/10/

4.9K 214 9
                                    

Lutang ako. Oo, lutang na lutang ang isip ko, kahapon pa. Sino ba naman ang hindi? Kung sainyo mangyayari to sigurado akong ganito din ang mararamdaman niyo. Never in my wildest dream I've imagine my best friend falling for me. Never. Ni minsan hindi ito pumasok o sumagi sa isip ko.

Wala naman kasi talagang malisya para sakin lahat ng ka-sweet-an ni Javier e. For me, he is just a sweet friend. But I'm wrong, maybe I am also to be blamed. What if I am accidentally giving him false signals? Pero, hindi talaga plausible e. Is he gay? Or is he bisexual? God!

Napagdesisyonan kong mag-abang nalang ng bus nang maka-pasok na sa school. Tama! Hindi ko nalang iisipin na liligawan ako ni Javier. I will act normal, just like how I usually act before he confessed his feelings. There Rancis... nahanap mo na ang solusyon sa problema mo.

"Ay kikeng basa!" napa-sigaw ako ng may biglang bumusina sa gilid ko.

I believe this scenario has happened before. Tama, kahapon. Exactly the same time, exactly the same car, and exactly the same jerk.

Nakita ko na naman ang naka-ngising mukha ni Zac. Bakit ba kailangang araw-araw kong nakikita ang mongoloid na 'to? Badtrip nya ko huh!

"Ang aga-aga naka-busangot na naman yang mukha mo bakla!" aniya.

I scoffed, "Ano ba kailangan mo?"

"I need you."

What? Did I heard that right? He needs me? Nah, baka kailangan niya lang ako para ma-entertain siya sa pang su-sura sakin.

"Are you kidding me?" walang buhay kong sabi.

"No, I really need you," madiin niyang sabi.

Parang biglang nag-init yung mukha ko pero hindi ko nalang yun pinansin at tumingin ulit ng masama sa halimaw na nasa harapan ko.

"Need me? Para saan?" tanong ko.

Nagulat ako ng bigla niyang binuksan yung pinto ng kotse niya.

"Sakay," matigas niyang sabi.

"What if I don't want to. Wala akong tiwala sa hulma ng mukha mo, mamaya kung saan mo pa 'ko dalhin." I crossed my arms, "Atsaka may pasok ako ngayon, as you can see I am waiting for a bus."

"Well, we're exactly going to St. Therese," seryoso parin nitong sabi.

Is he? Nah, impossible.

"So, ihahatid mo 'ko?" naka-ngisi kong tanong. "Please tell me, Zac, have you fallen in love with me?" pang-aasar ko.

So, mukhang umepekto sa kanya yung pang-se-seduce kahapon? Boys will be boys... marurupok.

Pumalatak ito sabay tingin sakin na parang nasu-suka.

Gagong to ah!

"Isipin mo kung ano ang gusto mong isipin. Napag-utusan lang akong dalhin ka sa school. It's not like I wanted to do this."

Inabante nya yung kotse palapit sakin na ikinagulat ko.

"At isa pa, hinding-hindi ako magkaka-gusto sa isang baklang kagaya mo. You disgust me to the core of my bones!"

Nag-salubong naman ang kilay ko sa sinabi niya. Pero, hindi ako nagalit dahil naiintindihan ko ang pinang-huhugutan niya. Diba nga na-rape to ng bakla?

"Not that I like the idea that you like me. Kahit ako nandidiri," sabi ko sabay peke ng gag reflex.

"Good, I just have to deal with this nonsense and then she would stop pestering me," iritable nitong sabi.

Courting Rancis Ong: The Seven Despicable Boys (bxb) (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon