Class4A 1:

587 21 0
                                    


"Class dismissed"

Umunat si Leo ng makalabas na ng tuluyan yung last teacher nila.Nasabi niya sa sarili niya na nakaraos na naman silang magkakaibigan sa isang linggo ng pasukan.

Tumayo siya at lumapit sa kumpulan ng kaniyang mga kaibigan.Ang daily routine ng magbabarkada.Ang magpaiwan sa room nila hanggang sa akyatin sila ng guard para pauwiin.Kinuha ni Leo yung lipstick niya sa bag niya at nagsimula ng magpaganda.

"Tapos niyo na yung project? Malapit na deadline diba? Sabay sabay tayong magpasa ha!" Sabi ni Lyka habang nagpupulbo.Tumango naman sila at sumangayon sa gusto ni Lyka.

Ganyan talaga silang magbabarkada, dapat lagi silang sabay sabay magpasa ng mga project o ano man, walang iwanan kumbaga.

Sila na lang ang tao sa corridor nila.Matatanaw din mula sa building nila ang mga classroom sa kabilang building, wala na ring tao.Tumingin sa wristwatch niya si Kymbelle.

"Guys di pa ba tayo uuwi? Alastres na, tatapusin ko pa yung mga project natin"
Nagsimula na silang magligpit at naghanda sa paguwi nila.

Lumabas na sila ng sabay sabay sa fourth year building.Nagpaalam sa isat isa dahil iba iba sila ng way pauwi.

----

"Shit saan ko ba nailagay yun?" Halos maiyak na si Lyka sa kakahanap sa nawawala niyamg project na ipapasa nila bukas.Nagkagulo na din ang mga gamit niya sa kakahanap.Napansin ito ng kaniyang nanay kaya pinuntahan siya nito sa kwarto niya.

"Hoy ano ba yan Lyka? Bakit ang gulo ng kwarto mo? Ano ba hinahanap mo?" Nakasimangot siyang humarap sa nanay niya.

"Yung project ko kasi nawawala, bukas na namin ipapasa yun eh!" Napabuntong hininga yung nanay niya.

"Yun bang floder na pink?" Napatango siya at nagkaroon ng pag asa yung puso niya sa narinig mula sa nanay niya.

"Gaga ka! Nakita ko kanina yung umaga bitbit mo papuntang school, baka naiwan mo sa classroom niyo" nagisip ng malalim si Lyka at biglang napasapo sa noo niya.

Naalala na niya, naiwan nga niya ito kanina.Kaya pala parang may naiwan siyang bagay na kanina pa niya iniisip nung pauwi sila.Iyon palang pink folder yung naiwan niya.Nagiisip siya ngayon kung paano niya ito makukuha.

Kinuha niya ang phone niya at nagmessage sa group chat ng barkada.Nagsimula na siyang magcompose ng mensahe at agad itong isinend.

"Guys pa favor naman ohh.... samahan niyo ko sa school..... kukunin ko yung project na naiwan ko, di ko pa tapos yun eh pleaseee guys parang awa niyo na.Kung sasamahan niyo ko, magkita tayo sa school ng 7 pm"

Agad naman itong naseen ni Adeline at Jazmin, agad silang nagreply dito.

"ANO?? SERYOSO KA LYKA?? 7 PM? bukas pa ba school nun? Ulyanin ka kasi eh" sabi ni Adeline na sinundan niya ng stickers na nakadila.

"Oo nga sarado na school at saka nakakatakot kaya dun.... gawin mo na lang bukas pumasok ka ng maaga" sabi naman ni Jazmin.

Nanlumo si Lyka sa nabasa biya mula sa mga kaibigan.Nawalan siya ng pag asa na maipasa iyon bukas.Hindi man dead line bukas ay dapat na nila itong ipasa dahil gusto nila ng magandang grade.Sabi kasi ng teacher nila ay ang maagang magpasa ay may perfect grade sa project.Yun ang goal ng barkada nila.

"Please... may alam akong daanan papasok sa school ako pa ba? Dali na kasi guys mabilis lang tayo dun promise."

Sa wakas ay naseen na ito ng lahat.Si Leo,Emmylou at Angela pa lang ang pumapayag sa gusto niya.Exciting daw dahil gabi at baka may maincounter silang ghost.Yung iba naman ay itatry pa kung makakasunod sila.

Class4A Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin