Tumango ako. "I know, malakas ka, miss, kayang kaya mo yan. Nandito lang naman ako, sabi ko nga, I could be your distraction." sabay ngiti sa kanya dahil lumingon sya sa akin.

"Bakit ba napaka bait mo sa'kin? Sinusungitan lang naman kita?" ayan na naman sya sa mga tanong nya.

"So? Hindi naman kita nakilala na mabait ka sa'kin, mas sanay pa nga ako na nagsusungit ka lang, sa'kin ka lang naman masungit," at least yung sungit mo akin lang.

"Baliw ka. Pero salamat sa pagpunta mo sa'kin dito," nakangiting kinurot naman niya yug pisngi ko.

Hinawakan ko naman yung mga kamay niya at hinalikan ang mga palad niya. Namula naman siya ng bahagya.

"Ako lang ang naglakas loob sa mga teammates natin pero nag aalala din sila sa'yo." sabi ko pa sa kanya.

Pinaghawak ko ang mga kamay naming dalawa at iginaya siya pabalik sa loob.

"Alam ko yon, ang ingay niyo kaya kanina," medyo hinigpitan niya yung hawakan namin kaya natuwa naman ako.

"Sila lang yon, sweetheart," bago tuluyang makapasok ay binatukan naman niya ako sa tinawag ko sa kanya. Ang sweet talaga.

***

Habang nag aalmusal ang mga kasama ko ay nagpaalam ako na mag iikot muna sa campus gamit ang bike ko, yon kasi ang exercise ko ngayon, may therapy naman ako pagkatapos at susubukang mag training sa hapon. Buti na lang Sabado ngayon.

Palabas na ko ng tawagin ako ni Jia at sabihang maghintay. Umakyat muna siya kaya naman napatingin ako sa mga teammates namin na nagtatanong ang mga tingin, nagkibit balikat naman ako.

Pag nagbabangayan lang kasi kami ni Jia, doon lang nila kami nakikitang mag usap, hindi nila nakikita pag normal ang conversation naming dalawa.

Pagbaba ni Jia ay may dala siyang helmet at paper bag, inabot lang niya sa'kin yon at walang sabi sabing bumalik na sa mesa at itinuloy ang pagkain.

Sinundan ko naman siya at ngiti ngiting kumuha ng piraso sa kinakain niyang bacon, pinalo niya ang kamay ko at tiningnan ng masama. Uminom naman ako sa kape niya na mapait pa rin ang lasa. Tinadyakan naman niya ako sa binti.

"Aray naman, Jia, para nakikitikim lang eh," reklamo ko at hinaplos ang nasaktan kong binti. Masakit yon ah, may plano yatang maging football player 'tong Jia ko eh.

"Yang ibinigay ko sa'yo ang kainin mo. Alis na. At isuot mo yang helmet mula ngayon, baka madisgrasya ka, stupid ka pa naman." masungit nyang sabi.

"Ang sweet mo, Jia, binilhan mo pa ako ng helmet at ipinagluto. Salamat ah." Hindi ko pinapansin ang mga kasamahan namin na tumigil sa pagkain at nakikinig sa usapan namin ni Jia. Bakit ba? Masaya ako eh, ang galing bumuo ng araw ni Jia. Yung kausap ko naman ay nahihiyang tiningnan ang mga kasamahan namin bago ibinalik yung tingin niya sa'kin.

"Isa, Llaneta, pag di ka pa umalis sa harap ko, lagot ka talaga," banta pa niya.

Mabilis namang lumabas na ako, baka mamaya bawiin pa yung binigay eh.

Hapon na nang pumasok ako sa BEG kung saan nagsisimula na ang training ng mga teammates ko.

"Besh, okay ka lang ba, bakit medyo umiika ka?" salubong sa'kin ni Marge, siya kasi ang unang nakakita sa'kin pag pasok ko. Napangiwi naman ako sa pag aalala sa mukha niya. Ano ba yan, sabi nang ayokong nagiging dahilan ng pag aalala ni Marge eh.

"Okay lang ako besh," paniniguro ko sa kanya. "nasobrahan lang sa bike saka medyo masakit yung therapy ngayon pero ayos lang talaga."

Inakbayan ko naman si besh at lumapit na sa mga teammates namin. Busy na sa spiking drills ang iba, yung iba naman sa digging nagpa practice.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon