Chapter 10: Zoned

4.7K 173 54
                                    

OMG OMG!!

K: "Tayo na ba ang sunod??"

"Oo Kola! Tayo na!!"

OMG! Makakapagpa-picture din sa Silent Sanctuary!

Mangiyak ngiyak kami ni Kola sa tagiliran.

Si Enzo, weirdong weirdo na natatawa saming dalawa.

Si Enrique naman laughtrip. Tinadyakan ko nga ng isa!

Nung narinig namin ang next.

Kulang na lang ay mahimatay kami ni Kola!

Nanginginig kaming lumapit at agad yumakap si Kola sa bokalista na si Raymund aka Sarkie Sarangay.

K: "Ako po si Kola! Jusko! Fan na fan nyo po kami ni Bam! *sabay turo sakin*"

"Wow talaga? Ikaw pala yung pinagde-dedicate-an namin kanina." sabi ng bokalista nila.

"Opo sya nga po yun! Nako!!!! Paboritong paborito ko po yung Monodramatic nyong album!!"

K: "Ako naman po yung bago nyo, yung langit luha!!"

Para kaming ewan dalawa dun sa sobrang pagka-fangirl.

Hiyang hiya na si Enrique sa tagiliran dahil sa ginagawa naming dalawa.

Si Enzo, cool na lumapit sa bawat myembro, at nakipag-kamay.

"Enzo?" sabi ni Idol Sarkie.

EZ: "Ako nga po. Salamat po sa pag-tupad ng kahilingan ko na idedicate ang kanta sa girlfriend ko"

"Nako wala yun! Nakakatuwa nga kayo."

Nanginginig lang na nakatitig si Kola sa buong banda.

Ako naman ay pigil pigil ni Enrique na gumawa pa ng kaweirdohan. Hawak hawak nya ako! Kaloka!!!

EQ: "Wag mo ng balakin na gumawa ng ikakahiya nating apat. Kanina pa kayong parang sira ulo nitong si Kola."

"Ang KJ mo! Grabeeee!! Silent Sanctuary yan oh! SS!!"

EQ: "Oo na nga! Wag na kayo mag-eskandalo. Nakakahiya!"

"Aba!!"

"Oh sya aalis na kami ha?" pamamaalam ng bokalista.

Agad akong kumawala kay Enrique.

At kaming dalawa ni Kola ay tig-isa ng braso nya.

"Teka picture po muna!"

Kinunan kami ng litrato ni Enzo. Napakaraming litrato! Nagselfie pa kami kasama sila.

"Kelan po ulit kayo babalik sa lugar na to?"

"Soon! Pagbalik namin. Nood ulit kayo ha"

K: "Hinding hindi po namin papalagpasin yan promise!"

"Wow! Thank you! O sya mauna na kami ha? Salamat sa inyo."

Uy, Mahal din ba kita? (UMK Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon