Si crush kasi hindi maalis sa isip ko. Talagang siya pa talaga ang sinisi ko eh. Hehehe. Tsaka, I'm so excited para malaman ang mga bagay na sinulat niya sa slum notebook ko.
"Ca-ndice. H-heto na pala yung slum note mo. Pasensya na ha. Inuwi ko pa." inabot ni crush 'yung slum notebook sabay kamot sa ulo niya. Hahaha. He's so cute. Ayan tuloy, may nakataas ng hair niya dahil sa pagkamot niya. Hahaha.
"Wala yun. Ang mahalaga eh nasagutan mo. Salamat Renz huh!"
Con todo pa-cute ako sabay talikod at niyakap ang slum notebook ko. Hahaha. OMG, I'm supah kilig and excited na basahin ang mga sagot niya.
Umupo ako sa sulok at binuklat ang pahina kung saan siya nagsulat. Bago ko idako ang mga mat ako sa mga sulat ng tinta ng ballpen niya, pumikit ako.
Inhale...
Exhale...
Inhale...
Exhale...
Inhale...
Exhale...
Haaaaaaaaaah!
Iminulat ko na ang aking mga mata tsaka nagbasa. Okay Candice, ready ka na ba?! Hah! Fighting! Sabi ko na lamang sa sarili ko. Basa mode na ako.
****************************************
Name: Lawrence Hizon
Nickname: Renz
Address: Baguio City
Birthdate: January 13, 1998
Birthplace: La Union
Ambition: to be your man and you'll be mine
Greatest Achievement: noong nakilala kita ^_~
Greatest Dream: to be your husband ^o^
Goal in Life: to be your boyfriend :p
Who's Your Crush: secret.. Clue --> (I _ _ _) Haha!
Your Message To Your Crush: Dear I_ _ _,
Mahal na ata kita. Di ko maipagtapat ang nararamdaman ko sa'yo dahil ang torpe ko. Sorry, alam ko man ang mga bagay at mga lessons natin, pero pagdating rito, HINDI KO ALAM. Sorry, napakalaki kong torpe. :( Sa ngayon, malalaman mo na mahal kita. For sure mababasa mo ito.. hahah.. God bless! Muah muah! :-*
Message To The Owner: Candice, ahh salamat hah. Dahil rito, nasabi ko ang saloobin ko sa crush ko. Maraming salamat. ^_^
-Renz
****************************************
Grabe, ambigat ng pakiramdam ko matapos kong basahin. Mahal na daw niya 'yung crush niya. Pero sino siya? I envy whoever that girl! Sabi niya, malalaman na daw ngayon ng crush niya na mahal na daw niya ito. Ibig sabihin, isa sa mga kaklase ko ang crush niya dahil everyone knows that I bought this slum notebook for the whole class. Everyone will sign and everyone will read this slum notebook.
Dinouble check ko 'yung mga sagot niya. Nag-iwan siya ng clue. Sa letter "I" nagsisimula 'yung name ng crush niya.
Bago pa man humaba ang nguso ko sa pag-iisip, biglang nag-pop out sa utak ko ang isang ideya. Maaari kayang? O hindi kaya si. . . . IRIS!?! Darn.
YOU ARE READING
Secret Notes
Short StoryShort Story: Always read between the lines because sometimes, answers are already written. Avoid conclusions. Sometimes it will lead you to incorrect reasoning and may worsen the situation. •••◆◇CanaryPenman◇◆•••
Secret Notes: In a Nutshell
Start from the beginning
