Class4A:5

255 11 2
                                    

***
Patuloy si Lyka sa pagtakbo hanggang sa may mabunggo siya.Nabuhayan siya ng loob sa nakita.

"Lyka bakit ka tumatakbo? Anong nangyari?" Sabi ni Andrea habang hawak ang braso ni Lyka, niyakap niya ito.

Tumingin siya sa mga kaibigan na nasa likod ni Andrea.Nakakunot ang mga noo nito sa kaniya.Ngumiti lang si Lyka sa mga ito, masaya siya na lahat ay ligtas pa at hindi pa pala siya iniiwan ng mga ito.

"Guys makinig kayo, ang tanging paraan lang para matahimik yung teacher ay ang tulungan natin siyang mabigyan ng hustisya"

"Huh?? Seryoso? Para tayong magiging detective ganon?" Sabi ni Emmylou nakatikim naman siya ng batok kay Leo.

"Gaga imagination mo bakla! Hahaha"

"Bakit ganun naman talaga yun ahh... maghahanap tayo ng mga evidence diba?" Napailing na lang ang lahat sa sinabi ni Emmylou.

"Ano ng gagawin natin ngayon?" Tanong naman ni Ericka.

"Guys yung bangkay nung teacher, nasa loob ng room natin.Dun yun tinago" sabi ni Lyka sabay ang pagkabigla ng mga hitsura nila.

"WEH??!!" sabay sabay na sabi nila.Tumango si Lyka bilang sagot.

"Ang creepy naman" -Adeline

"Sinabi mo pa"- Kym

"Haunted pala yung room natin?" - Shane

"Sino bang pumatay?" -Jazmin

"Yun ang hindi ko alam" -Lyka

Nagsiakyat na ulit sila papunta sa room nila upang tignan ang sako doon.Nasa fourth floor pa lang sila ng makaramdam silang lahat ng malamig na hangin.Hindi ito ordinaryong lakas at lamig.Nagkapitan silang lahat at nanginginig sa takot.

"Maam.... tutulungan na po namin kayong mabigyan ng hustisya wag noyo lang po kaming sasaktan" sabi ni Kymbelle.Hindi pa din tumitigil ang malakas na hangin kaya nagpatuloy na lang sila sa pag akyat.

Kasalukuyan silang naglalakad sa hallway ng tumigil sa paglalakad si Kym.

"Nandito siya Guys...." sabi nito na nagpatigil sa buong grupo sa paglalakad.

"Tutuloy pa ba tayo?? Umuwi na tayo please...."- Andrea

"Sshhh tahimik....." sabi ni Angela.Ilang sehundong katahimikan ang nabalot sa kanilang lahat.

"G-guys..... papatayin niya tayo....." sabi ni Angela.

"TUMAKBO NA TAYO!!!" -Ericka

Handa na sana silang kumaripas ng takbo ng pigilan sila ni Lyka.Nakiramdam muna ito sa paligid bago ito magsalita.

"Walang gagalaw guys......" nakatingin sa kaniya lahat at hinihintay ang muling pagsasalita nito.

"Nasa likod natin siya......

Bumubulong siya sakin.......

Yung pumatay sa kaniya.......

Nasa loob ng class4A......





Classmate natin guys, classmate natin yung pumatay sa kaniya"

-----

"May tao dito"

Naalimpungatan si Lyka sa narinig at dahil din sa liwanag ng flashlight na tumatama sa muka niya.Minulat niya ang mata niya at nakita ang mga guwardiya.Ginising niya agad ang mga kaibigan.Nakatulog na pala sila dito sa loob ng building ng fourth year.

"Bakit nandito kayo? Hindi mga nagsiuwi?" Tumango silang lahat at inayos ang mga damit nila.

"Tsk tsk"

Class4A Where stories live. Discover now