/1/

13.4K 371 26
                                    

Nilagay ko na yung mga gamit ko sa loob ng backpack ko dahil uwian na. Hindi ako kagaya ng ibang estudyante dyan na pagkatapos ng klase ang unang inaatupag ay mga hindi makabuluhang bagay tulad nalang ng paggala, paglamyerda at kung ano-ano pang ginagawa ng isang normal na seventeen years old na kagaya ko.


Pero may isang bagay akong hinding hindi ko puwedeng hindi gawin sa isang araw. Isang bagay na masasabi kong passion ko na't nakatatak na sa pagkatao ko — ang paglalagay ng makeup.

Oh? Baka iniisip nyo na ang babaw ko naman yata? Na bakit ka lalake kong tao e mahilig ako sa mga kolorete. Basta isipin niyo nalang na bagay sakin yung makeup dahil sabi nila mukha daw akong babae. Aminado naman ako na isa akong bakla, at isa akong magandang bakla.


Hindi ako yung tipo ng bakla na long haired, hindi din ako naglalagay ng lipstick, eyeshadow at blush on. Tamang makeup lang, yung tipong pinapalabas ko lang yung natural kong ganda. Naks, ang kapal diba?


"Ong! San ka pupunta?" tawag sakin ng lalaki sa may likuran ko.


Tinuro ko yung sarile ko.


"Ako ba? Uuwi na ko malamang uwian na e," sabi ko sa kanya sabay lakad palabas ng classroom.


"Teka... teka nga Ong! Bakit ba madaling-madali ka?" tanong nya ulit.


Hindi ko na siya nilingon pa, pero sumagot naman ako sa tanong niya, "Wala naman na kasing dapat pang gawin dito sa St. Therese e, saka isa pa inantok na ko."


Pagkatapos kong sabihin yun hindi na sya sumagot pa. Buti naman, napaka-kulit kasi nyan ni Neil e. Si Neil yung seatmate ko na araw-araw walang ginawa kundi kulitin at iritahin ako. Member sya ng basketball team sa pagkakaalam ko.


Habang naglalakad nagulat ako ng biglang may umakbay sakin, pagtingin ko walang iba kungdi itong makulit na si Neil.


Nairita ko kasi pagkabigat-bigat ng braso nya.


"Yah, bakit ka ba umaakbay sakin? Feeling close ka rin e 'no?"


Ewan ko ba pero first day palang ng klase irita na 'ko sa taong to. Naniniwala kasi ako sa "irritated at first sight" e. Alam mo yun? Yung wala namang ginagawa sayo yung isang tao pero bwisit ka sa presence niya? At pati narin sa existence niya? Ganun.


Nag-pout siya. Oo may itsura si Neil pero nauumay ako.


"Rancis... bakit ba parang lagi kang bwiset na bwiset pagnakikita mo ko? Saka bakit ba ang sungit-sungit mo? Sayang ka-cute-an mo nyan."


Tinangal ko yung pagkaka-akbay nya sakin sabay tingin sa kanya ng masama, "Hindi ako na bi-bwiset pagnakikita kita, okay," pagsisinungaling ko. "Pero ang kulit mo kasi e. Real talk yan."

Courting Rancis Ong: The Seven Despicable Boys (bxb) (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon