Chapter 13: Strawberry

4.1K 174 47
                                    

EQ: "Ano ba! Kanina pang hawak yang phone na yan ah"

Hawak hawak ko ang papel na sinulatan ni Enrique ng number ni Kit.


"Madali na lang to. Wag mo nga akong pakialaman."

EQ: "Mahal ang oras ko"

Litanya ko yan ah!


"Hoy, nung ikaw ang nanghuhula nung isang araw, pinakinggan mo ba ako? Hindi diba?"

EQ: "Nakikinig kaya ako sayo nun! Diba tinigilan ko nga?"

"Tinigilan mo nga, nung nahulaan mo na! Kaya wag ka nga makialam jan. Maglaro ka lang ng basketball jan."


Andito kami sa Time Zone.

Nagpasama ang ugok at nabobored daw.


Ako naman, walang choice dahil saktong labas ko ng pinto sa room kanina, ay mukhang nakasimangot ang nakasalubong ko.


EQ: "Kaya nga ako nagpasama sayo para naman mag-enjoy ako."

"Kung binibay mo na ng buo ang number ni Kit. Di sana, hindi na ako nag-papakahirap dito!"

EQ: "Kung yung kay Sheree nga pinaghirapan ko, syempre dapat maghirap ka din!" habang patuloy na nag-shushoot ng bola.


Di ko sya pinansin.

At baka mawala ang concentration ko dito sa panghuhula ng huling dalawang number ni Kit.

Kapikon naman tong si Enrique -___-

Ayaw magpatalo!!


EQ: "Tigilan mo na yan at makipaglaro ka na sakin dito."

"Kelan pa ako naging basketball player? Duh."

EQ: "Wag ka ngang mag-duh jan. Hindi bagay sayo. Di ka mukhang sosyal."

"Kapal mo!"

EQ: "Sabagay, ganyan ka nga pala tamaan ni Kupido, nag-eenglish bigla."

"I know right!"

EQ: "Kadiri" sabay ikot ang mata at tuloy ang shooting.


Nakaupo lang ako dito sa may archade.

Katapat ng pinaglalaruan ng basketball ni Enrique.


Nang matapos si Enrique.

Patapos na rin ako... Patapos na ang limitasyon ng pasensya ko!!!


"ENRIQUE!!! IBIGAY MO NA NGA SAKIN!!!!"

Hinila nya ako sa kamay ko.

Basang basa sya ng pawis.

Nabitiwan ko pa ang papel.


EQ: "Gutom na ko. Tarang kumain."

"Ay putek yung papel!!!"

EQ: "Tingnan mo na lang jan sa call logs mo. Magisip ka nga."

Oo nga no.

"Bwisit. San ba tayo kakain? Kakadiri ka, basang basa ka pa ng pawis!!"

Bigla nya akong liningkis na animo'y ahas!!


EQ: "Ayan. Kadiri pala ha!"

"Ay putttttttttttt!!!! Enrique!!" napapikit na lang ako sa inis at nakatigil lang sa gitna ng mall.

Putek!!!

Halos manligo ako ng pabango bago pumasok, tutok sa electric fan sa room para pagpawisan tapos lilingkisin lang ako ng walangyang to! Lapot na lapot pa naman ng pawis nya!

Uy, Mahal din ba kita? (UMK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon