang saya natin ngayon ah!" Bati ng matangkad na gwapong nilalang na kakarating lang. " Bakit ka ba tawa ng tawa?" Tanong nung kapreng gwapo kay Hunter. Tinuro naman ako ng damuho. Humarap siya sa'kin at nawala ang ngiti sa mukha niya.

"Dude, that's rude" sabi niya kay Hunter. Buti pa 'tong lalaking 'to, marunong rumespeto sa babae. Inabutan naman ako nito ng panyo. "Here use this" sabi niya sa'kin.

"Thank you" sabi ko sa kanya. Inirapan ko naman si Hunter.

Gusto mo ba malaman kung ano ang ginawa ng damuhong yon sa mukha ko? He drew a freaking phallus on my face. lagot talaga sa'kin yung lalaking yun.

Nagpunta naman kami kaagad sa kameeting niya sa isang restaurant. Me being a bodyguard, malamang nakabuntot ako palagi sa kanya. 

I am observing everbody in this resto when I spotted a weird looking girl. I started watching her if she will do something unusual. Tumayo siya at naglakad papuntang bathroom kaya sinundan ko siya when I bumped on the waitress that served Hunter's food. Gumulong  naman ang hawak niyang bote. Biocide. Oh fuck no! Tumakbo kaagad ako kay Hunter para pigilian siya sa pagsubo ng pagkain niya. I dived into him at bumagsak kami sa lapag.

"What the fuck is your problem?!" singhal niya sakin.

"I'll explain later okay? Basta kahit anong mangyari, wag na wag kang kakain ng kahit ano dito" sabi ko sa kanya at hinabol na ang babaeng nakabangga ko kanina. Nilabas ko ang pistol ko at hianbol siya pero hindi ko na siya naabutan. Binalikan ko naman kaagad si  Hunter sa loob. 

"Care to explain what happened?" tanong niya sa'kin pagkalapit ko sa kanya.

"Someone's trying to poison you"  Hinihingal kong sabi sa kanya. Natulala naman ang damuho. 

"Kailangan na nating umuwi ngayon. Hindi tayo ligtas dito" Napalingon ako sa likod ni Hunter at nakita yung babae kanina na nasa labas ng resto. Nakatutok yung baril niya kay Hunter kaya niyakap ko si Hunter at naramdaman ko na lang yung impact ng tumamang bala sa likod ko.

"Pumunta ka na sa parking lot. Dalhin mo "tong baril na 'to" sabi ko sa kanya at ibinigay ang isa ko pang hand gun. "Umalis ka na! Bilis!" Sigaw ko sa kanya. Hinigpitan ko naman ang hawak ko sa pistol ko at hinabol yung babae kanina. Nakita ko siyang lumiko sa bakanteng lote kaya hinabol ko siya. Pinapaputukan niya ako kaya gumaganti ako sa kanya. Nakita ko naman na tinamaan siya sa braso ng pagbaril ko. Nagpatuloy kami sa paghahabulan hanggang mawala na siya sa paningin ko.

Pinuntahan ko kaagad si Hunter sa parking lot ng resto. Nasa loob na siya ng kotse at hinintay ako.

"Nakatakas siya, pero tinamaan ko siya kanina sa braso. Argh" Daing ko. Ngayonn ko lang naramdaman yung sakit sa likod ko.

"You're bleeding. Le me take you to the hospital" Sabi niya sa'kin.

"No no. Wag sa hospital please. Magpadala ka nalang ng doctor sa bahay niyo please" sabi ko sa kanya. I really hate hospitals. It trigger my past.

"Tatawagan ko na lang si Haley" Urgh. Yumg babaeng yun na naman.

"Bahala ka" Nilagyan ko nalang ng malaking towel yung likod ko para mag stop yung bleeding and we went home.

--

Redd: Lame. Wag kayo mainis kay Haley. Haha. Sorry sa mabagal na update. Magfa-finals na kasi eh. Medyo busy. Anw, napakinggan niyo na ba yung Youth ni Troye Sivan? LSS ako dun grabe. Hahahaha. Sige na. Bye!

His Undercover NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon